"Merry Christmas! have a new life in new year and stay forever as best friend!!" bulalas ko.


"Ayt, ako na ang magbubukas" presinta nang apat na buwang buntis na si Allyssa."Sino naman ang kulugong iistorbo ng Christmas  natin?".

         Pumunta ito ng pinto, pinagbuksan nito kung sino man ang tao roon sa labas. Habang ako, heto sumasandok na ng makakain ko. Bahala sila, at bahala na rin kung sino ang bisitang iyon..



























-----------------------
"Hellooooo! Merry Merry Christmas! Pwede manggulo sa pasko niyo?!" natigilan ako nang marinig ko ang boses na iyon.






"Oh My Giii! Si Papa este si President Hans, pasok ka"


"Hans na lang Allyssa, I'm not the real president of the philippines, nakakahiya.. Wala naman tayo sa trabaho para tawagin mo ako sa ganyan" ani ni Hans nang pumasok siya na may dalang red ribbon at prutas na pinya.






"Helloo! Ako kaya ang unang bumati! hindi niyo ako papasukin" maktol naman ng isa pang bisita na hindi parin pumapasok, natawa na lamang ako rito. Ang ganda ng entrada niya tapos hindi man lang siya papansinin dahil kay Hans. Ako na ang nagpatuloy sa kanya.




"Pumasok kana kasi, Merry Christmas Donut!!" magiliw kong bati rito. Pumasok siya at lumapit sa akin, may dala siyang tupper wear ng ubeng kalamay. Paborito ko rin iyon kaya bigla naman akong naglaway..



"Paborito ko!"


"I know, and this is my gift for you,  merry christmas Aimie," binati niya ako after he gave his gift to me. Naka-box iyon.


"Buksan mo, gusto ko makita kung magiging masaya ka sa regalo ko" aniya. Bakit ba kapag si Donut ang kaharap ko ay napipilitin akong ipakita ang ngiti ko. Mabilis kong binuksan ang regalo niya sa akin nang naka-ngiti. Pilya naman na nagpaparinig si Allyssa, wala daw siyang nakuhang regalo kay Liejil. Tanging si Hans lang ang nakapag-bigay at si Nics pati na rin ang regalo ko. Nagulat ako sa regalo ni Donut.




"Music box" usal ko.

"Panget ano, nagustuhan mo ba?" naiiyak na tumango ako. Music box is awesome. Madalang nalang ang nagbibigay ng music box na may dancing barbie na umiikot sa gitna habang tumutugtog. Mukhang pambata pero cute at espesyal dahil galing kay Liejil, knowing Liejil. Akala ko ang mang-asar lang ang alam niyang gawin sa akin.



"This is, hindi ko alam ang sasabihin ko Donut, salamat sa regalo, I appreciate, bakit nga ba ito ang naisip mong i-regalo?"



"Maganda raw kasi yan sa mga babae na pampatanggal ng lungkot, kapag malungkot ka, patugtugin mo lang yan. Makakatulog ka hanggang sa paggising mo parang wala ka na ulit problema, atsaka natatandaan mo noon. May nakita kang bata na may laruan na ganyan, sabi mo kay Susoy noon naiinggit ka doon sa bata dahil may music box siya, kaya ayan.. Binili ko para sayo"



"Naalala mo pa pala?" naka-ngiti kong usal. Mga bata pa kami noon, limang taon ako habang siya ay nasa pitong taon, si Susoy naman ay walong taon. Mabuti pa siya naalala iyon, samantalang si Susoy. Hindi ko alam kung naalala niya pa.


         Kahit sila ang kasama ko ngayong pasko ay hindi parin ako makukumpleto kapag hindi nagiging parte nito si Claud. Ang mga magulang niya on travel in state, kaya wala ang mga ito ngayong pasko. Bagong taon ko lamang siguro ito makakasama.







Say I Do (Completed/ under- editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt