MTRP-9

8.1K 205 4
                                    

NAPAPAILING na muling sinulyapan ni Syle ang sariling replica sa salamin.
Being on the petite side, she found out that pairing high waisted denim short with a tucked in oversized white cotton shirt is one of the easiest ways to look polished especially on rush morning like this.

Matapos maisukbit sa balikat ang kanyang camera sling bag ay kaagad na lumabas na ng silid ang dalaga.

"Kuya, I'm shooting off now!" nagkukumahog niyang paalam sa nakakatandang kapatid. Gaya nga ng inaasahan, pinayagan siya ni Nik na lumabas at mamasyal na kasama ang pinsan ng nobya nito. Kilala ng kuya niya si Kurt kaya palagay ang loob nito sa bagong kaibigan.

"Okay, tol. Ingat!" Anitong naglabas lang ng ulo mula sa kusina.

"I will!"

Nasa veranda palang siya nang makita niya agad si Kurt sa labas ng gate. Patakbong tinungo niya ito.

"Hi!" Nakangiti nitong ika sabay halik sa kanyang pisngi.

"Ugh. I really had a struggle with people waking up early." Sa halip ay bungad ni Syle dito matapos makipagbeso-beso sa dalaga.

"You should have seen your face. Ang cute mo." Natatawang iginiya na lamang ni Kurtiane ito papasok sa loob ng dalang sasakyan nang matigilan ito.

"Oh, gosh! I think, I left my phone at the bathroom!" Bulalas niya nang biglang maalala iyon.

"What? Why is it in the bathroom?" Mas lalong naaliw ang kaharap nito buhat sa narinig.

"Ugh!" Inis na ginulo niya ang sariling buhok. "Kindly take this. I'll just go and get it," aniya matapos maibigay ang dalang sling bag dito at nagmamadaling tumakbo pabalik sa loob ng bahay. Stupid of her. Kung bakit ba kasi naisipan niyang magpatugtog sa loob ng banyo habang naliligo.

Napapailing na sinundan lamang ito ng tingin ng dalaga at inilagay sa loob ng sasakyan ang gamit nito.

"Tol? Anong---" gulat naman na napalingon si Nicholas nang mapansin siya nito.


"I left my phone!" Pagsasalita niya sa kabila ng kanyang pag-akyat patungong kwarto. Dala ang kape na napapailing na tumungo sa sala ang binata.

"Dahan-dahan. Di napaghahalatang excited ka," puna ni Nik dito nang mapansin ang pagmamadali ng dalaga. "Wag masyadong mang-chicks, ha!" Isang mabilis na pag-irap lang ang itinugon ng kapatid nito.


"Sorry. I made you wait," hingal na sinabi niya kay Kurtiane. Pinagbuksan siya nito ng pinto.


"That's fine with me. Besides, ako naman ang nag-imbita," sabay kindat nito at umibis sa kabilang pinto. Dala ng antok ay napahikab siya't inayos ang kanyang pagkakaupo. "You can take a nap. Gigisingin nalang kita mamaya kapag nakarating na tayo," anito.

"You sure? Malayo ba yon?" Saan nga pala siya dadalhin nito?


Umiling ang katabi niya at sinumulang buhayin ang makina.

"Not that far. But, rush hour traffic can take us about an hour and a half to reach our destination," anito. Sapo ang noo. Apologetic niyang nilingon ito.

"Really, Kurt. I'm so sorry. Tinanghali lang talaga ako ng gising ngayon," regretfully, she said.


"Syle. Ano kaba. Don't overthink about it. Okay lang yon. Ang mabuti pa, matulog kana muna dyan. Besides, it is my fault kung bakit kinulang kapa sa tulog," natatawang saad nito.

Marahas na napabuga naman siya ng hangin. Bakit ba kasi hirap siyang makatulog ngayon?

"Hey, I'm serious. Take a nap. I'll wake you up when we get there, okay?" Masuyong sinabi ni Kurtiane matapos abutan siya nito ng travel pillow. Nang masigurong komportable ay agad ipinikit niya ang mga mata. Inaantok pa talaga siya. Hindi rin nagtagal ay nilamon na siya ng kadiliman.













SAMANTALA, kanina pa hindi mapalagay ang mga mata ni Kurtiane. Panaka-naka'y ninanakawan niya ng sulyap ang mahimbing na natutulog na katabi. Kunting-kunti nalang at masasabi na niya talaga sa sariling may crush siya dito. God! Ngayon lang nangyari sa kanya ang ganito. Inaamin niyang hirap rin siyang makatulog kagabi kakaisip sa kung ano ang kalalabasan ng pamamasyal nilang dalawa sa araw na 'to. She can't take the fact na sobra siyang excited na masilayan uli ang maamo at magandang mukha nito.


