23 - Remember

215 3 0
                                    

Katelyn.

Nagising ako sa malamig, at preskong hangin. Naamoy ko ang pamilyar na bahay na inuuwian ko noon. Kumunot ang noo ko sa tamang tama na init ng araw sa bintana na tumatama sa mata ko. Ang kutson na manipis ay nagbigay sa akin ng muwang na nandito pala ako sa probinsya namin sa Cebu.

Dumilat ako, at naririnig ko ang mahinang radyo na tunog ng balita. Naramdaman ko rin paa na nakapatong sa legs ko. This is Liza, and I don't want to wake her up.

"Gisingin ko na ba ang mga anak mo?" Narinig ko ang boses ni mama, I felt the tears were forming in my eyes when I heard her voice.

"Huwag muna, hayaan mo nalang muna tumayo ang mga bata. Pagod pa iyon." Si Papa.

Their love was not familiar to me, that's why I cry easily when I see them how they love me. How they are concerned kahit na ay hindi pa sila ang tunay kong mga magulang. Although, I lost all of my memories, I cannot really say na dapat hindi nalang iyon nangyari.

It's hard for me to deny the fact that I am happy in my second chance of life. I met beautiful people, places, and experiences. If I had never lost my memories, I will not have this chance to have a family like this.

Life really gives us unexpected situations, but it really is worthwhile as long as you make the most out of it. I am indeed glad that I met them.

Tumayo na ako nang dahan dahan at inayos ang kama. I will greet them after this. Madaling araw na kami dumating, pakiramdam ko nga ay hapon na base sa tirik ng araw.

Lumabas ako ng kwarto, na ang tanging harang lang ay ang kurtina na maliit. "Anak! Kumusta ka na?" Bungad sa akin ni Mama. I greeted her with a hug. Ngumiti naman si Papa mula sa likod ni Mama na nag okay sign pa sa akin, at tumango ako.

I was really feeling shitty yesterday, and hindi ko na alam paano nagawan ng paraan ni Liza para pakawalan kami ni Lucas at ni Max kasi kasama nya kahapon si Liza. Buong byahe akong tulala, at kahit pa malaki ang pasasalamat ko kay Max dahil siya sumagot lahat ng mga expenses namin papunta ng Cebu hindi ko naman magawang makapagpasalamat dahil umiiyak din ako paminsan minsan sa byahe.

Sila Mama at Papa kahit pa paulit ulit akong tinanong hindi ko naman sila nasagot din kasi umiiyak lang akong nakatulog. Hindi ko na alam, at ayoko na munang isipin.

"Kain na muna tayo, may inihaw ang papa mo na bangus, at may sabaw na sinigang dyan na ginawa ko." Tumango ako at ngumiti lang kay mama.

"Gisingin mo ang kapatid mo, at maghahanda lang ako." Patuloy niya. Lumapit muna ako kay Papa para yumakap, at tahimik lang siyang tinaggap yon. He tapped my head, and smiled at me after I break the hug.

Pagpasok ko ng kwarto may narinig akong sasakyan sa labas na tumigil, pero hindi ko iyon pinansin dahil baka sa kapit bahay lang iyon. Bihira lang kasi ang mga sasakyan dito dahil medyo may kalayuan sa syudad.

Umupo ako sa tabi ni Liza sa higaan at tinapik ko siya nang dahan dahan, "Liza, gising na..."

Narinig ko rin na may kumatok sa bahay, at binuksan din naman ni Papa. "Magandang hapon ho! Ako ho si Lucas Bautista, kaibigan ni Liza Santos. Nandito po ba siya?"

Hindi ko na hinintay na bumangon si Liza, I stepped out of the room, because I know his voice. "Oo, narito siya. katrabaho ka ba niya iho?" Naabutan kong tanong ni Papa, pero bago pa siya makasagot nagkatinginan na kaming dalawa. This electrifying feeling is like the first time we saw each other. But what is he doing here?

"Oh, Anak, kilala mo ba itong binata na ito hinahanap ang kapatid mo..." Si Papa.

"Kilala po siya." Sagot ko kay Papa, at lumapit sa pinto.

Once A DaydreamΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα