Angel in Disguise - Chapter 59

Start from the beginning
                                    

"Eeeh. Gusto mo chicken cordon bleu?"

"Wala akong manok!"

"Instant noodles meron ka?"

"Hay naku! Ka-babae mong tao hindi ka marunong mag luto! Ako na lang ang magluluto!"

Humiwalay siya bigla sa pagkakayakap sa'kin at pinanliitan ako ng mata.

"Marunong ka mag luto?!"

"Oo! Hindi ako katulad mo 'no! Sige sabihin mo sa'kin kung ano ang gusto mong kainin."

"Hmm... gusto ng sinigang na hipon."

"Sinigang na hipon?


Sure! Madali lang 'yun. Pero ba't naman 'yun ang napili mo?"

"Ewan ko ba. Simula nung magising ako after ko atakihin nung nasa park tayo, hindi mawala sa isip ko ang sinigang na hipon."

"Okay. Come with me in the kitchen. Ipapakita ko sa'yo ang skills ng isang master chef!"

Pareho kaming nag tungo ni Dionne sa kitchen at habang ako, inaayos ang mga gagamitin, si Dionne naman ay nakupo sa stool at nanunuod.

Nag pupumilit pa nga siyang tumulong eh pero hindi ko na siya pinagalaw. Alam kong mapapagod lang siya.

"Diyan ka na lang at manuod. Pag ikaw ang nag luluto laging nababasag mga kasangkapan ko eh."

In the end, hindi na rin umangal si Dionne. Kinuwentuhan na lang niya ako ng kinuwentuhan ng kung anu-anong bagay habang ako naman ay nag luluto.

Ang saya siguro kung palaging ganito ang scenario naming dalawa. Yung isa sa amin, nag luluto habang masaya kaming nag kukwentuhan. Yung pagka-gabi lagi ko siyang mayayakap ng mahigpit. Pag umaga naman, sasalubong sa pag gising ko ang maganda niyang ngiti.

Yung  araw-araw maririnig ko ang boses niya, ang tawa niya. Yung palagi ko siyang masasabihan ng I love you.

Sana wala na lang katapusan ang masasayang araw.

Ayokong isipin na malapit na itong mawala sa'kin. Ayokong dumating ang araw na 'yun.

Hindi ko kayang maiwan mag-isa. Masyadong magiging masakit para sa'kin ang lahat. Iniisip ko pa lang na darating na, halos mabaliw na ako sa sakit. Paano pa kaya pag nangyari na?

Sa mga nagdaang araw, pinilit kong kumilos ng normal sa kanya. Sinubukan kong alisin sa isip ko ang sakit niya.

In some ways, naging successful naman ako.

Gumigising at natutulog kaming dalawa na parang normal lang ang lahat. Nagkukulitan, nag-aasaran. Pinayagan ko na rin siya na ipagluto ulit ako since nangungulit siya. Ilang araw na rin kaming nag m-movie marathon dalawa. May pagkakataon naman na nasa kwarto lang kami at magkatabi, nag kukwentuhan sa mga bagay-bagay.

Parang normal lang. But there is this unspoken truth between us, na araw-araw tinatrato namin ito na parang huling beses na naming magkakasama.

Kada gabi, laging nauunang makatulog si Dionne sa'kin. Ako naman, ilang oras kong tinititigan ang mukha niya. At kada gagawin ko 'yun, lagi akong napapaluha.

"How could I ever let you go?" bulong ko sa natutulog na si Dionne habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mata ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. At habang pinapakiramdaman ko ang paghinga niya, pinagdikit ko ang dalawa kong palad at pumikit ako.

Then I pray.

God, alam kong marami akong kasalanan. Tatanggapin ko po kahit anong parusa na ibigay mo sa'kin. But now, please God, help me. Give us a miracle.

Angel in Disguise By AlyloonyWhere stories live. Discover now