MTRP-13

8.1K 202 3
                                    

TANGHALI na nang magpasyang lumabas ang dalaga mula sa kwarto nito. Suot ang kanyang pulang bikini na binabagtas niya ang daan palabas ng Kantana Hotel and Resort. Isang linggo nalang at luluwas na siya ng Pilipinas.





Matirik na ang sikat ng araw ngunit hindi iyon alintana para sa dalaga. Nais niyang sulitin ang mga natitirang sandali na pamamalagi niya dito sa Pilipinas at isa na rito ay ang pagbibilad sa araw. Tiyak na mamimiss niya ang mainit na klima dito sa Pinas.




Matapos maisuot ang sunglasses ay kaagad lumapat ang likod nito sa isa sa mga beach chair na naroroon. Kumaway naman sa gawi niya sina Shane at Kurtiane na kasalukuyang nagtatampisaw nang maramdaman ang pagtunog ng kanyang selpon.





"Dad?" Namamaos na boses niyang sagot matapos mailagay ang isang headset sa kaliwang tenga. "Yeah. I'm with kuya po," sagot niya sa ama. "I'm fine. Yeah. This monday na po ang flight ko," pagbigay alam niya dito. Halos araw-araw na niyang nakakausap ito, isa sa mga napagkasunduan nila ng kanyang ama. Kaya updated ang daddy niya kung ano ang ganap sa kanya dito sapagkat kailangan niyang ipaalam dito lahat-lahat ng mga pinaggagawa niya. "No. No. Ako na po ang kakausap sa kanya," napakamot-kilay niyang sinabi sa ama bago magpaalam dito.




May pagsisising napahilamos siya ng mukha nang maalalang hindi pa pala siya nakapag-call back kay Carisle nung huli nilang pag-uusap. Bigla kasing naputol ang pag-uusap nila at hirap na rin itong kontakin.




Bahagya lamang niya naigalaw ang mga mata nang mapansin ang isang babaeng umukupa sa katabing upuan na malapit sa kanya.




"Hey, Carisle. It's me. Call me back when you get this, okay? And uh... By the way, I'm coming home soon. Uhm.. I love you. Bye." Mabilis na pinutol niya ang tawag nang walang maapuhap na sasabihin para dito. Nag-iwan lamang siya ng voice mail para sa kaibigan. Tiyak na tatawag ito sa kanya kapag natanggap ni Carisle iyon, hihintayin na lamang niya ang pagtawag nito. Napabuga ng hangin na muling ibinalik niya ang tingin sa mga bagong kaibigan.




"Tol, wala ka bang balak maligo?" Si Nicholas matapos siyang lapitan nito. Tumungo ito sa kaliwang upuan at nagpunas gamit ng tuwalya nito.




Nagbaling siya ng tingin dito.



"Later na, Kuya." Wala pa siya sa mood na maligo sa totoo lang. Gusto na muna niyang namnamin ang katahimikan sa kanyang kapaligiran. Baka tuksuhin lang ulit siya nung dalawa tungkol dun sa misteryosong prince charming na nakasayaw niya. 



It's been a two weeks, mula nang may mangyari sa loob ng IMI center. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ang isip niya at hindi na maalis sa kanya ang mga nangyari. Gusto man niyang alamin kung tama nga ang pagkakilanlan niya. Iniisip pa rin niya na ang misteryosong nakasayaw niya at ang antipatikang kawatan na iyon ay iisa. Could it be? O, baka namamalikmata lang talaga siya nang mga oras na iyon?


"May problema ba, bunso?" Pukaw ni Nik sa biglaang pananahimik ng dalaga.

Nagtanggal siya ng headset at bumaling sa kapatid.




"No. Nothing." Napailing niyang ika.



Nagdududang napaupo naman ito sa tabi niya. Mas nagiging gumugwapo at napaka-hot nitong tingnan ngayon. Nakatopless si Nik at kapansin-pansin ang mga muscles sa katawan nito at malabatong nakaumbok sa tiyan. Hindi nakapagtataka kung bakit kanina pa di maialis ang malalagkit na tinginan ng mga kababaihan dito.





Napaupo siya, seryosong hinarap ito. "I was just wondering, Kuya.  Bakit ka nga pala nagpasyang manatili dito? I mean, I know you had a fight with dad but..." May mga bagay talaga na matagal ng bumabagabag sa kanya. Dadalawa na nga lang silang magkakapatid pero ang ikinapagtaka niya ang kung bakit parang unti-unting lumalayo na ang loob ni Nik sa mga magulang nila. "Hanggang ngayon pa rin ba kuya galit kapa rin kay Daddy?"




Meet The Rebel Princess (Girl×Girl)Where stories live. Discover now