Napapailing na mas itinuon na lamang niya ang buong atensyon sa pagmamaneho. Kinailangan niya iyon sapagkat inihabilin sa kanya ni Nicholas ang kapatid nito na alagaan at bantayang mabuti.



Makalipas ang mahigit isang oras ay narating na rin ng dalaga ang pinapasukang paaralan. Ang Krimson Academy o mas kilala bilang KA. Malaki ito at may malawak na palaruan para sa mga estudyanteng mahilig sa sports. Bukod sa maganda ang paaralan na to ay advance rin ito sa teknolohiya. Lehitimong mga mamayaman lamang ang nakakapag-aral sa KA. Kaya marami ang nagnanais at nangangarap na makapasok sa paaralang ito. Ngunit, hindi lahat ay natatagumpayan na makapasok. Hindi lamang pera ang pangunahing sangkap upang mapabilang sa sosyal na herarkiya mula sa prehisteryosong paaralan na ito. Bukod dito ay utak at pisikal na anyo. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang mga taong nakapagtapos sa paaralang ito ay matagumpay na naipangalandakan ang pangalan sa buong mundo. Isa sa mga dahilan kung bakit kinailangan niyang manatili sa lugar na ito ay upang bawiin ang kung anumang nawala sa pamilya niya. Lingid sa lahat ang sitwasyong kinakaharap ng pamilya niya ngayon. Ngunit nakakaramdam na rin siya ng pagkabahala na baka hindi magtatagal ay malalaman iyon ng lahat lalong-lalo na ang panibagong Chairman ng KA. Kapag nagkataon, tiyak na paaalisin siya sa pinapasukang paaralan. Sa ngayon, wala pa ring nakakakilala kung sino ito. Ngunit, may hinala na siya na baka ang anak iyon ng may ari ng eskwelahan.




Napukaw ang isipan ng dalaga nang maramdaman ang marahang paggalaw ng katabi nito. May mga ngiti sa labing napabaling ang mga mata niya dito. Unti-unting pinupunan ang pagitan habang tinatanggal ng mga kamay niya ang suot na seatbelt. Nakakahalina at di nakakasawang pagmasdan ang angking ganda nito. Ni kaunting peklat o tagiyawat ay wala kang maipipintas sa sobrang kinis at puti ng mukha nito. Matangos ang ilong at  may mapupulang mga labi. Baliw nalang siguro ang hindi mabibighani sa natural nitong ganda. Nakakatuwang tingnan kung papaano namumula ang pisngi ng dalaga sa tuwing nasisinagan ito ng sikat araw at kung papaano nagliliwanag at nagiging makulay ang paligid niya sa tuwing nasisilayan niya ang matatamis nitong mga ngiti. Oh, god! Tinatamaan na naba siya nito?


Hawak ang dibdib na pinilit niyang iwaksi sa utak at sistema ang bagay na iyon at nagpasyang gisingin na lamang ito. Subalit, sa di malaman na dahilan ay tila wala sa sarili at may kung anong nagtulak sa kanya na mapalapit sa mukha nito.



Nang biglang naagaw ng malakas at nakakabinging tunog ang nagpabalik sa katinuan ang isip niya dahilan at naggising ito't nagmulat ng mga mata. Mabilis na nailayo ni Kurtiane ang sarili mula dito.

That was close! Pakiramdam niya ay tumakbo siya ng ilang milya sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Sana man lang ay hindi ito nakapansin. Hawak sa kaliwang dibdib ang isang kamay at pilit na pinapakalma niya ang sarili. Mariin na naipikit ang mga mata.

"Kurt?" Mahinang usal ng dalaga.

Kabadong nagmulat siya ng mga mata.

"W-Why? W-What happened?" Takang napaayos ito ng upo at napatingin sa paligid kasabay ng malakas na pagsinghap ng dalaga.

Ngunit, hindi iyon agad napagtuunan niya ng pansin. Maang at gulat na pinanlakihan siya ng mga mata. Basag na basag ang bintana ng kotse niya gamit ang baseball bat na hawak-hawak ng sinumang nakatayo sa hood ng kanyang sasakyan.



"What the hell!" Bulalas ng dalaga at walang anumang binuksan nito ang pinto para lumabas.



"Syle!" Taranta at sinalakay ng di maipaliwanag na takot ang puso na napasigaw siya dito.




Meet The Rebel Princess (Girl×Girl)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