C27: The first weakest rabbit.

Magsimula sa umpisa
                                    


Bakit ba ngayon ko lang napansin? Sobrang pamilyar ni Spade sa akin. Lalo na ang pangalan niya, nakita ko na iyon. Naalala ko na.


 

SAPPHIRE'S POV



Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko habang nakayakap ako kay Clyde. Naramdaman ko naman bumilis pa ang pagpapatakbo niya ng motor. Mas isinubsob ko pa ang ulo ko sa likuran niya habang iniisip ang lahat ng nanyari. Napakabilis ng lahat. Ang sabi nila, pinatay ko si Miaka ngunit papaano? Kailan?


Ang sabi sakin nila Cyrus ... nila Aislinn ... na nawala si Miaka.

Nawala siya. Hindi ko siya pinatay.


"Tahan na, Sapphire." Naramdaman kong inihinto na niya ang pagpapaandar sa motor niya. Lumingon ako sa paligid at nagulat ako ng hindi sa harap ng bahay namin kami nakahinto. Tumingin lang ako sa kanya habang ibinababa niya ko sa motor. Pagkababa namin ay umupo kami sa damuhan. Nandito kami ngayon sa maliit na parke malapit sa isang sikat na ospital.


Inabutan niya ako ng panyo na agad ko naman pinangpunas sa mga luha ko na ayaw pa rin tumigil sa kakatulo. Ilang minutong katahimikan ang binigay sa akin ni Clyde hanggang sa bigla siyang nagsalita


"Sana huwag kang magalit sa amin nila Cyrus sa sinabi namin sa'yo. Dun sa kasinungalingan na pinanghahawakan mo hanggang ngayon." Para bang isang dosenang kutsilyo ang biglaang sumaksak sa dibdib ko sa narinig ko kay Clyde. Ibig sabihin ... kasinungalingan lang na nawawala si Miaka?


Niloko ako ng sarili kong mga kaibigan?


"Ayaw lang namin na mapahamak ka. Ayaw lang namin na maging masama ang tingin mo sa sarili mo. Ayaw lang namin na—" bago pa man niya matapos ang sasabihin niya'y nagsimula na kong magsalita.


"Nakapatay ako ng tao, ng kaklase natin hindi ba ... masamang tao na ako 'nun?" mas malala ang nararamdaman ko ngayon ngunit ang kaibahan lang, wala ng tumutulong luha. Parang wala na kong maaring gawin na reaksyon. "Galit na galit ako sa gumagawa nun sa mga namatay nating kaklase pero ganun din pala ako. Wala akong pinagkaiba sa kanila. Ang sama-sama ko." Tuloy tuloy kong sinabi.


"Sapphire..." narinig kong bulong ni Clyde. Mukhang kahit siya, hindi rin alam ang dapat niyang reaksyon. Mukhang tama ang mga sinabi ko.


"Sabihin mo nga sa akin, Clyde. Sabihin mo lahat ng hindi ko naalala." Noong una'y ayaw niyang sabihin ngunit napilit ko din siya. Hindi man sa simula niya ikinuwento ay naintindihan ko pa rin. Napakalabo ng naalala ko pero ramdam ko ... totoo ang lahat ng sinabi niya.


Iyong gabi na 'yon. Ang unang beses raw na nakita nila akong inatake ng phobia ko. Mabuti na lamang at hindi alam ni Aislinn ang tungkol dito, mabuti na lang at hindi siya nandoon. Karamihan sa klase ay nandoon, isang masaya sanang party ngunit nauwi sa isang madugong katuwaan. Ewan ko kung ano ang nanyari ngunit sa pagkakakwento ni Clyde, hindi sinasadya ng lahat ang pagkamatay ni Miaka. Kahit ako, wala naman akong plano sa isip ko na ganun. Siguro noong panahon na iyon, sadya akong nagpadalos-dalos hangang sa mapatay ko siya? Hindi ... hindi... kahit hindi sinasadya, kahit hindi ko ginusto. Pinatay ko pa rin siya. Pinatay ko si Miaka.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon