"Mas gusto ko ang ganitong selebrasyon kesa sa party party na sosyalan, minsan nakakasawa narin ang ganoong pagtitipon kasi mas nakakapagod! Kung ganito ay feel na feel ko at pakiramdam ko'y parang hindi nadagdagan ang edad ko ngayon!" natatawang biro ni Mommy Pretty.

"Oo nga po mommy, still look young parin kayo" sang ayon na biro naman ni Shannon kaya naman napahalakhak ang ginang.

"Naku, tama ka iho at sa kaarawan naman ni daddy niyo Renan ay dito rin natin gaganapin para mas masaya at mas enjoy, diba mahal?" ani mommy Pretty sabay baling nito sa kanyang asawa.

"Oo naman mahal, alangan namang hindi dito eh magtatampo ako" kunwaring sabi naman ni daddy Renan kaya nagkatawanan ang lahat.

"We're always be fair sa inyo mommy, daddy! Syempre kung saan kayo masaya ay lagi kaming sumusuporta sa inyo" wika naman ni Ulysses saka nito inakbayan ang kanyang mga magulang.

"Ang drama niyo naman!" nakaingos na sabi ni Aslea.

"Sabi mo lang iyan anak dahil wala ka pang pamilya o kaya ay asawa, but once na nagka asawa kana ay doon mo makikita ang tunay na kaligayahan sa piling ng lalaking makakasama mo habang buhay" saad ni Mommy pretty kay Aslea.

"Your right mommy, dahil ang true happiness ay nasa pamilya lang ito at hindi sa anuma pa mang bagay" singit ni Shannon saka lihim na napatingin kay Aslea ngunit umirap naman sa kanya ang dalaga......."Hmmm mapapalambot din kita Aslea" ani Shannon sa isip nito saka palihim na kinindatan ang dalaga kaya mas lalo itong napasimangot.

"Walang hiya talaga ang lalaking ito, napaka feelinggero hmp!" pabulong bulong na sabi ni Aslea na narinig naman ni Mommy Pretty.

"Anong binubulong bulong mo anak? Sino iyong feelinggero na sinasabi mo?" maang na tanong ni Mommy Pretty sa kanyang dalaga.

"Ah wala mommy! Sabi ko ma pi feel ko rin siguro ang pag e stay dito sa resort kasi napaka perfect ng ambiance". alibay ni Aslea at saktong napatingin siya kay Shannon na ngingiti ngiti ito kaya mas lalo pang nainis ang dalaga at tinungo ang dalampasigan upang nakaiwas sa mga tingin sa kanya ni Shannon.

Natatawa sa loob loob niya si Shannon dahil kay Aslea. Pinabayaan muna niya ang dalaga na mapag isa ito para hindi lalong mainis sa kanya at saka tinulungan niya sina Ulysses at daddy Renan sa pag iihaw ng mga sea foods gaya ng malalaking lobster, pusit, bangus at iba pang lamang dagat. At si Mommy Pretty ay abala naman sa ng mesa at si Girlie ay inaasikaso nito si Gracielle.

Nang nakahanda na ang lahat at mag u umpisa na ang kainan ay napalingon si Daddy Renan sa kinaroroonan ni Aslea na nakaupo sa malaking bato at nakatunghay sa mga naglalakihang alon.

"Sige mauna na kayong kumain at tatawagin ko lang si Aslea" anang daddy Renan.

"Ako nalang po daddy at kumain na kayo!" maagap na sabi ni Shannon at humakbang na ito patungo sa kinaroroonan ng dalaga.

Habang pinagmamasfan ni Aslea ang mga along nag uunahan sa pagsalpok sa mga naglalakihang bato ay napapangiti siya dahil pakiramdam niya ay tinutukso siya ng mga alon upang lumusong sa tubig.

Maya maya ay ikinuyakoy nito ang kanyang mga paa sa tubig at napasigaw siya ng tumilamsik ang tubig alat sa kanyang mukha dahil biglang sumalpok sa bato ang malaking alon.

"Grabe, parang ang sarap maligo sa dagat!" bulalas nito na mas inilubog pa ang kanyang mga paa sa tubig.

"Don't worry, maliligo tayong dalawa mamaya pagkatapos nating kumain" biglang sabi ni Shannon na noon ay nasa likod na pala ng dalaga kaya sa gulat ni Aslea at napaligon siya at muntikan ng mahulog dahil sa pagkakabigla ngunit naging maagap si Shannon dahil nahawakan niya ang braso ng dalaga.

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoWhere stories live. Discover now