"It's ok, naiintindihan ko Hubby, naiintindihan ko.. Naawa na rin ako sayo, lagi ka nalang napupuyat sa shoot, nag-aalala ako na baka magkasakit ka.." hindi ko na alam kung sa kanya pa ba ako maiinis o sa sarili ko. Andami ko nang ginagawa para siya mismo ang bumitaw sa akin pero ganon parin ang higpit ng pagkakapit niya sa akin.


"I'm ok wife, what happened? kumusta ka? may masakit pa ba?  may sinabi na ba ang doctor Romnick??" tinapunan ko ng tingin si Romnick para lang makatanggap ng sagot na pag-iling. Biglang may kumatok sa pinto, pinagbuksan iyon ni Romnick.




"Hi, Ms, Sy" bati ng may katandaan na doctor ng pumasok ito.



"Doc, kumusta po ang resulta ng test? by the way I'm Claud Azheyo Sy, her -----" saad ko at natigilan.



"Ah, your her brother.. It's nice to see you Mr, Sy.. By the way your sister is fine, sumakit lamang ang puson niya because of her irregular menstruation, medyo stress lang din siya kaya matindi ang pananakit ng puson niya, wag kang mag-alala.. Nabigyan na namin siya ng pain reliever, maari na rin siyang mailabas mamaya lamang" ani ng doctor. Naguluhan pa ako ng oras na iyon, ang inaasahan kong marinig ay baka pinagbubuntis niya na ang baby namin.



"So, ang ibig po bang sabihin niyan.. Hindi po siya buntis?" usisa ko.

"Hindi, actually we already run some other test about her menstruation, nakikita roon na may small percent lamang siya ng Egg cells, kaya mabilis lamang niya natatapos ang menstruation period niya, in that case.. May small tendency lamang siya na mabuntis lalo na kung nahihirapan ang mga egg cells niya na i-meet ang sperm cells ng partner niya.."



"Doc ano po ang ibig sabihin nang mga sinasabi niyo?" usisa ko dahil wala akong maintindihan sa mga sinasabi nito, ang alam ko lang ay puro tinutukoy nito tungkol sa menstruation nito.


"Doc, ta.. tapatin niyo po kami.. Anong problema??" tanong din ni Aemie na parang wala rin maintindihan sa sinasabi nito.




"I'm sorry to tell this Ms, Sy you don't have a capability of getting pregnant because of small percentage of your egg cells, your lucky if one of this days you get pregnant.. In your case only miracle could help you.." hindi ako makapaniwala, kaya pala. Kaya pala hindi nabubuntis si Aemie ay dahil baog ito, hinding-hindi ito mabubuntis. Masakit pero laking pasasalamat ko na nandiyan si Zeeya para ibigay ang kailangan ko na hinding-hindi ko makukuha kay Aemie.



"Excuse me, I have many patient to look over," nagpaalam na ang doctor, ngunit bago iyon ay tinawag ko ito.


"Doc!"


"Yes Mr, Sy?" saad nito ng lingunin ako.


"Please, don't let media to know the situation of my sister, I beg you" I begged her.



"Huwag kang mag-alala, pinapangalagaan namin ang pribado na lagay ng mga pasyente namin, kaya wala kang dapat ipag-alala.. Excuse me" ani nito at tumalikod.

















                Tinapunan ko ng malamig na tingin si Aemie na kasalukuyan na umiiyak, marahil ay hindi niya matanggap na isa siyang baog. Na hindi siya magkakaanak katulad ni Zeeya, wala siyang kwenta. Isa lang siyang babae na maaring ikama ng ikama ng hindi nabubuntis. I can't imagine I'm having a family with her, para bang lahat nang naisip ko noon ay bigla na lamang naglaho.





Say I Do (Completed/ under- editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon