MTRP-19

7.2K 178 12
                                    

Her arms automatically wrapped to the girl before her body fell and hit to the floor. Everyone gasped in surprise. Walang pagdadalawang-isip at mabilis na pinangko ni Farra ang walang-malay na si Syle, watching her known friends in horror. May pagbabanta niyang tiningnan ang mga ito. Game over. Sending her death glare, no choice kung 'di ang umatras at hayaan siya ng mga ito. Kaagad naman na pumalibot ang kanyang mga bodyguard.

"Let me carry her, milady." Mr. Validisco approached to the lady as soon as he saw what was happened. Kagaya ng ibang nagbabantay, kanina pa nagmamasid si Dion sa buong paligid including these known friends of his mistress. Magkagayunpama'y walang tiwala ang binata sa mga taong nakapaligid dito at kinikilalang mga kaibigan nito. His one and only task, that is to secure the mistress precious life. Handang-handang ibuwis ni Dion ang sarili kung kinakailangan mailigtas lamang sa kapahamakan ang dalaga.



"I truly appreciate your concern, Validisco. But I do have some amendments to make for everyone. Touch this girl and you'll see what  hell truly is," anang dalaga na ikinalaki ng mga mata ng mga taong nakapalibot maging ang mga kaibigan nito maliban na nga lang kay Dasza. Maloko itong ngumisi at balewalang bumalik sa inumin ang atensyon.


Kaagad na nilisan ng rebelde ang Affinity habang tahimik lamang na nakasunod ang mga tagabantay nito.


"Where you taking her?" Subalit, hindi maitatago ang pag-aalala't pagsisisi sa puso ni Jefferson na sinundan niya ang mga ito. It was his fault anyway. Kung hindi lamang niya sinunod ang utos ni Dasza sa kanya kanina malamang na hindi mangyayari ito kay Syle.


"That's none of your business," may irita sa mga mata at singlamig ng yelo ang boses ang maririnig sa boses ng rebelde. Batid ng binata ang pamumuong tensyon sa mahaba at nakakabinging pasilyo, tanging mga yabag ng sapatos  at mapanglaw na tugtog ang mga maririnig sa naturang lugar.

"Gia. I know it is my fault. I- I just want to make sure that she's okay and--"

Napatigil sa paghakbang ang dalaga maging ang limang nagbabantay dito. Matalim ang tingin na nagbaling ito sa kinakabahang binata, kulang nalang ay malagutan ito ng hininga sa pagdaan ng galit sa mga mata ng kaharap.

"She is. Now back off." Animo'y lason ang mga salitang lumabas mula sa mga labi nito.


Tinakasan ng kulay ang mukha ni Jefferson. Nakaramdam ng takot at automatikong napahakbang paatras ang mga paa nito at nawalan ng lakas ng loob. Nahahabag ang sarili na nagbaba ng tingin ang binata. Bigla ay natauhan ito at doon lamang nagsink sa utak ni Jefferson kung sino ang kaharap. Guilt was written on his face and he bow his head in front of the well-known rebellious and vicious princess.

"Validisco." 

Mabilis naman ang mga kilos na lumapit si Dion sa dalaga. Maging ang apat na nagbabantay nito ay pinanginigan ng tuhod. Tumatagaktak ang pawis mula sa noo ni Jefferson, napalunok ito ng laway. This isn't the the right time to mess up with her, everyone thoughts.


"Yes, milady?"

"Close the affinity. Party is over." Ma-awtoridad na ika ng rebelde na hindi man lang nagtapon ng tingin sa tagasunod nito sapagkat nanatiling nakapukol ang kanyang mga mata sa binatang si Jefferson. Kung hindi lang sa hawak niya malamang ay nakatanggap na ito ng suntok magmula sa kanya.

Sa huli, muling ipinagpatuloy niya ang naudlot na paglalakad. Hindi mawari ni Farra kung bakit ganito na lamang kainit ang ulo niya para sa binata. Maybe because Jefferson is obviously a douchebag.

Napahigit na lamang ang hininga ni Farra nang sumiksik pa lalo ang dalaga sa kanyang leeg. Ramdam niya ang pagtataasan ng mga balahibo sa katawan sa tuwing tumatama sa kanyang balat ang maiinit nitong hininga. Wala siyang ibang magawa kung 'di ang hayaan lamang ito at magtiis ng ilang minuto.




Meet The Rebel Princess (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon