18 - Follow

336 7 0
                                    

Katelyn.

Pinanood ko si Ate Wendy na ayusin ang mga pinggan sa kusina dahil pumunta ako rito para uminom ng tubig. Si Lucas iniwan ko muna sa kwarto dahil mukhang inaantok pa siya. Babangon na nga sana siya pero sinabihan ko na magpahinga nalang muna siya, at aayusan ko siya ng umagahan.

Palagi namang siya ang nagaayos para sa amin, pero ngayon bukod sa may iba akong agenda, ginamit ko rin ang opportunity na ito para makabawi.

Balak ko sanang umikot sa bahay nang mas maayos ngayong tulog siya, at magresearch kung sino ba si Andy.

Is this Jealousy? I hope not. I should be grateful that Lucas is very admirable, and he lets me feel that I am loved. I just want to confim things...

"Ma'am, ayos ka lang po?"

I was snapped back at my reality nung tinawag ako ni Ate Wendy. She smiled at me, and I tried to response her smile.

"Napansin ko lang po na nakatulala po kayo dyan, at ilang minuto na kayong nakatayo diyan."

Oh, really? I am so obvious! Kaya pala si Lucas palagi akong napapansin.

"Naku! I am sorry, may gagawin ka ba rito sa pwesto ko ate?"

Umiling siya sa akin, ate Wendy is also nice to me and always smiling. The people around Lucas is very welcoming kaya naman naging mabilis din akong maging komportable sa bahay na ito.

"Hindi ho ma'am...Nagtanong lang ako baka makatulong ako sainyo...Pwede po kayong umupo sa sala kung hindi pa po kayo kakain."

Yes, sinabi ko kasi sakaniya, I'll prepare breakfast for Lucas. Matagal din siyang hindi pumayag pero siguro napilit ko talaga siya.

At... Tulong?

Oo nga! People around Lucas! Can help me!

Lumapit ako kay ate Wendy, "Ate, may place ba na hindi dinadaanan si Lucas. May gusto lang sana akong tanungin?"

Nakita ko ang makahulugang tingin niya sa akin, at pakiramdam ko naiintindihan niya ako dahil babae kami parehas. Tumango ito bilang sagot.

"Meron ma'am. May parte ng garden na ako lang or si Benjamin ang nakakaikot, pero mas lagi akong nagagawi ron dahil ako ang taga linis sa Mansyon."

It's like I saw a light come out from her because I really needed help! Nasanay akong mag-isa dahil nga gusto ko malaman ang mga bagay on my own, but I can do this kinds of things naman na hindi mahahalata ni Lucas. Thank God for Ate Wendy!

"Talaga! Thanks Ate! Halika po, tulungan nalang kita maglinis din don."

"Hala ma'am! Okay lang! Hindi niyo na nga po ako pinagluto, tapos tutulong ka pa. Baka mapagsabihan ako ni Ser Lucas niyan."

I understand her concerns naman din. "Sige ate, gets ko pero ako naman bahala sayo."

"Hindi na ma'am, gusto ko naman talaga tumulong. Hindi ko po kailangan ng kapalit."

I smiled at her. I agree, in life the best people are always free, at some point we cross people who offer help without asking for anything in return. I remembered my Family at that thought, they never asked for anything from me. They loved me with all of their heart, and provided with all that they can give. My heart felt warmed. I miss them, I'll call my parents later.

Liza crossed my mind too, nag message siya sa akin na we'll meet today after tomorrow. She'll visit daw sa bahay ni Lucas with Max. Ayoko nga sana kaso mukhang ayaw syang pakawalan nung Max dahil laging nakabuntot.

I shook my head, and followed ate Wendy's direction. She's guiding me to the garden's area na hindi masyadong pansinin.

"Saan na nga po tayo, Ma'am?"

Once A DaydreamWhere stories live. Discover now