MTRP-2

15.4K 282 6
                                    

HOURS LATER.


"I feel sorry what happened, Syle. We never know these people nowadays." Pagsasalita ni Rosalie o Roe sa dalaga matapos nitong malaman ang nangyari kaninang umaga.

Kasama ni Syle si Nik at ang girlfriend nito na ipinakilala sa dalaga kani-kanina lang.

Well, nakita na niya ang picture nito while she was in Canada. Subalit, hindi niya inaasahan na mas maganda pala talaga ito sa personal. Sa pagkakaalam rin niya, aside raw sa pagiging designer ni Roe ay isa rin itong model ng mga cosme.

"Ate, ayoko na pong pag-usapan yon. Mas lalo lang akong maiinis dahil sa katangahan ko." Nakalabing ika niya at pilit na itinuon sa pagkain ang atensyon. Mas lalo lamang siyang nalulungkot kapag naaalala niya iyon. Naiinis rin ang dalaga dahil sa kapabayaan niya kaya nangyari iyon.

"Oh, sorry." Paumanhin ng dalaga. Kumuha ito ng napkin at nagpunas saka may pagkabahalang sumulyap sa gawi ng nobyo.


"It's okay, Ate Roe. Nakakainis lang kasi." Marahas na napabuga siya sa harapan ng mga ito. "I just can't imagine... ang ganda-ganda niya tapos..." Napapailing ang ulo niya. "God! Ang laki ko namang tanga!"

Nagkatinginan naman ang dalawa sa dalaga. "Basta, sa susunod mag-iingat ka. I'm just glad at hindi mo na sinundan yong magnanakaw baka napanu kapa," si Roe. May panlulumong napababa naman ng ulo ang dalaga. Indikasyon na may mali sa mga sinasabi ng kaharap nito. "Oh, god!" Sapo ang dibdib na napatayo si Rosalie. "Babe, I hope na ito na ang huli," saka masamang sinipatan ang binata.

"I know. I know," may pagsisising nilapitan ni Nicholas ang kasintahan para pakalmahin. "Tol. Sasamahan na rin kita sa pagbili ng bago mong cam. For now, you cannot go outside na walang kasama," ani ni Nik sa kapatid.

What?

Napahumindig siya sa narinig.

"Kuya-- " tututol pa sana siya nang biglang magtaas ng kamay si Roe.

"I know, Syle. But this is for your own good. Don't worry, may naisip na akong paraan. But please honey, sundin mo na muna ang kuya mo, okay?" May pagsamong sinabi nito.

"But---" labag talaga sa loob ni Syle ang gustong mangyari ng mga ito. God! Akala pa naman niya magiging masaya ang pananatili niya dito sa Pilipinas. Pero mukhang nagkakamali yata siya ng inaakala.

"Hey, alam ko kung ano ang iniisip mo. We're not locking you here. Nag-iingat lang tayo, tol. Temporary lang to."

"Alright," pagsuko niya.

"I'm coming too," si Rosalie. "Samahan ko na kayo sa pamimili."

Sukat at biglang nagliwanag ang mukha niya sa narinig.

"Really?"

Ngumiti ito. "Of course. Para naman makapagbonding tayong tatlo," nakangiting saad ng magandang kasintahan ng kanyang kapatid.

"That's great, Ate Roe." Tuloy, nakaramdam siya ng excitement sa kaalamang makakasama nila ito. Knowing her, sobrang busy nito sa buhay. Napag-alaman niya iyon sa tuwing nagkakausap sila ni Nik sa vc. Still, botong-boto pa rin siya kay Roe para sa kapatid. Maalaga at mabait kasi ito. Full package kumbaga, ang swerte ni Nicholas para dito, aside sa maganda pa ay madiskarte rin daw ito sa buhay. Pansin niya rin na masaya ang dalawa sa kung anumang relasyon mayroon ang mga ito, base sa mga litratong pinapadala ni Nik sa kanya parang gusto na niyang mainggit. Masaya siya para sa dalawa.







MAKALIPAS ang isang linggo ay naging maganda ang pananatili ni Syle sa Pilipinas. Kagaya nga ng sinabi sa kanya ni Nik, hindi siya pwedeng lumabas ng bahay na walang kasama. Kunsabagay, may punto rin naman ang kapatid, wala rin namang mawawala kung susundin niya ang mga ito. Besides, wala pa din naman siyang mga kaibigan dito kaya okay lang. Napapasyal rin siya kasama si Nik sa studio nito.

Meet The Rebel Princess (Girl×Girl)Where stories live. Discover now