Chapter 01: Preparations

172K 2.9K 148
                                    

Chapter 01: Preparations.

•••Keira Ashlyn•••

"Ang cute cute talaga ng mga baby ko! Mana sa mommy at daddy"

Pinapanuod ko lang sina Hikaru at Hikari habang natutulog sila. Medyo naiinis padin ako hanggang ngayon dahil sa ginawang pagpapangalan ni Raven dun sa kambal na lingid sa kaalaman namin ni Blaze pero hinayaan ko na lang din, sa tuwing tatawagin kasi namin sila sa pangalang Hikaru at Hikari, napapangiti silang dalawa. They seem to like that name a lot. Ano kayang hokus pokus ang ginawa ni Raven?

Anyway, I've also learned na ang meaning ng Hikaru in english ay 'to light' at ang meaning naman ng Hikari ay 'shine'. Their name seems appropriate, because true to their names, they give me light the moment they were born. Parang kailangan ko pa tuloy magpasalamat kay Raven dahil sa pagpapangalan nya dun sa kambal, pero syempre hindi ko gagawin yun, baka lumaki pa lalo ang ulo nun at mas maging mahangin pa sa bahay kapag nagkataon. And believe me, we must avoid that at all cost.

Two weeks have passed since I gave birth to the twins. Its an endless first for me, first time magpadede, first time magpaligo ng baby at kung ano ano pang first time experiences. Nakakapagod, pero masaya.

Nung makauwi kami galing sa hospital, agad naming hinanap si Raven pero si Ann Dee lang ang naabutan namin sa bahay and take note nakatali sya at may takip pang packing tape sa bibig nya. Aish! Mukhang masama talaga ang loob ni Raven sa ginawa ni Blaze kaya pati si Ann Dee hindi nya pinatawad. Anyway, 1 week na naging tahimik ang bahay namin, paano ba naman 1 week na nagtago si Raven, pero mabuti na din yun, walang manggugulo dun sa kambal. Baka kung ano ano pa ituro nya dun sa dalawa if ever eh.

Pinagmamasdan ko pa din yung dalawa nung may kumatok ng mahina sa may pintuan. Dahan dahan namang bumukas yung pintuan at sumilip si Ann Dee mula dito.

"Keira, ako na muna ang magbabantay sa kambal, pinapatawag ka na ni Blaze"

Tumango ako sa kanya, senyales na pupunta na ako. Bago ako tumayo, ni-kiss ko muna yung kambal ko and I whispered I love you to them. Your wondering where I'm going? Ang totoo nyan, inaayos na namin ni Blaze ang kasal namin, yun kasi ang gusto nya. Kung ako ang tatanungin mas gusto kong pabinyagan muna yung dalawa at maghintay hanggang sa medyo nakakalakad na sila para gagawin ko silang flower girl at ring bearer. Kaso lang, atat yata yung asawa ko kasi araw araw nya akong binubuliglig na ayusin na yung kasal namin. Ako na daw ang bahalang magdesisyon sa lahat, ang sabi nga nya, I can have the dream wedding that I want.

Pagdating ko sa may living room kung saan naghihintay si Blaze agad nya akong sinalubong ng yakap at halik. Ever since nung nakapanganak ako, mas naging super sweet sa akin si Blaze, well I'm not complaining though.

"Let's go?" Aya sa akin ni Blaze. I just smiled and nod at him.

Una naming pinuntahan ang wedding coordinator na nirecommend ni Raven. Oo, si Raven ang nag-recommend, akalain nyo yun may kilala pala syang wedding coordinator. Sana lang matino yung nirekomenda nya, baka kasi alam nyo na .. uhum .. baka magkalahi pala sila ni Raven. Baka pareho silang suki ng mental hospital.

Pumasok na kami sa office nung wedding coordinator at agad naman kaming sinalubong ng isang babae. "Hi Mam, Sir, I am Shawn Prado but you can call me Sha-Sha. What can I do for you?" Masiglang bati nya sa amin with matching smile pa. She looks cute and normal, hindi pa naman siguro sya nahahawaan ng kaabnormalan ni Raven.

"Hello, I am Keira Aerondale and this is Blaze Aerondale, we are here because Raven recommended you para maging wedding coordinator namin"

"Kayo po pala si Mam Keira at Sir Blaze, upo po kayo. May gusto po ba kayo? Coffee? Or anything else that you want?"

Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon