"Ganun po ba? It's okay po tita if very busy ka basta lagi mo parin akong tatawagan kung minsan" muling wika ni Gracielle.

"Sure naman pamangkin!.." agad na sagot ni Aslea saka tumayo ito para kumuha ng malamig na tubig sa may fridge ngunit pag bukas niya ay may umagaw agad ng kanyang atensiyon.

Parang biglang naglaway si Aslea ng makita nito ang manggang hilaw sa may fridge, agad niya itong kinuha saka inamoy amoy pa ito at ng hindi nakatiis ay.

"Mommy, kanino po ba itong manggang hilaw sa may Fridge?" pasigaw na tanong ni Aslea dahil nasa may banyo ng kusina si mommy Pretty.

"Walang may ari niya'n!  Ibinigay lang sa akin ng kakilala ko sa may palengke, bakit ba?" balik tanong ni mommy Pretty.

"I want to eat, kasi parang bagong pitas lang!.." sagot ni Aslea sa ina nito.

"Oo nga, kapipitas lang daw."anang sagot ni  mommy Pretty, at si Aslea naman ay agad na nitong binalatan saka hiniwa at isinawsaw nalang sa asin.

"Tita, ang asim niya'n eh!" napapapikit pa ang mga matang turan ni Gracielle sa kanyang tiyahin habang kumakain ng manggang hilaw.

"Hindi ah, ang sarap kaya at malutong lutong pa!" sagot naman ni Aslea na ganadong ganado sa pagkain na para bang hindi man lang nakakaramdam ng asim at halos wala pang ilang tatlong minuto ay ubos na nito. Parang nabigin pa siya sa isang pirasong mangga kaya muli niyang binuksan ang fridge para tingnan kung mayroon pa ngunit wala na siyang makita kaya nilapitan ang kanyang ina........"Mommy, wala na bang manggang hilaw?" anito sa kanyang mommy Pretty.

"Wala na iha, dalawa kanina iyon pero kinuha ni Daleng iyong isa at kinain din niya" sagot ni mommy Pretty na ang tinutukoy nito ay ang kanilang katulong na dalaga.

"Pag binigyan kayo ulit ng kakilala niyo sa palengke ng manggang gaya nito ay itabi niyo sa akin at wag niyong ipamigay" wika nito sa ina na ikinakunot naman ng noo ni Mommy Pretty.

"Ang asim kaya ng manggang iyon! Hindi nga naubos ni Daleng eh" sabi ni Mommy Pretty......."Naubos mo bang lahat ang manggang hilaw na iyon kahit na napaka asim?" hindi makapaniwalang tanong ni Mommy Pretty.

"Yes mommy, and it's so yummy and very crunchy!" nakangiting sagot nito sa ina.

"Ang tibay naman ng sikmura mo at parang tinalo mo pa ang babaeng naglilihi" ani Mommy Pretty sabay tingin sa anak.

"Ilang araw na po kasing parang wala akong ganang kumain, parang walang lasa ang mga pagkaing kinakain ko" sagot nito saka muling bumalik sa kanyang silya at ang ina naman ay naupo na at humarap sa may mesa.

"Kaya pala nangayayat kana" tanging sagot ni Mommy Pretty dahil ng pagdating ni Aslea ay ang unang napansin niya sa kanyang unica hija ay parang bumagsak ang katawan nito........."Nagpa check up kana ba sa doctor?" tanong nito kay Aslea na umiling lang ang dalagang anak........"Wag mo naman kasing abusuhin ang sarili mo sa katatrabaho anak, minsan ay maglaan ka naman ng oras mo para sa amin ng daddy mo? Lately, ay parang nakalimutan mo na kaming dalawin ng daddy mo, kung hindi kami tatawag sa iyo ay hindi kana namin makausap" nagtatampong turan ni mommy Pretty.

"Mommy, busy lang po talaga ako at ang dami ko kasing mga appointment na dapat asikasuhin" sagot ni Aslea sabay kagat ng labi nito dahil sa kasinungalingang sinabi niya sa kanyang ina, samantalang noong wala pa silang relasyon ni Shannon ay halos every other day siyang dumadalaw sa kanyang mga magulang o kaya ay sa bahay ng kanyang kuya Ulysses para lang dalawin ang mag asawa at ang kanyang pamangkin ngunit ng biglang dumating si Shannon sa buhay niya ay ang binata na ang naging sentro ng lahat ng kanyang oras.

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoOnde histórias criam vida. Descubra agora