"Ah eh daddy kasi!.." kakamot kamot ng ulong sabi ni Shannon at si Aslea ay ngingiti ngiti ito dahil kitang kita niya ang katarantahan sa mukha ng kanyang mahal.

"Hindi ka makasagot dahil totoo ang sinabi ko diba!" galit na turan ni Don Robert......."Just give me all the reports and all the documents then I will let you what  you want to do, or You can have your one week rest time para naman wala kang masabi sa akin" naging malumanay na ang boses ni Don Robert dahil kahit papaano ay naiintindihan naman niya ang kanyang anak dahil lalaki ito ngunit kung minsan ay napapailing nalang dahil sa pag aakalang wala paring pagbabago ang kanyang unico hijo.

"Talaga daddy!.." biglang sumaya ang boses ni Shannon ng mga sandaling iyon at napatingin kay Aslea.

"Yes, but give me all the reports dahil kailangan ko na ito today at kailangang at 10:00 am ay naipasa mo na sa akin dahil may conference meeting mamaya" sagot ng ama ni Shannon.

"Okay no problem daddy and I will be there on time!.." agad na sagot ni Shannon saka nagmamadaling pinatay ang kanyang cellphone saka binalingan si Aslea.

"Takot ka pala sa daddy mo?.." pigil ang tawa ni Aslea.

"Para kasing dragon iyon eh!.." natatawang sagot ni Shannon saka nito dinampian ng banayad na halik ang labi ni Aslea........."Babe, wala ka bang gagawing importante this whole week?.." biglang tanong ni Shannon kay Aslea.

"Bakit?.." balik tanong naman nito kay Shannon.

"Kasi kung free ka or I mean hindi ka masyadong busy ay pwede ba tayong magbakasyong dalawa? We go to Palawan or Boracay para magkaroon tayo ng maraming pagkakataon na magkasama ng walang sagabal" saad ni Shannon.

"I will check it later kung ano ang mga schedules ko this week at I will tell you later" sagot ni Aslea.

Maya maya ay napaisip ng malalim si Shannon saka nito tinitigang mabuti si Aslea kaya naman nagtaka ang dalaga.

"Why you stared at me like that?.." anang dalaga na piningot pa nito ang ilong ni Shannon.

"What if sabihin nalang natin ang relasyon natin sa mga parents mo at sa mga parents ko para hindi na sila magugulat kung sakali?.." ani Shannon na siyang ikinabahala ni Aslea.

"No babe!" bulalas na sagot ni Aslea sabay iling nito kaya naman nanlaki ang mga mata ng binata.

"Bakit ayaw mo?.." parang nalungkot ang mukha ni Shannon sa naging reaksiyon ni Aslea.

"Babe, hindi sa dahil ayoko but hindi pa ako handa sa anumang magaganap kung sakaling malaman nila. Alam mo naman na tutol na tutol si kuya Uly sa iyo kahit na magkaibigan kayong dalawa, Don't get me wrong babe but I'm not ready talaga, just give me enough time para dito dahil soon ay sasabihin din natin sa kanila ang tungkol sa atin" biglang kumabog ang dibdib ni Aslea dahil sa takot na baka kung ano ang mangyarosa pagitan ni Shannon at Ulysses kung sakaling malaman nila ang kanilang ugnayan.

"Pero babe, papaano kung mabuntis ka? Ayokong ipalaglag mo iyon kung sakali mang magdalang tao ka!" may pag aalalang wika ni Shannon.

"Kung sakaling darating ang sandaling iyon ay wag na wag kang mag alala babe dahil hinding hindi ko gagawin iyon. Hindi ko kailanman ipapalaglag ang magiging baby natin, kahit na iyong nangyari sa atin noong una ay never akong uminom ng anumang gamot ngunit talaga sigurong hindi pa oras para magka baby tayo" ani Aslea saka hinagkan ang labi ni Shannon.........."I love you babe, but please understand me dahil natatakot pa ako sa ngayon, give me enough time bago natin sabihin sa kanila ang ating relasyon" parang nagmamakaawang samo ni Aslea.

"I love you more babe! Kung iyan ang pasya mo ay igagalang ko at wag na wag kang mag alala dahil hinding hindi kita pababayaan. Mahal na mahal kita at hinding hindi kita iiwan kahit kailanman and I wish  sana ay magka baby na tayo para naman may little angel na tayo" umaasang turan ni Shannon.

"Masyado ka namang ambisyoso! Isang gabi palamg tayong nagkasama ay parang sigurado kanang magkaka baby tayo!.." naka ismid na sagot ni Aslea.

"Kung ilang beses akong nag three points eh!.." natatawang sagot ni Shannon sabay yapos kay Aslea.

"Ayan! Diyan ka talaga magaling!.." ani Aslea saka nito kinurot ang kamay ni Shannon na naglalakbay pababa sa puson ng dalaga kaya naman napahalakhak ito.

"Anong magagawa ko kung sa tuwing katabi kita ay para akong sinisilaban? Nakakabaliw naman kasi ang ganda mo mahal ko kaya kahit na nasa malayo ako ay ikaw lagi ang laman ng aking puso at isipan" ani Shannon saka nito pinupog ng halik ang labi ng dalaga......."I love you!.." mahinang bulong nito kay Aslea.

"I love you too!.." sagot ni Aslea saka yumakap ng mahigpit kay Shannon.

Hanggang saan ang maliligayang sandali nila Aslea at Shannon? At ano ang magaganap sakaling malaman ng lahat ang relasyon ng dalawa?

Abangan!....  

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoWhere stories live. Discover now