Angel in Disguise - Chapter 51 *China?*

Start from the beginning
                                    

"Bicol?! What the hell is she doing in Bicol?!"

"May nag-contact sa kanya na mga kamag-anak niya sa China na umuwi ngayon dito sa Pinas. Kaya ayun napa-sugod si Dionne sa Bicol! Akala namin wala na siyang mga kamag-anak. Grabe, buti na lang!" masiglang-masigla na sabi ni Ninong Jin.

Natigilan ako bigla at parang mas nanikip ang dibdib ko.

"Ah ganun ba?" tanging sagot ko lang sa kanya.

"O, eh bakit parang hindi ka masaya para kay Dionne?"

Napahinga ako ng malalim.

"Ninong, paki tanong na lang ho sa kanya kung may paki pa ba siya sa nararamdaman ko? Kasi umalis siya ng wala man lang pasabi. Nihindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko. Hindi ko naman siya pipigilan na makipa-kita sa mga kamag-anak niya eh! Bakit naman niya kailangang gawin sa'kin 'to?!"



"Ah, Japoy---"



"Buti pa po kayo, alam niyo na agad kung nasaan siya. Samantalang ako na magiging asawa niya eh hindi man lang niya sinabihan. To think na magkasama kami sa iisang bahay. Paki-sabi na lang ho na tumawag siya sa'kin kung may paki pa siya."

In-end ko na ang call bago pa kung ano ang masabi ko. Alam kong mali na ginanun ko si Ninong Jin, pero mamaya na ako mag s-sorry. Hindi ko maalis ang init ng ulo ko.

I feel so pathetic.

Ikakasal na kami ni Dionne pero bakit tila misteryoso pa rin ang dating niya sa'kin? Bakit parang ayaw niya pa rin na papasukin ako ng tuluyan sa buhay niya?

Bakit parang wala pa rin akong karapatan sa kanya?

Lumabas ako ng lobby at dumiretso sa parking lot. Nang makasakay ako sa kotse ko, agad ko itong pinaharurot ng takbo nang wala namang pupuntahang lugar.


Paikot-ikot lang ako, hindi tumitigil. Nagpapalamig ng ulo. Maya't-maya rin ako tumitingin sa phone ko para i-check kung nag text na ba si Dionne. Kahit yung volume ng phone ko ay nilakasan ko para pag tumawag siya, masagot ko agad ito.

Kaso pagabi na, wala pa rin ni isang tawag o text man lang mula sa kanya.

Halos mag a-alas-dose na nang maisipan kong umuwi sa condo ko. Paubos na rin kasi ang gasulina ng kotse ko kaya huminto na ako.

Pag dating ko sa condo, madilim. Walang katao-tao. Walang bakas ni Dionne.

Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at sinubukan ko siyang tawagan pero boses ng operator ang sumagot sa'kin.

"The subscriber cannot be reached. Please try again later."

Hindi ako sumuko, sinubukan ko pa ulit ng ilang beses tawagan ang phone ni Dionne kaya lang cannot be reached talaga. Naisipan kong tawagan na lang si Ninong Jin tutal mukhang mas pinili naman ni Dionne na makipag communicate sa kanya kesa sa'kin.

"Japoy?"

"Ninong, I'm so sorry a while ago but please tell me, saan ko makikita si Dionne? Mababaliw na ako. Ni hindi siya nakikipag communicate sa'kin eh."

"Iho, don't worry. Pauwi na siya diyan. Baka bukas din ng umaga, nandiyan na siya."

Napa-hilamos ako ng mukha at mas lalong nanikip ang dibdib ko.

"She didn't even bother telling me?!"

"Hijo, isipin mo na lang, at least uuwi na siya."

"What the fuck!"

"Mag pahinga ka na. You need rest. At kausapin mo na lang siya ng mahinahon bukas ha? Hayaan mong mag explain siya."

Napahinga ako ng malalim.

"Okay, bye."

Pagka-end na pagka-end ng call, naibato ko na lang ang cellphone ko at tumama ito sa pader. Nanginginig ako sa inis.

Hindi ko alam kung anong magandang explanation ang sasabihin sa'kin ni Dionne, pero kahit ano man yun, hindi ko agad siya mapapatawad.


