vote and comment.

Chapter 27: gusto ko lang naman malaman

 

Natural lang naman sa nagmamahal na gustong malaman ang lahat

Para kahit papanu madagdagan pa ang kaalaman sa isa't isa

Kasi minsan kahit ang tagal mo ng kilala ang isang tao,

Madami ka pa din hindi nalalaman.

Kahit na minsan ang mga malalaman mo,

Aayawan mo na

At sasabihin sa sarili na...

"sana hindi ko nalang nalaman"

 

 

Sharlot POV

 

 

 

 

"hey! Pwede ba. Bitiwan niyo na akong dalawa!" >___<

"BITAW!" medyo napalakas na sabi ni Lance. parang may pagbabanta pa sa boses niya

"pare wag kang bastos! Alam kong girlfriend mo siya pero may sasabihin lang na---"

"sabi ko BITAW!" ulit niya at halatang galit na siya

Yung grip niya saakin medyo masakit na. natatakot ako kay Lance pero kasi---

"Lance he asked me kung pwede niya akong makausap and---"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nung tumingin siya saakin. Yung mata niya parang nanlilisik >___< nakakatakot siya. Parang hindi siya si Lance. iba siya. Ibang iba siya pag nagagalit. Tinikom ko nalang yung bibig ko at nanahimik. Kasabay nito ang pagbitaw naman saakin ni Erick.

"Sige Lang Nathan ipagpatuloy mo lang yan. Ang nice din kasing timing mo eh." Sabi nalang ni Erick at saka umalis.

At ni isa wala akong naintindihan sa mga binitiwan niyang salita kay Lance.

Si Lance naman ay naglakad na at hila hila niya ako. ganito nalang ba role ko dito? Parating hinihila? TT___TT

Pero seryoso nakakatakot si Lance. lalo na pag nakakaharap niya si Erick

Ramdam na ramdam ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.  Kahit pa hindi sila madalas magkita o magkausap. Alam kaagad na hindi sila in good terms. I mean grabe lang talaga

Kaninang hawak nila ang kamay ko natatakot na ako. napagitnaan kasi ako eh T___T saka malay ko ba baka mamaya bigla sila magsuntukan! Edi kawawa naman ako >___<

"ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag na wag mo siya lalapitan"

Hindi nalang ako naimik. Sinisermunan na niya ako eh

"Miyuki you know what? Ang tigas ng ulo mo!"

TT____TT

"matigas naman talaga ang ulo eh" I mumbled

"Sharlot! Quit joking" he hissed

Sabi ko nga galit ka eh TT_____TT

Binabawasan ko lang yung kaba ko.

Alam ko naman isa din ako sa nagkamali dito pero kasi... may gusto lang akong malaman.

"sakay" he said

SL BOOK 2: Complicated Love (FIN)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!