12 - Sweet

208 5 0
                                    

Katelyn.

Bumalik ako sa ulirat nung nasa harap ko na pala si Liza, mukhang naghahanap ng dahilan tungkol sa mga binili. Weekend kasi ngayon, and after ng party mabuti nga rin nakapagpahinga ako sa mga naiisip. Si Chef naman... palagi pa rin siyang nagtitext.

Kung ano ano na nga mga sinasabi ko eh.

"Sorry na... naparami lang ng shopping..." pageexplain niya. Okay lang naman kasi sarili niya namang pera, pero sinasabihan ko kasi siya magipon.

Sasagot na sana ako kaso biglang tumugtog na ang themesong ng segment ni Mr. Lucas! Napatakbo ako ron, na hindi man lang maiisip kung mahahalata ako ni Liza sa pagkataranta.

I am smiling while waiting for him to come out kaso iba ang chef na naroon... Huh? Bakit wala siya? They announced that Chef Lucas will be back some other time, and he said that he still hopes people would watch it, because it's his trained chefs. His juniors. Parang binagsakan ako ng matinding kalungkutan, at pakiramdam ko halatang halat iyon sa sistema ko.

Ang pag-iisip ko ay lalong nadagdagan...What happened to him? I have no news about him regarding this, and we have been texting this morning. Also, Ms. Jen...didn't update me of whatever in the office. Aalis ba siya? Bakit naman din nila ako i-uupdate?

Nakita ko sa peripheral vision ko si Liza na nakatingin sa akin...I know what's that look for.

"What?" Bumaling ako sakan'ya.

Tumaas ang kilay niya, at tumingin sa TV. Inabot niya ang remote, saka iyon pinatay. Pinanood ko lang siya sa kanyang ginagawa, and she sat beside me.

She remained her eyes on me. Ayoko magpatinag, kaso ang dami ngang gumugulo sa isip ko.

"Do I really need to ask you, or you're just going to tell me, Ms. Katelyn?" Nangilabot ako sa pagtatanong niyang iyon, na para bang binubuksan niya ang kung ano man ang nakasara at pinipilit kong itagong mga bagay mula sa kanya.

She crossed her arms this time, "Ah...Ayusin nalang natin ang pinamili mo." Nagmadali akong tumayo papunta sa mga plastic bags na dala niya kanina.

Tumayo rin siya at tinignan ako. Honestly, this girl is kinda fears me...How the hell am I gonna tell her when I am still full of my thoughts.

"Earlier, I told you I am going to buy stuff, and will use or shared money...Kaso nakita ko sa baba nag-aantay si Max sa lobby..."

Who's max? And now, it's my turn now to raise my eyebrow. She sighed. "He's from our province, my secret friend when I was a kid...He saved me from you know..." She smiled shyly. She was in dangerwithout me knowing? That's frustrating...

I was about to say something, but she cut me off. "Let me finish first...I am sorry I did not tell you, because it was due to my horny issues..." Halos lumiit ang mata ko sa frustration ko sakan'ya. What the hell? "I didn't know that...I mean I know that he's bad, but I don't know that he'll harm me. That's when Max entered the scene."

Matapos ang kwentuhan namin sa kaniyang issue, ako naman ang pinilit niya. Wala raw siyang balak sabihin, ginamit lang daw niya yon para magkwento ako sakan'ya.

Haynako! Napuno kami ng pangaral sa isa't isa...Nalaman niya lahat ng mga iniisip ko, the kiss, at feelings ko kay Chef! She was teasing me but we became serious din naman.

Naubos ang buong araw namin sa pag catch up sa isa't isa. Hindi naman porke magkasama kami, alam niya na lahat sa akin. May mga bagay na dapat itago mo pa rin sa sarili mo, or pwede namang solusyunan mo muna, or sarilihin bago sabihin sa iba.

Buong araw din ako naghintay ng reply kay Chef pero hindi nya ako sinagot tungkol sa show niya. I am just concerned. That's it.

Until he replied in a Sunday morning.

He said he's coming here, so I am waiting for him at the lobby. Hindi ko nga rin alam bakit, at ginawan ko lang ng alibi si Liza kung nasan ako, since may date ata siya today. Hindi ko na siya sobrang napaalalahanan dahil ako mismo nagaalala rin sa araw na ito. Ni hindi ko nga alam pano ko napapayag to si Chef.

Inilabas siya ng automatic sliding door sa lobby namin, at kitang kita ko ang mga mata na nakatingin sakaniya. Hindi lang talaga siya sikat,kung hindi gwapo pa.

Ay ano ba ito!

"Good morning Chef!"

"Good morning, Kate." He was looking at my eyes, and my dress?

"Yes, sir. What's the agenda today?" I can't help it but be professional amidst us being sensual with each other. IS that the right word?

"We will go to my place."

Oh! Sana ako nalang ang pumunta. Bago pa ako makasagot he held my hand, and went to the elavator.

If question mark can just appear in my eyes, makikita iyon dahil sa pagtataka ko. Hindi ko rin sobrang maisip dahil yung kuryenteng nararamdaman ko, hindi natatapos.

Nang makarating kami sa number ng floor na pinindot niya sa elevator, nagulat ako dahil mas mataas lang iyon ng isa sa floor kung nasaan kami. Tahimik lamang ako, na nanonood.

When we entered inside, it's almost the same us ours, pero mas magandang version ito. Na nagustuhan ko dahil ang style nito ay katulad ng taste ko. Teka nga bakit ba lagi kong kino-compare ko sa sarili ko?!

Bumungad din ang view ng iba't ibang buildings, kaya medyo nangunot ang ulo ko sa sinag ng tirik na araw.

Halatang halata na may nag design nito bago man siya nakalipat...At nagtaka rin ako na wala naman akong nakikita na Mr. Lucas kung dito nga siya nakatira.

"This is my second time here...Do you like it?" Nasagot ang tanong ko sa isip, at nagulat din sa panghuli niyang sinabi.

Our eyes met, my heart beats fast. "I-it's beautiful...Mr. Lucas..." Tumango lang siya, at tumuloy sa pagpasok sa loob. Nakulangan ako sa compliment na binigay ko, pero hindi ko na rin naman alam ang sasabihin ko dahil nakakapagtaka na tinanong niya ako? pero ano naman 'di ba?

Napasilip ako sakan'ya dahil tumunog ang cellphone niya. Mukhang tunog tawag ito. Sumenyas muna siya sa akin, at ngumiti ako nang kaunti para ipakita na okay lang naman. Tungkol sa trabaho ang pinag-uusapan nila...Mukhang nag-eexplain siya na matatagalan pa siya...Saan naman?

Okay, I am being nosy.

I walked towards the living area. I don't know where to put my bag, so I just stood there. Habang ginawa ko iyon sinundan niya ako ng tingin, at natapos na rin ang tawag.

Bakit kaya siya nandito?

"You can put your bag inside the cabinet, and you can seat anywhere. Feel at home." He smiled at me. Baka nakita niyang hinahanap ko ang lagayan ng bag.

"I will cook, then we'll talk." Napatayo agad mula sa pagkakaupo.

"How can I help?"

Ngayon, nagkatinginan kami ulit. "You can just watch me cook..." I would love to! Namiss ko siyang mapanood ang pagluluto niya. Hindi ko alam kung bakit niya ulit pinigilan mangiti sa harap ko, at nung narealize ko nagulat din ako sa sarili ko. Napangiti pala ako sa sinabi niya! Gosh, Kate, behave!

Once A DaydreamWhere stories live. Discover now