11 - Memories

241 4 2
                                    

Katelyn.

Amoy alak! Naka damit pa kami mula sa party.

"Ano ba 'to si Liza, palagi nalang tulog kapag nakakainom." Hindi naman na bago na ganito siya. Mabilis talaga siya malasing.

Matapos kong takbuhan si Chef sa ginawa niya...ginawa namin! Pinanood ko lang silang apat uminom, pero ako ginagawa ko nang maayos na magtago. Pinilit pa nga nila si Chef na sumama sa amin, pero mukhang n akaramdam siya at umalis din. BUT he was still around us, talking to other clients. I don't know we always catch each other looking.

Hindi pa nga rin nagsisink in sa akin ang kahihiyan na iyon. Tinatanong nila ako pero wala akong masagoT. Pinilit ko lang makisama buong gabi. Kahit na nakatanggap ako ng award parang wala lang din iyon dahil sa mga nangyari ngayong gabi.

Halos one o'clock na ng umaga, at pagod na pagod ako sa pagbuhat kay Liza. Nauna na kami dahil sabay naman kaming uuwi. Dito ko nalang siya patutulugin.

Inayos ko muna nang higa si Liza, at binihisan. Ako rin kailangan ko na magbihis.

Naisip kong tignan na 'yung phone ko kaso, baka hindi ko magawa kailangan kong gawin... Gano'n na pala ako ka-bothered sakan'ya.

Thank God walang suka ni Liza kaya hindi ako mahihirapan, pero incase naglagay ako ng palanggana sa tabi ng kama niya.

Nag-ayos din ako ng mga pampunas sakan'ya dahil amoy alak nga ang bibig niya. Hindi naman na nito kayang gumising para magtooth brush.

Kung tutuusin, mas maraming nagawa para sa akin si Liza, kaya ayos lang sa akin na asikasuhin siya. Kahit pa hindi niya man ako ginagawan ng favor, kaibigan ko siya, actually kapatid...Kaya ginagawa ko 'to para sakan'ya.

Matapos kong ligpitin ang mga gamit namin tumungo na ako kay Liza. Saktong pagkapasok ko naabutan ko siyang nagsusuka. "Oh my Ghad!" Napasigaw ako sa gulat.

Dali-dali akong tumakbo papunta sakan'ya, para himasin ang likod niya. "Bakit ka ba kasi biglang umiinom? Nag-aalala ako sa'yo..."

Wala siyang sinagot, at humiga lang ulit nang maayos. Mas nahawakan ko ang katawan niya na mainit. Tsk, mukhang may lagnat pa 'to.

Nagulat din ako dahil biglang may tumawag sa'kin, agad naman akong pumunta muna ron. Si Chef!

Sasagutin ko ba?

Ni hindi nga kami naguusap eh.

Ano ba, ang dami ko namang gagawin. Maglilinis pa ako ng suka tapos iniisip ko pa ito.

"Hello, Sir..."

Sinagot ko pa rin. Hay!

"Hindi ka sumasagot sa texts, tapos ngayon lang kita natawagan dahil cannot be reached ka." Nag-aalala ba 'to si Chef? Hindi nga kami naguusap simula kanina, bat parang normal lang sakaniya?

"Uh-sorry po. Bakit po pala kayo napatawag?"

Nagulat din ako dahil sumuka ulit si Liza, this time maingay siyang nagrereklamo na ang sakit daw.

"Te-teka lang, Liza..."

"What's happening there?"

"Sir, please. Excuse lang po muna, I'll end this call. Mamaya ko na po sasabihin...Bye po."

Hindi ko na naantay sagot niya dahil sa taranta ko, kumuha na ako ng tubig pati pamunas pampunas sakan'ya, mga gamot at tubig. Pati na rin damit.

"Liza...Ano na nararamdaman mo?" Habang pinupunasan ko siya dahil sa suka niya. Umuungol lang siya bilang sagot. Naku naman... Hinilot ko ang kamay niya para kumalma ang pakiramdam niya, may mint akong ipinahid sa bandang ilong niya.

