MTRP-5

10.8K 222 4
                                    

"TOL, okay ka lang?" Pukaw ni Nik sa pananahimik ng nakababatang kapatid.

Napabaling ang tingin ni Syle sa unahan kung saan nagmamaneho ang kuya niya. Baleh, magkatabi si Nik at ang kasintahan nitong si Roe, may pag-alalang sinulyapan siya ng mga ito.

"Yes. I'm okay, Kuya." Tipid niyang sagot. Subalit, lumilipad pa rin ang isipan niya sa ibang bagay.

"Sigurado kaba talaga na magnanakaw yong nakita mo kanina?" Ani ni Nik, nagbabakasakaling nagkamali lang ito ng pandinig. Nagkuha siya ng tingin mula dito at napabaling sa labas ang mga mata. Sa ngayon ay biglang nagdadalawang-isip siya.

"I don't know," nasabi na lamang niya. Subalit, malinaw pa rin sa alaala niya ang mga pinaggagawa ng babaeng yon.

"Syle. Stop thinking about her... kalimutan mo nalang yon. What important is, you're okay at walang ginawa ang magnanakaw na yon sayo." si Roe. Nakatanggap rin siya ng kunting sermon mula sa mga ito kanina kung bakit pinapakialaman niya ang magnanakaw na iyon.

Napabuntong-hininga na pilit inignora na lamang niya ang pagkadismaya.

Kunsabay, tama nga rin naman ang mga ito. Bakit ba kasi niya sinundan ito? Kailan pa siya nangingialam ng buhay ng ibang tao? Dapat na nga niyang kalimutan ang kawatan na yon. Simula kanina ay di na siya nakakapag-isip ng maayos buhat sa mga nangyari.

"I'm sorry." For the ninth times ay nasabi niya sa mga ito.

Tipid na ngumiti lang ang kasintahan ng kapatid sa gawi niya samantalang tahimik at seryosong nagmamaneho si Nicholas. Napatuwid siya ng pag-upo nang biglang mahagip ng paningin niya ang isang motor na kulay puti at itim, may kalakihan ito at pamilyar sa kanya.

"Wait, that motorcyle. Yan yong gamit ng magnanakaw!" Nangangatal niyang sambit.

"Syle? What do you mean?" Si Roe.

Ngunit sa halip na pansinin niya ang sinabi nito, unti-unting nanlalaki ang mga mata nang mapatuon ang kanyang tingin sa babaeng may sakay niyon.

"Holy shit---!" Wala sa sariling napatutop ang mga daliri niya sa labi.

She's the girl she saw inside the supermarket. Yong babaeng magnanakaw!

Pero ang mas ikinagulat niya ay ang maalalang ang pagkakapareho ng sinasakyang motor nito at nung babaeng nagnakaw ng camera niya nung nakaraan.

"What the freaking hell?" Malakas na napasinghap siya.

"Syle, what's going on? Are you okay?"

"Ate Roe, t-that's the g-girl." Nanghihina niyang usal. Bakit nga ba hindi niya agad namukhaan ito?

"Syle?" Magkasabay pang tawag ng dalawa sa kanya.

Tulala at tila nawala pa siya sa tamang katinuang napapatingin lamang ang mga mata sa labas partikular sa direksyon nito. Saktong nagkasalubong ang mga mata nilang dalawa. Nakabukas ang bintana niya kaya kitang-kita niya kung papaano gumuguhit ang malokong pagngisi ng babaeng nakasakay sa dambuhalang motor. Kumindat pa ito sa gawi niya matapos pinaharurot nito ng mabilis l ang sinasakyang motor.

"Kuya Nik! I saw her! Yong babaeng nagnakaw ng camera ko!" Bulalas niya sa loob ng sasakyan.

"What? Sigurado ka, tol?"

Marahas ang naging pagtango niya at di mapakali sa kinauupuang pilit sinusundan ang papalayong sinasakyang motor nito.

"Kuya Nik! She's getting away!"

Napapailing naman si Nicholas at bahagyang binilisan ang pagpapatakbo.

"Fasten your seatbelt, sweetie." Baling ni Rosalie sa dalaga at medyo nakaramdam ng pagkabahala.

Meet The Rebel Princess (Girl×Girl)Where stories live. Discover now