Bigla namang tumalon si Sangchu at tumakbo sa garden.

“Sangchu! Hindi ka pa tapos maligo! Bakit ka tumakbo! Hindi ka pa rin nagbabago!” sigaw ni Jaehee kay Sangchu. Tama siya, hindi pa rin nagbabago ang asong iyan. Pag papaliguan ko, gusto niya maligo din ako. Kaya heto kami ngayon ni Jaehee, mukhang basang sisiw. Just like the old times lang.

Pasimple kong kinuha ang baldeng puno ng tubig…

“Taejoon si Sangchu biglang tumak-” hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil ibinuhos ko sa kanya ang balde ng tubig.

Nanlaki ang mata niya at sumigaw. “AAAAAAAAAH TAEJOON! WHY?!”

Tumawa lang ako saka tumakbo palapit kay Sangchu na balot na balot ng putik. “Ikaw talaga, Sangchu. Putikan ka na naman. Yung totoo? Baboy ka sa past life mo noh?”

“Taejoon!” tawag ni Jaehee.

“Oh bak-” hindi ko rin natapos ang dapat kong sabihin dahil bigla nalang niya akong tinira ng tubig na nanggagaling sa hose. Sa mukha. Take note! Sa mukha! Para tuloy akong nalulunod. May pumasok pang tubig sa ilong ko. Ouch.

Rinig ko ang halakhak niya.

“Gusto mo maglaro ah.” tumakbo ako palapit sa kanya at hinablot ang hose. Hindi siya nakapagreact agad at tumawa lang. Nakangiti lang siya sa akin. Nakaramdam ako ng kakaibang bagay. Ganito yung naramdaman ko noon tuwing kasama ko si Jaehee. Nung mga panahong love is in the air pa sa amin.

Pwede kayang bumalik ang love  sa air naming dalawa? Tingin niyo?

Bumalik lang ako sa realidad nang makita ko siyang nanginig ng konti. Giniginaw na siya.

“Giniginaw ka na. Tara na, banlawan na natin itong si Sangchung putikan. Tapos maligo ka na din ha.” Punong-puno ng pag-aalala ang boses ko. Grabe. Sana naramdaman niya.

***

Lumabas ako ng banyo na nagpupunas ng buhok. Si Jaehee, nasa sala na. Tapos na siyang maligo. Doon siya naligo sa CR namin sa kwarto kaya dito naman ako sa baba.

Marrying My Ex [MinSul]Where stories live. Discover now