24 - Missing

222 4 0
                                    

Katelyn.

Alam mo you really need to have a restaurant! Your dishes are a masterpiece!"

Natawa siya sa sinabi ko, "Sobrang daming pagkakaabalahan doon... Ayos naman na ako sa trabaho ko na simpleng chef lang. Sikat din naman ang restaurant na pinapasukan ko..." Tinabihan ko siya, at ginitgit.

"Iba pa rin 'yung sa'yo! Ikaw lahat mag-iisip kung paano mag wowork lahat iyon...I can help too!" Na-eexcite kong sabi. I really can imagine him being successful!

Umiling lang siya sa akin, at ngumiti habang naghihiwa ng mga lulutuin niya sa aming lunch. I gave him a back hug. "Grabe...Ngayon palang na-aamaze na ako sa'yo, paano nalang kung sikat pa lalo!" Hinawakan niya ang kamay ko, at pinilit silipin.

"I'll think about it..." Malambing niyang sagot sa akin. Parang nabuhay ang pakiramdam ko sa sinabi niya!

"Talaga?! At oo, please think about it...You have the potential, love!" Ngumiti siya, at hinalikan ang noo ko.

Pagkapasok ko ng restaurant, nagulat ako dahil may nakaakbay na babae kay Lucas. Pagluluto lang naman ang trabaho niya rito 'di ba?

Lumaki ang mga mata ni Lucas, at umalis para sumalubog sa akin. He hugged, and kissed me. Hindi ako kumibo. Wala rin namang sinabi ang ibang chefs, at bumati lang sa akin.

Nakauwi kaming hindi nag-uusap, at bago ako makalabas ng kotse nakita ko na may nagtext sakaniya. Mabilis kong kinuha 'yon na ikinagulat ni Lucas pero hindi naman niya ako pinigilan buksan ang mensahe.

From: Chef Jashiel.

Thank you, Chef! Ingat!

Umangat ang kilay ko, at nagtatanong na ang mga mata ko na nakatingin sakaniya.

"It's not what you think, Love..." Umirap ako, at lumabas sa kotse. Napapadalas ang mga lumalapit sakaniyang Chefs dahil sumisikat siya sa bagong tayo niyang restaurant. Alam ko naman na para sakaniya 'yon, at pinagkakatiwalaan ko siya kaso hindi ko maisip na hindi magselos.

Enough naman ako 'di ba?

Naramdaman kong gumalaw ang kama, tapos na siyang maligo. I felt his arms all over my body. Mabilis akong naiyak sa ginawa niya. He can fuck me up, and make it okay. That's how I love him.

"Shhh...I love you."

With that comfort, nakatulog ako. Pero hindi pa rin ako natahimik dahil ang dami pa ring tumatakbo sa isip ko.

"Take care of yourself, Miss Kate. Sa susunod ulit na consultation..." Dr. Magui smiled at me.

She confirmed that I have depression. Bakit ko naman makukuha 'yon? Okay naman ako?

Pumasok ako ng CR, para umiyak. Kahit pakiramdam ko naubos na ang luha ko sa loob ng silid na 'yon, nakakapagtaka na parang ang dami ko pa ring iniiyak ngayon.

Ayoko na sabihin kay Lucas 'to, dahil mag-aalala lang siya. Nasa peak siya ng career niya na ito, ayoko mangulo. I have to be a good wife.

Once A DaydreamWhere stories live. Discover now