Chapter 14: eeeehhh? O___O

 

 

napahaplos ako sa singsing na bigay saakin ni Lance. imposible naman talaga yun.

"Miyuki tingin mo magugustuhan ako ng mga kaibigan mo? Alam mo kasi wala ako masyadong kaibigan kaya excited ako, si Lance naman kasi hindi ako pinapalabas ng bahay kaya ayun di ako masyado nakakakilala ng mga tao sa paligid. Grabe lang talaga. Sana talaga nuh?"

" oo yan. Mababait naman sila eh."

"excited na ako." Natutuwa biyang banggit

Dahil sa pagod at puyat ng paggawa ng assignment ko kagabi. Nakatulog ako sa taxi.

"Miyuki, gising malapit na tayo sa mall"

Nag-inat ako ng bahagya tumingin sa paligid. Oo nga dito na nga.

Paarang wala akong gana bigla mag mall sa sinabi kanina ni Eris, parang kinutuban? Pero parang ang labo kasi eh. Sa ugali ni Lance? imposible kasi talaga baka ibang tao naman yun. Haha kalokohan kung anu-ano naiisip ko.

Bumaba na kami ni Eris sa taxi at pumasok sa loob ng mall, sa isang fastfood chain kami naghihintay kina Gail.

"hala excited akong kinakabahan, parang ngayon nalang kasi ako ulit makikipagkilala sa mga tao eh"

"eh? Seryoso? Hindi nga?" hindi makapaniwalang tanong ko

"oo seryoso, kasi nga kagaya ng sabi ko parati lang ako sa bahay, pinagbawalan ako ni kuya lumabas since bumalik kami dito"

"ah. Kaya naman pala. Grabe naman yang si Erick"

"teka Miyuki, bakit Erick nga pala ang tawag mo kay Lance?"

"ayaw ko kasi siyang tawaging Lance eh" simpleng sagot ko

Dinukmo niya yung ulo niya sa table

I heard her sighing. May problema ba siya?

"okay ka lang?" tanong ko

"oo okay lang" sagot niya

"Bessy! Sorry ngayon lang ako dumating si Seb kasi ayaw ako pakawalan >____<" napatingin ako sa bagong dating na si Gail

"bessy upo ka muna" mukha siyang pagod na pagod ah. Nakipagmarathon ba ito?

Umupo ng maayos si Eris at ngumiti ng sobrang wide parang ganto lang oh ^________^

"hello, ako si Gail bestfriend ni Sharly"

"wow Sharly ang tawag mo kay Miyuki? Ang cute naman, ah ako nga pala si Eris bagong friend ni Miyuki, ang ganda mo naman pala." Saka niya inabot yung kamay niya kay Gail

"Bessy hindi mo naman sinabi saakin na bolero at maganda itong kinukwento mo saakin" may hampas pa saakin si Gail

"di ko ba nasabi?"

"oo ang sabi mo lang saakin ay madaldal siya" natatawang sabi niya

"hala sinabi mong madaldal ako? Nakakahiya naman hindi naman po ako ganun kadaldal eh"

"haha may po siya sayo bessy! Matanda ka na talaga! Hahaha" natatawa ako! Ayos din naman pala eh madali lang sila mapagkasundo ^^

"ay bawal ba mag po? Haha di ko kasi alam kung ano itatawag ko eh. Nakakahiya naman kasi kung bigla ko siyang tawagin na Gail diba? Kasi baka isipin niya FC ako sakanya >___<"

Eh diba FC ka saakin??? Bakit di mo gawin kay Gail? Haha natutuwa ako dito kay Eris ^^

"haha nu ka ba Eris! Okay lang nu! Saka Gail naman talaga ang pangalan ko... nga pala, nasan na yung isa?" tanong ni Gail

SL BOOK 2: Complicated Love (FIN)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!