Halos isang oras ata akong naglinis ng suka ni Liza, at naramdaman ko na ang pagod. Gusto ko na magpahinga. Kailangan ko na magbihis dahil ang dami ko rin naiisip. Buti na nga lang nabusy ako kay Liza, kaysa isipin si Chef.

'Do you need help?'

'I am free. I can go to you. Wait for me.'

Nagulat ako sa huling mensahe niya ten minutes ago. What the? Mabilis kong na-dial ang number n'ya, hindi pa natatapos ang unang ring ay naputol na iyon hudyat na may sumagot ng tawag.

"Sir!"

"Kate!"

Halos sabay kaming napataas ang boses! Naku naman! Bakit papunta na siya rito? Naiistress ako. Amoy suka pa itong bahay!

"Sir, okay lang po ako. Na-handle ko naman po ang sitwasyon, hindi niyo naman po kailangang pumunta sa amin. Umuwi na po kayo. Pasensya na sa abala." Bago pa siya magsimula magsalita dire-diretso ako sa pagsasabi ng mga kailangan kong masabi.

I heard a loud sigh from him.

"Are you sure you're alright?" Napakalalim ng boses. "Yes sir!"

"Ano bang nangyari?" Tanong niya.

Nagsimula akong ikwento kung anong nangyari, at hindi naman siya napapagod sa lahat ng mga sinabi ko sumula kanina. Sa sobrang daldal ko nakwento ko lahat ng mga bagay na nangyari ngayon.

Sa sobrang stress ko hmukhang nailbas ko na lahat sakanya. Mabuti nga rin hindi niya na natanong yung nangyari sa aming dalawa. Mabuti na rin para pag nagkita kami hindi na namin mapagusapan ulit. Tahimik nga lang siyang nakinig sa akin, at pinatulog na rin ako.

Naramdaman ko ang init ng paligid, punong puno ako ng pawis. Nakatali ako ngayon sa upuan na sobrang higpit. Ang naalala ko lang may tumigil na van sa gilid ko, at may mga naka mask na lalaking kumuha sa akin, sabay takip ng ilong ko at...nandito na ako ngayon.

"Gising na ang prinsesa natin..." Is that what they think of me? I am a common person. I live normal, and not a princess. Natatakot ako sa mga tingin nila sa akin, at pang aakusa na ako raw ay masarap na hapunan. Lima silang nakakatakot na lalaki na nag-uusap sa harap ko.

Tumatawang lalapit sana ang isa sa akin, nang biglang may malakas na bumutas ng pinto! Hindi ko maaninag dahil nahihilo ako, at parang wala sa sarili. Narinig ko ang marahas na away, at suntukan.

May narinig din akong wang wang ng sasakyan ata ng mga pulis. "Putangina niyo!" Ang boses ng lalaking nagsalita kanina na gising na raw ako. Ramdam ko ang paghihirap nila sa mga pambubugbog ng mga dumating na tao?

"Apollo! Nakita ko na si Katelyn!" Ang pamilyar na boses ang nagpa-angat ng ulo ko, pero wala akong makita. Halos yakapin niya ako, at ramdam ko ang lubos nyang pag-aalala sa akin.

My emotions started to kick in, I don't know if I want to scream, or cry, or be relaxed...

"You are safe now..."

Ang pawis ko sa leeg, ay ang ebidensya ng stress na natamo ko sa panaginip na iyon. Umiyak ako dahil sumasakit ang ulo ko, at sa emotions na naramdaman ko kanina. That was so intense...

While my tears are falling, I managed to look at the wall clock, and it says it's six am in the morning. Before I left my room, I drank my water. Hinilot ko ang ulo ko sa napanaginipan. Just a small part of me na naman. Mabilis akong bumalik sa kwarto dahil naiiyak ako na hindi ko alam. Sino kaya ang lalaking iyon?

Gumapang ako sa kama ko, at dumikit kay Liza. I reached her, and hugged her.

Naramdaman kong gumalaw siya, at niyakap lang ako pabalik without opening her eyes. Hindi ko naman kailangan magising siya...I just want someone na mayayakap ko ngayon. It is very lonely, without my memories. I feel empty, and I continued sleeping at that thought.

Once A DaydreamWhere stories live. Discover now