Chapter Sixteen - Party

Start from the beginning
                                    


Paano sa'kin nagawa ni Spencer 'to? Akala ko pa naman mahal na mahal nya ako at akala ko binigyan nya ako ng costume na barney para magkaparehas kami ng suot pero hindi pala, akala ko lang pala..ginawa nya pala yon para magmukha akong tanga dito. 


Tumalikod ako, aalis na sana ako pero bigla nalang akong hinarang ni Carmella.


"At saan ka pupunta? Hindi ka pwedeng umalis dito hangga't hindi mo pa natitikman ang paghihiganti nya." sabi nya sa akin. Hindi ko maintindihan kung ano yung sinabi nya sa akin? anong paghihiganti? hindi ko alam ang sinabi nya.


"Please Carmella, kailan ko ng umalis dito." sabi ko sa kanya sabay lakad pero hinarang nya ako at itinulak ng malakas kaya naman napaupo ako sa sahig.


"HINDI KA NGA PWEDENG UMALIS!" sigaw nya. At dahil sa sigaw nya, napunta ang lahat ng attention ng tao sa amin. Lahat tumatawa, wala man lang gustong tumulong. Mukha akong tangang umiiyak dito habang nakaupo sa sahig at pinaliligiran ng mga masasamang tao. 


"Kawawa ka naman. Walang gustong tumulong sayo, dapat lang naman sayo yan eh." napa-angat ang ulo ko dahil sa nagsalita. Nakita ko si Spencer at Taylor. Naka-kapit si Taylor kay Spencer na parang kiti-kiti. 


"Spencer, anong ibig-sabihin nito?" tanong ko. Hindi sinagot ni Spencer yung tanong ko kaya lalo akong naiyak. Tama nga ang hinala ko, niloko nya lang ako at hindi nya ako mahal.


"Spencer, pwede bang sabihin mo ang lahat lahat?" utos naman ni Taylor kay Spencer. 


"James, sana mapatawad mo ako sa lahat ng ginawa ko sa'yo. Hindi talaga kita Minahal at hindi kita mahal, niloko lang kita. Ginawa ko 'to dahil sa inutos sa akin ni Taylor, ang mga sweet messages na sinabi ko sayo noon...lahat ng yon ay puro kasinungalingan lamang. Si Taylor talaga ang mahal ko, sorry talaga. Hindi ko to gusto pero kailangan ko tong gawin..para lang mapasakin si Taylor. Sa madaling salita..niloko kita. Sorry talaga" sabi nya. 


Lalo akong napaiyak dahil sa sinabi nya, niloko lang ako ni Spencer. Niligawan nya ako dahil sa utos ni Taylor pero bakit ako pa ang naisip nyang lokohin? Wala naman akong masamang ginawa sa kanila pero gumawa sila ng masama sa akin. Pinagmukha lang akong tanga ni Spencer! akala ko mahal talaga ako ni Spencer pero akala ko lang pala! Tumayo ako sa pagkakaupo at akmang sasampalin ko dapat si Taylor dahil sa galit pero napigilan nya ito. Nahawakan nya yung kamay ko na dapat sasampal sa mukha nya. 


"So ano, sasampalin mo ko? Bakit? Naiinis ka sa'kin. Kulang pa yan sa lahat ng ginawa mo!" sabi nya sa akin sabay sampal. Napakalakas ng sampal nya sa'kin. Hindi ko maintindihan si Taylor, ano bang ginawa kong masama sa kanya? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya.


Napahawak nalang ako sa pisngi ko, kung saan nya ako sinampal. Lalong umagos ang mga luha ko galing sa mata..feeling ko ito na ang pinakamasakit na nangyari sa buong buhay ko. Wala ng iba! Aalis na sana ako pero hinarangan ako ng mga tao kaya nanatili lang ako don na nakatayo. Hindi ko alam ang gagawin ko? Wala akong kakampi. 


"Malandi ka kasi! Bagay sayo yan" sabi ni Carmella sa'kin sabay tapon sa akin ng alak. Binuhusan nya ako ng alak at sakto sa mukha ko pa talaga yon tumama.


"Ituloy nyo lang yan." sabi ni Taylor sabay alis na. Umalis na sila ni Spencer habang ako nanatiling nakatayo don at pinagtitingingan ng mga tao.


"DAPAT SA BAKLANG YAN! PINALILIGUAN NG ALAK!!" sigaw ng isa sa mga demonyong tao dito. At dahil sa sinigaw ng taong yon, ibinuhos nila ang mga alak na hawak nila sa akin kaya napa-upo nalang ako ulit. Anong gagawin ko? Tatayo at uupo nalang ba ako dito? Hahayaan ko lang ba sila? 


"KULANG PA YAN!" sigaw pa nila. Pinunasan nila ng icing ng cake yung mukha ko. Pinipigilan ko na sila at itinataboy ko na yung mga kamay nila pero hindi ko sila kaya, masyado silang marami.


"OH ITO PA OH" sigaw ng isa. Nakita kong may hawak yung isang babae na harina at biglang lumapit sa akin at ibinuhos sa ulo ko. Tuloy lang sila sa ginagawa nila, pinupunasan nila ako ng icing, binubuhusan ng alak at harina.


"TAMA NA!! ANO BA!" sigaw ko pero parang wala silang pake.


"TAMA NA PLEASE!!"


"PLEASE ANO BANG NAGAWA KO SA INYO!! TAMA NA"


"TAAMMAA NNNAAA!!!" isang malakas na sigaw ang lumabas sa bibig ko kaya naman napaistop silang lahat sa ginagawa nila at napatingin sa akin. Tumayo ako at tumakbo papalabas ng bahay nila Taylor.


Nagtaxi nalang ako papauwi. 


***


"Anak, anong nangyari sayo!?" tanong ni Mama pagpasok ko ng bahay. 


"Ma, bakit ganito sila sa'kin? Wala naman akong masamang ginawa sa kanila pero bakit ganito sila sa akin?" tanong ko kay Mama habang umiiyak. Lumapit sya sa akin at inalalayan ako papuntang sofa, pinaupo nya ako sa sofa at yinakap.


"Ma, bakit nila ako tinrato na parang isang taong may sakit na malubha na nakakahawa? baket?" napahagulgol ako lalo. 


"Anak, tahan na. Ayaw kong nakikita kitang umiiyak dahil nasasaktan rin ako. Gusto mo bang masaktan si Mama?" para syang kumakausap ng bata.


"Pakiramdaman ko, wala akong kakampi sa mundong ito. Pakiramdam ko hindi ako kabilang" sabi ko pa.


"Anak, huwag mong sabihin yan. Nandito pa ako na kakampi mo." sabi nya. Yinakap ko sya lalo habang umiiyak.


Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nakatulog na ako sa sofa habang yakap yakap si Mama. 


Note: Hello guys, sorry kung parang ang gulo ha. Pati ako nung sinusulat ko 'to naguguluhan din ako eh, nahirapan ako sa mag-ina scene hahaha hindi ko alam kung maganda ba yung nagawa ko, kung okay lang ba. HAHAHA!! Pero nakapagud ako ng tatlong chap. in one day ha! hahaha dabest! By the way, sa susunod nga pala na mga chapter ay revenge nya na kaya naman get ready na!! sa bagong anyo ni James. 


Abangan nyo si Steph Lopez!! yeah bye. muah


Follow me on twitter: edrianxkathniel 


PS: Magulo ba yung chap. na'to? aayusin ko nalang kapag may time ako. 


Revenge ni Beki (Complete)Where stories live. Discover now