MTRP-3

12.9K 301 8
                                    

PUMASOK sina Syle kasama ang kapatid nitong si Nik at nobya na si Roe sa isang fast food chain sa loob ng SM para maglunch.







Pagkatapos ay sinimulan na nila ang pamimili at paghahanap ng kanyang bagong camera.


Binilin ni Nik na piliin ang huling modelo na kanyang ginamit. But she insists na iba nalang tiyak na mahihirapan sila lalo na't may kamahalan iyon. Ngunit, hindi sumang-ayon ang binata. Nakapag-refund naman daw ang management ng GIA sa kanila. And that's confusing her. Bakit naman gagawin iyon ng management ng paliparan na yon? To think na, ibang tao ang gumawa at nagnakaw ng kanyang camera. Gayunpama'y ipinagpasalamat pa rin niya ang kabutihan ng mga ito.

Still, nanghihinayang pa rin siya dahil hindi mababayaran ang kung anumang bagay ang mga alaalang nakakubli sa camera na iyon.

Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga habang nagbabalik-alaala dito ang mga nangyari.

Talamak na talaga ang masasama dito sa mundo. Hindi lang pala mga pulitiko ang ganid at kurakot kundi pati na rin ang iilang mamayang Pilipino. Tuloy mas lalong hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa kawalan ng respeto ng bawat isa.




Naagaw lamang ang kanyang atensyon nang may mapansin. Isa iyong dslr na naka-display. Masayang kinuha niya ito at sinuri. Kapareha iyon sa huling camera na nawala sa kanya.



"Oh, tol? Yan na ba yon?" Pansin nito.


"Yes, Kuya." May bahid na ngiting sagot ni Syle sa kapatid.



"Good. Sige, bayaran na natin." Tinawag nito ang saleslady.






"Try na muna natin, Miss." Anang saleslady kay Syle nang malapitan sila nito. Kulot ang mahaba nitong buhok. Maganda naman ito subalit kung ihahambing sa dalaga na ngayo'y busy sa kakasuri ng camera, walang-wala iyon sa kalingkingan nito na bahagyang ikinaismid ng saleslady sa tuwing napapatingin kay Syle.




"Alright." Pagpayag ni Syle.




Samantalang napapatingin naman sa gawi ng mga ito si Rosalie. Napapataas-kilay ito sabay pag-iling ng ulo. Hindi lingid sa dalaga ang pagpapa-cute ng saleslady sa binata na binigyang buntong-hininga nalang sa huli. Bumaling ang mga mata nito kay Syle, hindi maitatago ang paghanga ni Rosalie para sa nakababatang kapatid ng nobyo. Napakaganda ni Syle, a head turner, kanina pa niya napapansin ang mga matang nakapukol sa dalaga. May maamong mukha na animo'y isang anghel, nakakadala ang mga ngiti nito. Ewan ba niya kung bakit sa tuwing napapatingin siya dito ay di na niya magawa-gawa pang alisin ang mga mata sa mukha ng dalaga. Napapilig na lamang siya at sa huli ay pilit ibinaling sa ibang bagay ang kanyang atensyon.








MATAPOS mai-set ang lenses, bahagyang tumingin si Syle sa labas. Naghahanap ng magandang pagkukuhanan ng litrato.




Kaagad na gumuhit ang mga ngiti sa labi niya nang may makakita siya na pwedeng pagkuhanan ng litrato, kaagad nai-focus niya ang camera at automatikong ini-adjust ito.


'This is good. I like this one...' nasabi niya sa kanyang sarili. Saka muling sinuri ito ng husto. Saktong may nahagip ang kanyang mga mata.


Isang babae sa may di-kalayuan.


That girl! Bakit parang pamilyar sa kanya ang mukha na yon. In-adjust niya ang lenses at itinuon sa pigura na yon.





'Got it!' Tuwang-tuwa naman siya sa ginawa.



Kuhang-kuha niya ang hitsura ng nito. Pamilyar talaga ang mukha nito. Pero hindi matandaan ni Syle kung saan nitmya ito nakita. Napakunot-noo na lamang siya. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang mapansin ang paglapit ni Nik sa kanya.

Meet The Rebel Princess (Girl×Girl)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt