S I X T E E N

Magsimula sa umpisa
                                    

"Asarin mo pa kasi ako tingnan mo!" Sabi niya habang nakikitawa sa akin, kinikiliti niya parin ako.

"HAHAHAHA TAMA NA S-SABI! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH.." Napatingin na ang mga tao na dumadaan sa amin dahil sa kakulitan namin.

Napatigil nalang si bambam sa kakakiliti sa akin nang nag announce na, na papasok na sila sa eroplano.

Napatingin na kami ni bambam sa isat isa at nagyakapan.

"Paalam na sa ngayon." Sabi niya

"Tatawag ka palagi ah?" Sabi ko habang nakayakap parin ako sakanya

"Pwede ba yan? Siyempre naman!" Sabi niya at siya na ang umalis sa yakap, hinalikan niya ang noo ko bago pa umalis

Tinitingnan ko kang siya habang palayo na siya ng palayo sa akin, nang malayo na siya ay nakita ko siyang humarap sa akin at nag wave, kaya nag wave rin ako ng kamay sakanya, for now, good bye.

Nung naka alis na ang eroplano nila ay pumara nanaman ako ng taxi at dumeretso na pauwi, imposibleng tulog pa yun si Jimin hanggang ngayon, 4:30 pm na kaya! Kung tulog nayun siya pagkakamalan ko na talagang patay na siya, pinatay ng bangungot -,-

Pagkadating ko sa bahay ay nilibot ko muna ang sala, pumunta rin ako sa kusina at garden

Wala na pala si manang, umalis na.haaaaysxc

Umakyat nalang ako at kumatok sa kwarto ni Jimin, alam kong nagtatampo yun sa akin dahil sa nangyari kagabi, pero pwede naman kasi yung pag-usapan.

*toktoktok*

"Jimin?....." Tanong ko pero walang sumasagot.

"Jimin.... Pag usapan naman natin yung nangyari kagabi oh?" Nagmumukha ba akong desperada? Bahala na nga? Basta maayos kami, wala na nga si manang tapos hindi niya pa ako kakausapin, hindi na yan masaya :(

*toktoktok*

Katok ko ulit pero wala talagang sumasagot, ano ba naman yan!

Hinawakan ko ang doorknob at pinaikot ko ito, mabuti nga at hindi ito nilock ni Jimin. Nilibot ng mata ko ang kwarto ni Jimin at nakita ko siyang nakatiwangwang sa kama niya, tsk! Tulog?! Patay na siguro ito eh! Lord wag muna please, tutulungan niya pa ako! Huhu ^,^

Nilibot ko ulit ang mata ko sa loob ng kwarto ni Jimin at may nakita akong lalake? Oo.

May nakita akong lalake sa sofa, nakahiga, natutulog.

Linapitan ko siya at inalis ang mga buhok na nakaharang sa mukha niya.

Pagkakita ko ay napatalon ako sa gulat, sino to? Ang gwapo niya. Medyo malaki nga lang ilong niya pero beshy! Pwede na.

Familiar siya? Napakunot ang noo ko sa kakaisip kung nagkita na ba kaming dalawa dahil pamilyar talaga siya sa akin paningin

Dug dug dug dug

Bakit ganito? Nakita ko nga lang siya ganito na kaagad ang puso ko? Lumuhod ako para magkapantay ang mga ulo namin, minamasdan ko bawat anggulo ng mukha niya, sino ka ba talaga kuya? Bakit siya nandito sa bahay ni Jimin?

Alam kong weird ang kinikilos ko dahil baka bisita lang ito ni pandak pero malakas ang kutob kong kilala ko siya, pero bakit hindi ko matandaan?

"Kilala ba kita?" Kinakausap ko siya habang natutulog siya.

Dug dug dug dug

Sino ba talaga ito? Ang lakas ng impact niya sa akin, sa puso ko.

Tumayo na ako at inalis ang tingin ko sakanya, binaling ko ang atensyon ko kay jimin at linapitan ko siya

Paglapit ko sakanya ay amoy ng alak at baho na linalabas niya, ew! Uminom ba ito? Tsk!

Tumayo na ako at hinawakan ang doorknob lalabas na sana ako pero nag iwan muna ako ng tingin kay jimin at sa lalakeng nasa sofa, lumapit muna ulit ako sakanya at hinawakan ang pisnge niya, tiningnan ko ang mga mata niya, ilong at...

At labi niya..

Bakit parang bakal ang labi niya at namamagnet siya ng labi ko? Ilalapit ko sana ang mukha ko sakanya ng napaisip ako..

Hindi ko ito kilala pero bakit may balak ako na halikan siya?! Baka mabigla pa si kuya, wag nalang.

Pero sa tuwing tumatapon ako ng tingin sakanya ay tanging ang pintig lang ng puso ang naririnig ko, hindi ko naririnig ang tinig ng orasan, puso ko lamang.

Bakit parang...... Kilala ko siya?

Hinawakan ko ang kamay niya at nakaramdam ako ng kuryente sa paghawak ko niyo kaya tumayo na kaagad ako at tumakbo papunta sa kwarto ko.

Pero bago nun ay siyempre binuksan ko muna gamit ang susi ko, nilock ko kasi ito kanina bago ako umalis.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nilagay ko na kaagad ang cellphone ko sa mini table katabi ng kama ko, haaaaay! Sino kaya yun? Peste ang laki ng epekto sa akin

Kilala niya kaya ako?



































>>

Pabitim effect muna ako ngayon HAHAHAHAH 2 update sa isang araw <3

Vomments and sorry sa typos

End of chapter S I X T E E N

❄️ Amnesia Baby || yoona。[HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon