MTRP-6

10.3K 222 1
                                    

"TOL, gusto mo bang mag-aral this school sem? I mean... baka gusto mong mag-aral dito?" Isang araw ay naitanong ni Nik kay Syle.

Mahigit isang buwan na pala ang pananatili niya dito sa Pilipinas at katulad ng ipinapangako ng kapatid ay tinuturuan naman siya nito.

"Kuya, hindi ko pa naisip ang bagay na yan. Why? Miss mo na ako agad? I'm not leaving pa naman, eh" Malambing niyang tanong dito.

Isang buwan nalang pala ang pananatili niya dito sa Pilipinas. Medyo bitin pa sa kanya ang dalawang buwang pagbabakasyon niya. Nakakapanghinayang naman, she thought to herself.

Summer vacation pa ngayon at ilang linggo nalang at magsisimula na naman ang pasukan.

"Of course. Nakakalungkot lang kasi dalawang buwan ka lang dito tapos hindi pa tayo gaanong nagkakasama o nakakapamasyal dahil sa trabaho ko. Tapos ilang taon na naman ang hihintayin para magkasama ulit tayo. Pasensya na, tol. Nagkataon lang talaga na maraming naka-sched this summer," may lungkot nitong sinabi sa kanya.

Nakaramdam naman siya ng lungkot sa sinabi nito. Pero wala naman siyang magagawa eh.

"Hey-- okay lang, Kuya Nik. Naiintindihan ko naman," sabay yakap niya ng mahigpit dito. Dalawang buwan lang kasi ang ibinibigay ng Dad niya. Pagkatapos ay babalik na uli siya sa Canada para ipagpatuloy ang buhay at mga pangarap niya doon. Mabuti nalang at sinusuportahan siya ng mga magulang nila.

Besides, isang taon na lang ang hihintayin niya. Senior na siya this school year.

"Why can't you just come with me nalang, Kuya Nik," she said. Kung tutuusin ay pwede naman silang magsama-sama sa iisang lugar kung papayag itong bumalik sa bahay nila. Ibig niyang sabihin ay kung babalik ito sa Canada kasama siya at ang Dad nila.

Napaseryoso ang mukha nito sabay iwas ng mga mata sa kanya. Nakaramdam siya ng lungkot.

Alam niyang imposible ang hinihingi niya. Galit pa rin kasi ito sa Dad nila. Though, wala siyang alam kung ano ang ugat at alitan ng dalawang lalaki sa buhay niya.

She sighed.

Hanggang ngayon ay hihintayin pa rin niya ang araw na mapapatawad ni Nik ang mga magulang nila. Nakakamiss lang ang bonding nila bilang buong pamilya.

Kumalas ito at iniharap siya.

"Magpakabait ka kay Ate Roe mo. 'Wag maging pasaway, okay?" Bilin ni Nik sa dalaga.

Napalabi siya at sinamaan ng tingin ito.

"Oo, na. Kuya, naman eh. Parang isang araw lang ako kay Ate Roe para namang mawawala ako. And hey-- hindi na ko bata para sabihin mo sa'kin yan," nakaingos siya at tinanggal ang pagkakasabit ng seatbelt.

Napahalakhak ito sabay gulo ng kanyang buhok.

She frowned.

"Alright."

"Nga pala, Kuya Nik--" natigilan siya.

"Oh, ano yon?"

Napailing siya pagkatapos ay bumuntong-hininga.

"Nothing."

Balak sana niyang itanong dito kung bakit bigla-bigla ay naisipan ng nobya nitong hiramin siya ngayong araw. Gusto raw kasi siyang ipasyal ng girlfriend nito nang araw na yon, though malaki ang hinala hindi lamang iyon ang dahilan. Pero okay lang naman sa kanya 'yon kaysa naman na magmumukmok siya sa bahay na mag-isa. Buong araw kasing nakatuka sa trabaho si Nik at naging madalang na rin ang paglabas-labas nila.

Meet The Rebel Princess (Girl×Girl)Where stories live. Discover now