Chapter 15: Ales/Kysler FB moment

 

 

Sharlot:

Pauwi na ako, nasa bus kami ngayon ni Erick, sabi niya gabi na daw masyado at babae pa din naman daw ako kaya ihahatod na daw niya ako. Wow ah! Ang bait pala nito?

"okay lang ba na iniwan mo si Eris mag-isa dun? Napagod siya kanina"

"tulog na yun ngayon"

"ah, yung kamay mo ba ayos na?" para naman kahit papaano hindi na niya ako uutus-utusan diba? Ayoko na gumawa ng plates niya!!!!

Ako yung napupuyat eh

"bukas babalik ako sa hospital papatanggal ko na"

"wow edi makakapag gitara ka na ulit? Pinapatawad mo na ako?"

Napatingin siya saakin.

"oo na"

"yes! Haha"

Akala ko naman din a niya ako papatawarin! Kasi naman eh!

Pagbaba naman sa may bus stop nakita ko si Jake.

"Miyuki" tawag niya saakin at saka siya lumapit

Nakashorts siya, wala lang fresh look ang dating.

"sinong kasama mo?" tanong ko

"ikaw sinong kasama mo?" balik niya saakin saka sabay tingin kay Erick

"si Erick, kaklase ko. ginabi na kasi kaya naman sinamahan na niya ako pauwi at—"

"siya yung lalaki na nakaaway mo?"

"h-hindi! Kaibigan ko na siya"

"ipagtanggol pa raw, sige ako nalang maghahatid sayo" offer niya

"ako nalang, ako naman may kasalanan kung bakit late siya nakauwi. Ako na" saka na naglakad si Erick

"ah sie Jake aalis na ako ah."

"teka sandal!"

Napatigil ako kasi bigla niya hinila ang braso ko

"are you cheating?" mahinahon niyang tanong

"HAH? no! of course not. Erick is my classmate at tinutulungan kong matapos mga paltes niya coz kasalanan ko kung bakit di siya makagawa. And besides---"

"okay... naniniwala na ako.. wag lang kayong papahuli ulit"

Eh? Adik ba siya?

Naglakad nalang ako ulit. Bahala nga siya. Baka bitter lang yun. -____- oo nga bitter lang yun samin ng Lance ko hoho

Mula dito sa binabaan pwedeng lakarin nalang.

Napadaan na kami sa may soccer field.

Wala ng naglalaro.

Malamang diba? Gabi na din eh.

"Ah Erick okay na dito kayak o na mula dito. Safe naman na eh"

"okay. Ingat ka"

"ikaw din"

"sige"

Hindi pa din ako umaalis sa kinatatayuan ko. may napansin kasi akong tumatakbo around the field.

Huminto siya nung napansin na nakatayo ako. Ewan ko lang kung kita niya ako.

Pero sure ako kung sino to.

SL BOOK 2: Complicated Love (FIN)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!