Kailangan niya ako maipag-luto ng masarap na pagkain bukas kundi talagang patay siya sa'kin!!

Napa-buntong hininga ako.

Pero atleast uuwi na siya....

Mag damage akong nag stay sa living room, inaantay si Dionne. Ni hindi ako tinamaan ng antok. Gusto ko na siya makita para masabi ko sa kanya kung gaano ako nag alala sa kanya at kung gaano kasama ang loob ko sa kanya.

Mga bandang alas-syete ng umaga na nang may nag bukas ng pintuan ng condo ko. Napatayo agad ako at nakita ko si Dionne na pumasok.

Nagkatinginan kaming dalawa. Parang biglang nag evaporate ang galit ko nang makita ko siya. Dali-dali akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng pagka-higpit higpit.

"Ang laki ng kasalanan mo alam mo ba yun ha? Ang laki-laki ng kasalanan mo. Kailangan mo ng isang magandang explanation para mapatawad kita," bulong ko sa kanya.

"Japoy..."

Humiwalay si Dionne ng pagkakayakap sa'kin.


Napatingin ako sa dala niya. Isang maliit na bag lang.

"Nasaan 'yung gamit mo?" tanong ko dito.

"J-japoy..."

Nagulat ako nang biglang may namuong luha sa mata niya.

"Hey, what's wrong? Dahil ba sa'kin? Dahil ba galit ako? S-sorry na, hindi na ako magagalit sa'yo. Ang mahalaga, nandito ka na, okay?"

Napailing siya at pinunasan niya ang luha sa mata niya. Kinuha niya bigla ang kamay ko. Akala ko dahil para hawakan ito pero nagulat ako nang ipinatong niya sa kamay ko ang isang susi.

Susi ng condominium ko.

"Dionne... w-what?"

"I'm sorry.." at napahagulgol na lang siya ng iyak sa harapan ko.

"Wag kang umiyak! I-explain mo sa'kin 'to! Bakit mo binabalik ito ha?"

"Aalis na ako Japoy. Sasama na ako sa mga kamag-anak ko sa China," sagot niya habang tuloy-tuloy pa rin ang pag bagsak ng luha


sa mata niya.

Parang bigla akong nabingi sa mga sinasabi niya. Ayaw tanggapin ng utak ko.

"Hindi ko maintindihan. Dionne, why are you doing this?! Ikakasal na tayo 'di ba? Ba't aalis ka bigla?"

Napailing si Dionne, "hindi ko kaya. I'm sorry Japoy. Hindi ko talaga kaya na pakasalan ka."

"What the hell Dionne! Bakit ha? Bakit?! Ginagago mo ba 'ko? Sinabi ba nila na hiwalayan mo ako ha? Pinili mo ba sila kesa sa'kin ha?!"

"Hindi ganun 'yon Japoy. Please maniwala ka. Hindi sila ang dahilan. Hindi ko kaya kasi ang daming nawawala sa'yo nang dahil sa'kin!"

"Ayan na naman tayo eh! Ayan na naman! Ano ba, hindi pa ba sapat lahat ng kadramahan na sinabi ko sa'yo nung isang araw para maniwala ka nang ikaw lang ang kailangan ko ha?! Dionne naman please. Wag mong gawin 'to!"

"I'm sorry Japoy. I-I'm sorry..."

"Wag kang mag sorry! Please sabihin mo na lang sa'kin na hindi ka aalis ha? Please? Hindi mo ako iiwan 'di ba? Please Dionne. Please!" napa-luhod ako bigla sa harapan niya at mismong mga luha ko ay hindi ko na napigilan.

Ayokong paniwalaan ang mga naririnig ko. Ayokong maniwala sa mga nangyayari.

Bakit ganito? Bakit biglaan?

Anong nangyari bakit nag bago bigla ang isip niya?

"I-I'm s-sorry," pahikbi-hikbing sabi sa'kin ni Dionne at tuluyan na siyang lumabas sa condo ko.

Parang biglang gumuho ang mundo ko.

To be continued....


Angel in Disguise By AlyloonyWhere stories live. Discover now