MTRP-20

7.3K 221 10
                                    

"WHERE WERE YOU?!?" Ang mga salitang agad na sumalubong kay Syle papasok sa hotel. Lakad-takbo ang ginawa niya at hindi pinansin ang naghuhurumintadong si Kurtiane.


"Is Nik's here?" Rinig na rinig niya ang kabadong boses na sa halip ay itinanong dito.


Katulad niya, mabilis rin ang mga naging paghakbang ni Kurtiane, nakasunod.

"He is," maikling sagot ng dalaga. Napahilamos naman siya ng mukha at mas binilisan pa ang mga kilos. "Saan kaba kasi nanggaling at ngayon ka lang? I've been calling you!"


"Look. I'm sorry, okay? Mamaya na tayo mag-usap," pagkasabi niya ay mabilis na binuksan ni Syle ang pinto. Nakaramdam naman siya ng ginahawa nang bumungad sa kanyang paningin ang bakante at tahimik na silid. Thank god. Wala sa sariling napabuga siya ng hangin na ikinalipad ng iilang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha.

Apologetic niyang nilingon si Kurt. Bakas sa magandang mukha nito ang matinding pag-aalala at pagtataka.



"Where is he?"



"Probably, nasa kwarto nila. Baka nagpapahinga pa," anito. Tumango siya at tumungo sa closet para maghanap ng pampalit. "So, where were you?"


Kitang-kita sa sulok ng mga mata niya ang mapanuring tingin ng kaibigan na naupo ito sa gilid ng kama. Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa niya at walang-maapuhap na salita para sagutin ito. Kumuha siya ng tuwalya at sabay na dinala ang mga ito sa loob ng banyo.

"I know you're worried. But can you please just dont ask me this yet?" Sa kabila ng pangingirot ng sentido ay may lambing niyang pagsusumamo dito. Mas lalo lamang sumasakit ang ulo niya sa mga naririnig mula dito.




"Syle. Hindi mo mai-aalis sa 'kin to! I've been so worried about you ni hindi kami makatulog ng maayos kakaisip who's this friend of yours you slept with?!" Mariing ika ni Kurtiane sa kanya.




"W-What?"



Mula sa pagkakasara ng pinto- sandaling napatigil ang mga kamay ni Syle at gulat na bumaling ang tingin sa likuran nito.


Tumayo ito mula sa kama at nagmartsa palapit sa kinatatayuan niya. Hawak ang cellphone nito na ibinalandra iyon sa kanyang harapan.




"You texted me that you were okay and you're with someone- so I thought that it is was a friend of yours. Kaysa naman iisipin ko na basta-basta ka nalang sumasama sa taong hindi mo kilala coz you're not like that person," may bahid na pagkairitang ika nito. Maang at hindi makapaniwalang binabasa ni Syle ang mensaheng nakapaloob sa inbox nito. It was her number of course! Ngunit wala siyang matandaan na nagtext siya ng ganoon para dito. Ugh! Hilot ang sentido, napapilig siya ng ulo.

"Kuya Nik! Syle's not here--" Kapwa nagulat silang dalawa nang bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok si Nicholas kasunod sina Shane at ang nobya nitong si Rosalie.


"What happened here?" May pagtatakang naitanong ng binata nang mapansin ang pagkagulat sa mukha ng mga ito. Takang hinagod ni Nik ng tingin ang nakababatang kapatid kasabay ng pagkunot ng noo nito. "Tol, bakit hindi ka pa nakapagbihis? C'mon, at nang makaalis na tayo."


"Uh, right." Sukat sa sinabi ng kapatid, mabilis na isinara ni Syle ang dahon ng pinto. Inis na napagulo pa niya ang buhok dala ng matinding frustration. Hangga't maaari ay ayaw niyang makaalam ang Kuya Nik niya tungkol sa kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya kagabi. Panigurado, malilintikan siya nito. Binalot ng pagtatakang tiningnan niya ang sariling repleksyon sa harap ng salamin. Partikular sa suot niyang puting t-shirt, it wasn't her of course.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Meet The Rebel Princess (Girl×Girl)Where stories live. Discover now