-----------

ONE WEEK LATER....

Dahil sa walang malamang balita si Shannon kay Aslea tungkol sa napag usapan nila sa telepono noon ay minabuti niyang puntahan ang dalaga sa kanyang opisina. Saktong papauwi na si Aslea dahil oras na ng uwian ata ng mga tauhan niya sa kanyang Spa ay nakauwi na.

Saktong papalabas na sa may maindoor si Aslea ng makasalubong niya si Shannon sa may pinto. Salubong ang kanyang kilay dahil sa pagkakakita niya sa binata ngunit si Shannon ay nananatiling nakangiti ng makita siya.

"Hi babe!.." agad na bati sa kanya ni Shannon.

"What are you doing here!.." mataas ang boses ni Aslea at padabog nitong isinara ang pinto ng kanyang Spa Saloon.

"Siyempre binibisita kita! Ang tagal na kaya nating hindi nagkita kaya na mi miss na kita at saka gusto ko lang malaman kung buntis ka ba o hindi?" lantarang pahayag ni Shannon.

"Para sa kaalaman mo Shannon, hindi ako buntis at kahit na ipa doctor mo pa ako ngayon ay malalaman mo kung buntis ako o hindi! Two days after nating mag usap noon ay dinatnan ako ng buwanang dalaw ko kaya wag ka ng mag inarte na kunwari ay concern ka dahil wala namang saysay iyon eh!.." mataray na sagot ni Aslea.

"Su-sure kaba na hindi ka buntis?.." parang lumungkot ang boses ni Shannon ng malaman nito na hindi nagbunga nag namagitan sa kanila ni Aslea.

"Sinabi na ngang hindi eh, ayaw mo pang maniwala!".........pairap na sabi ni Aslea......."Siguro naman ay lulubayan mo na ako ngayon dahil wala ka ng dahilan pa para bunto't buntutan mo ako?"..

"Aslea, mahal kita at kahit na anong gawin mo o kahit na anong masasakit na salita ang sabihin mo sa akin ay hinding hindi ako susuko at ipaglalaban ko ang damdamin ko saiyo kahit na kinasusuklaman mo ako" madamdaming saad ni Shannon. 

"Nakikiusap ako saiyo Shannon, kung talagang mahal mo ako ay bigyan mo ako ng space! Leave me alone dahil sakal na sakal na ako sa palaging pambu bwisit mo sa akin!  Araw-araw mo nalang na sinisira ang mood ko, kaya pwede ba na tigilan mo na ako para matahimik na ang buhay ko!.."

"Ang sakit mong magsalita Aslea! Mas matalim pa sa balisong ang bawat salitang binibitawan mo, but it's okay for me I understand you dahil mahal kita. And I will tell you this, hinding hindi ako magsasawang intindihin ka dahil iyon ang sabi ng puso ko, wag daw kitang isusuko dahil alam niya na balang araw ay mamahalin mo rin ako" makahulugang wika ni Shannon saka laglag ang balikat na tinungo ang kanyang kotse at saka agad na pinaandar iyon.

"Isa kang hangal Shannon!.." buntong hiningang bulong ni Aslea.

.......

Matamlay na umuwi ng kanilang mansion si Shannon, doon niya naisipang umuwi ng gabing iyon. Nabungaran niya si manang Helen ang kanyang yaya na angpalaki sa kanya.

"Oh iho, bakit ganyan ang hitsura mo? Parang daig mo pa ang natalo sa lotto?" pabirong wika ng matanda.

"Wala manang Helen!.." matamlay na sagot nito saka pabagsak na naupo sa may sofa ngunit maya maya ay........"May pagkain pa po bang natira?"... ani Shannon dahil bigla siyang nakaramdam ng gutom.

"Ay kung pagkain lang iho ay marami! Sandali at ipag iinit kita ng makakain mo" anang matanda at saka deritso na sa kusina at nakasunod naman si Shannon.

Ilang minuto lang naman ang ipinaghintay nito at maya maya pa ay kumakain na ngunit ang kanyang isipan ay nasa kabilang dako, kay Aslea. Parang hindi makapaniwala si Shannon na hindi nabuntis ang dalaga dahil wala nga siyang ginamit na proteksiyon noong may nangyari sa kanila at inaasam din niya na sana ay magbunga iyon ngunit wala naman pala........."Bakit hindi siya nabuntis?".. may paghihinayang na tanong ni Shannon sa sarili.

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoWhere stories live. Discover now