Chapter 47: galit

 

 

 

LAVI'S POV

 

 

"t-teka.. baka naman po nagkakamali kayo? Naglaslas yung kapatid ko, HINDI SIYA BUNTIS! KITA MONG ANG LIIT LIIT NG TYAN!" bigla nalang akong nagalit

"PWEDE? BAKA NAMAN MALI YAN!" sigaw ko pa

"sir calm down."

"ANONG CALM DOWN! ALAMI---" bigla nalang sumingit si Rex kaya naman di ko na natapos yung sinisigaw ko nakakabwisit

"Doc linawin mo ah. Anong baby? Wala pa pong asawa yang kapatid ko, isa pa panung baby nga naman? Doc maliit yang tyan oh! Nakikita mo ba?"

"sorry to say pero kung mas maaga niyo sana siyang nadala dit---"

"DOC ANO BA! MALI NGA KAYO EH!!! HINDI YAN TOTOO!" shit! Ano bang buntis ang pinagsasabi niya! Naglaslas si Miyuki! Hindi buntis ang kapatid ko!

Sht sht sht!!!

"Lavi calm down" awat ni Rex

"paano ako hihinahon Rex! Buntis at nakunan si Miyuki! Hihinahon ba ako??? Gago ba si Lance? Kaya ba niya iniwan si Miyuki? Kasi buntis ang kapatid natin at di niya mapanindigan? Eh putang inang lalaki pala yun eh! Pinagkatiwala natin kapatid natin sakanya tapos ganito???"

"I get your point but can't we at least listen to doc first?" kalmang kalma lang si Rex pero alam ko sa loob niya nagpipigil na to ng galit.

Kalmadong nilalang kasi talaga siya.

Calm and firm.

Isang taong ayaw ng mga seryosong bagay.

Taong hindi naman talaga siniseryoso ang mga bagay bagay at lagi lang sinasabing gwapo  daw siya.

Pero in this matter, halata naman ang pagka kuya niya.

I salute Rex for his attitude.

"doc linawin mo po"

"she was two weeks pregnant, madaming dugo ang nawala sakanya. Baka kung hindi nga agad siya nasugod kaagad pati ang pasyente ay baka---"

"wag mo na ituloy doc okay naman na ang kapatid ko diba? Yung baby lang" halatang malungkot si Rex. At kahit ganyan halatang galit yan.

Pagnatatahimik siya galit na talaga yan. Psh. Di ako makapaniwala.

Di talaga ako makapaniwalang iniwan ni Lance ang kapatid ko.

And worst nakunan siya ng dahil sa pag iwan ng lintik na Lance na yan.

AY GAGO!!!

Eris POV

 

 

 

"Lance" tawag ko sa kakambal ko

"may kukunin lang ako sa bag mo ah"

"geh" habang inaayos niya ang mga gamit sa kabilang side

Nadedepress pa din ako sa nangyari last time nung kasama ko si Nathan.

Ang sakit naman kasi T___T

Paulit ulit ko nalang naaalala yung pinag-usapan naming nung gabing yun.

Nung gabing bumalik na siya at hindi na kasama si Miyuki.

SL BOOK 2: Complicated Love (FIN)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!