Angel in Disguise - Chapter 28 Mind vs. heart

Depuis le début
                                    

"h-ha? Ah.. eh.. u-uhmm k-kasi---"

Bago pa siya makatapos sa pagsasalita, hinila ko siya paharap saakin at hinawakan yung waist niya.

"kasi nagseselos ka, yun ba yun?"

Iniwas niya yung mukha niya saakin

"a-ano b-ba y-yang sinasabi mo Japoy?"

"bat hindi mo ko matitigan?"

Hindi siya umimik kaya naman ang ginawa ko ay hinawakan ko yung chin niya at pilit na iniharap yung mukha niya sa mukha ko.

Nagtama ang mga mata naming dalawa at biglang nabura ang nakakalokong ngiti sa mukha ko.

Halata nga sa mata niya na galing siya sa iyak at parang any minute, meron

na namang tutulong luha dito. And the way she looks at me... it is full of sadness.

Agad agad akong napabitiw sa kanya at iniwas ko yung tingin ko.

I saw this kind of expression before, nung araw na dalhin ko si Dionne sa bahay namin which turns out to be na dating bahay nila. The way na umiyak siya habang tinatawag ang dad niya... parang biglang naramdaman ko din ang sakit.

One thing that I hate is seeing someone cries. Parang bigla kong nakikita ang mama ko dati nung panahong wala siyang ibang ginawa kundi iyakan yung ama kong hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo nag punta.

"uhm J-japoy gutom ka na ba?"

Nilingon ko si Dionne at nakita kong nakangiti na naman siya saakin. Another fake smile na parang napaka daming tinatago.

Pero kung dati, nalilinlang ako ng mga ngiting yun, bakit ngayon kitang kita ko ang lungkot sa mata niya kahit nakangiti siya.

I took one step closer to Dionne at tinitigan ko maigi yung mga mata niya.

"uhmm J-japoy..."

Katulad ng dati, parang bigla na naman akong nawala sa sarili ko. Inangat ko yung kamay ko then I touched her cheeks by the use of the back of my head.

Hindi kumikibo si Dionne, instead nakatitig lang siya saakin na parang nagtataka kung ano ang ginagawa ko.

Parang bigla ko na lang siyang gustong yakapin ng mahigpit at i-comfort sa kung ano mang hinanakit na dinadala niya.

Bakit kanina sobrang natutuwa ako sa thought na may gusto siya saakin at nasasaktan siya ngayon dahil nagseselos siya? Pero bakit ngayong nakita ko ang mukha niya, parang bigla din akong nakaramdam ng sakit? Ano ba tong nangyayari saakin?!

"nakakabaliw ka!" I shouted unconsciously

"h-ha?" takang takang tanong ni Dionne.

Agad kong inilayo ang kamay ko sa pisngi niya.

"uhmm.. a-ano eh n-nababaliw a-ako s-sa gutom"

"ah.. o-okay, aayusin ko na yung pagkain mo.."

"sige" sabi ko sabay talikod.

Tofu bat ba ko sumigaw?! Nakakahiya! >___<

Humarap ako kay Dionne..

"chimay!"

"hmmm?"

"a-ang panget mo!"

Pagkasabi ko sa kanya nun, lumabas ako agad ng kwarto at dumiretso sa labas ng bahay para magpahangin saglit.

Pakshet ano bang nangyayari saakin? Why am I acting like that towards her?

May gusto ba ako sa chimay na yun?!

Napahawak ako sa magkabilang braso ko dahil para akong kinilabutan dahil sa pinagiisip ko.

Si Dionne?! Type ko?! End of the world na ba? =___=

Ayun na ata ang pinaka imposibleng mangyari sa mundo. Mas possible pa na pumuti ang uwak at maging itim ang snow eh. =___=

I mean kahit ma-trap kami sa isang isla, never akong maakit kay Dionne. Hindi siya sexy, flat chested, hindi marunong mag ayos, mukhang dugyutin palagi. Paano siya matitipuhan ng isang tulad ko diba? Diba? =___=

Pero bakit ka naapektuhan sa kanya?

Hindi kaya kinukulam ako ng babaeng yan?! O_____O

Baka naman pinapainom ako nun ng gayuma?!

Kailangan ko ng mag ingat sa kanya. >___<

Ay ewan! Kung anu-ano ng weirdong bagay ang pumapasok sa isip ko. Makakain na nga lang ng lunch at baka mamaya gutom lang to. =___=

Pabalik na sana ulit ako sa loob ng bahay ng biglang may mahagip ang mata ko ng isang pamilyar na tao sa park katapat nung bahay na pinag sho-shootingan ko.

T-teka, siya ba yun?

Tinitigan ko maigi yung manong na nag wawalis doon sa park. Nakasuot siya ng kulay pulang damit at maong na pantalon. Kitang kita ko rin na tagaktak na siya ng pawis dahil sa sobrang tirik ng araw.

Napatigil siya sa pagwawalis atsaka niya pinunasan ang pawis sa noo niya gamit yung bimpong nakasabit sa balikat niya.

...at biglang nagtama ang mga tingin namin.

Kitang kita ko kung paano nanlaki ang mata niya at parang hindi niya malaman ang gagawin niya ng makita niya ako.

Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanya.


"p-papa..."

Nung tawagin ko siya, nagulat naman ako ng tumakbo siya palayo saakin.

"s-sandali lang!!"

Hindi niya ako pinakinggan at tuloy parin ang pag takbo niya palayo na para bang takot na takot siya saakin.

"uy oh si Jake Marquez yun di ba?! Yung artista!" narinig kong sigaw nung isang babae

"oo nga tara magpa-picture tayo!"

Nagulat na lang ako ng may humarang na grupo ng mga babae sa dinadaanan ko.

"Jake pwedeng magpapicture sayo?"

"ha? Mamaya na lang" sabi ko sa kanila habang pinipigilan ko ang inis sa tono ko.

"sige na please isa lang talaga!"

Bago pa ako maka-angal, meron na namang panibagong grupo ang humarang saakin at mga nagpapapicture din.

Napatingin ako doon sa way na tinakbuhan ni Papa. Nakita kong nakatayo na lang siya sa isang sulok doon habang nakatingin saakin knowing na hindi ko na siya mahahabol.

He bowed his head to me at tuluyan na siyang naglakad palayo.

Para akong biglang pinanghinaan.

Mahigit sampung taon kaming hindi nagkita. Mahigit sampung taon niya akong hindi nakasama. At ngayong nakita ko siya, bakit siya tumakbo palayo saakin? Bakit niya ako iniwasan? Hindi ba siya masayang makita ang anak niya?

O baka naman...

...tuluyan na nga niyang kinalimutan na meron siyang anak?


Angel in Disguise By AlyloonyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant