Instant Wedding

Magsimula sa umpisa
                                    

Nadine smiles at him. At inihilig pa niya ang ulo sa braso nito. "Ikaw.." aniya.

"Eh di, as soon as possible. At nang masimulan na nating bigyan sina Papa ng apo." Nang-aakit pang sabi ni Lewis at hinagkan sa ulo ang dalaga.
Binitawan ni Nadine ang hawak na kutsara, saka kinurot ng pinung-pino ang tagiliran ni Lewis.

"Ikaw,talaga.." pabulong na sabi ni Nadine at nang magtama ang mga mata nila'y pareho pa silang napangiti. Kinikilig naman ang mga magulang ni Lewis sa lihim na lambingan ng dalawa.Maging si Señora Lorraine ay nakakahalata na ngang inlove na sa isa't-isa ang dalawa.


Nasa may hardin ng mga Elizondo sina Lewis at Nadine. Nakaupo sa bench, sa lilim ng matataas na mga halaman.

"Handa ka na ba?" tanong ni Lewis habang mina-masahe ang mga palad ng dalaga.

"Oo naman." Tugon ni Nadine.

"Sana, may souvenir na tayo nang gabing iyon.." sabi ni Lewis sa marahang tinig.

"Ano'ng sabi mo?" nandidilat na tanong ng dalaga, dahil di nakaligtas sa pandinig niya ang sinabi nito.

"Sabi ko mas maganda ka pa sa gabing ito.." natatawang sabi ni Lewis at sinusubukang kilitiin sa tagiliran ang dalagang napapahalakhak!

"Hoy, Lewis! Narinig ko 'yon!" sabi ni Nadine at napapatakbo dahil ayaw na niyang makiliti pa ng binata.Naiihi kasi siya pag sobra nang nakikiliti.

"Narinig mo naman pala, eh.." sabi nito nang mahuli si Nadine ay yumakap ito sa katawan niya nang buong higpit.

"Paano mo na nga ba ako minahal?" tanong ni Nadine habang ang mga mata nila'y nagkatitigan nang maigi.

Nakangiting tinitigan naman siya ni Lewis.Pinag-aaralan kung bakit nga ba niya iyon naitanong.She could see the passion in his eyes. Alam ni Nadine kung gaano siya nito kamahal.Gusto tuloy itanong ng dalaga, kung bakit naunahan ito ng mga kapatid na may mga asawa na, thinking na panganay ito ng mga Elizondo.

"Basta, nang unang beses pa lang kita nakita, binihag mo na ang puso ko." Tugon ng binata."You were too young when I started loving you." Kinikilig na naman ang dalaga sa narinig mula sa binata.She loves it to hear him say that. Sobra.

"Eh ako? Kelan mo ba ako mamahalin?" tanong ni Lewis habang hawak siya nito sa magkabilang pisngi. Nakangiti ang dalaga habang seryosong nakatingin sa kanyang mga mata ang binata.

"Bakit? Hindi mo ba nararamdaman?" tanong ni Nadine sa binata.

"Naku, kamahalan.Ako yata ang nagtatanong.Di mo ba pwedeng sagutin na lang?" sabi ni Lewis at hinagkan ang tungki ng ilong ni Nadine.

Nadine could really feel his warm kiss on her nose.That warm lips na gusto niya'y paulit-ulit na matitikman.

"Do I really have to answer that? My way?" sabi ni Nadine. Tumango si Lewis. Saka kinindatan ang dalaga.Itinaas ni Nadine ang mga kamay at marahang hinaplos ang magkabilang pisngi ni Lewis. Hinaplos din nito ang mga mata ng binata, saka marahan niyang tinawid ang labi ng binatang di na niya kayang supilin pa ang sariling hagkan ito at namnamin.

Lewis lets her! Di niya tinugon ang halik ng dalaga. He wants her to kiss him on her own way. Ngunit nagtataka naman si Nadine.Pakiramdam niya'y di nagustuhan ng binata ang kanyang mga halik. Habang nasa mga labi pa rin niya ang labi ng binata ay dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, upang tignan ang ekspresyon ng mukha nito.

She saw him closed his eyes at kahit di nito tinutugon ang mga halik niya'y dama naman niyang unti-unti ng naglalakbay ang mga kamay nito sa kanyang leeg, tungo sa kanyang likod at maging sa dibdib.

NANG GABING MAGING AKIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon