The Day The Love Died 2

Start from the beginning
                                    

Hindi ako matatahimik kung ganun. Alam kong admin si Dave kaya pwede niyang gawin lahat ng gusto niya pero iba rin naman ang advantage na dala ako. Tulad nga sa bahay, I want first-hand information regarding my daughter’s health. I went out of my office after kong i-pony tail yung hair ko. Mahigpit kasi si ICU and for sure meron pang ipapadagdag na protective gear para sa safety ng patients and ng mga guardians nila.

“Doc Dianne! Ok ka lang? Kamusta na si Avie?” tanong sakin ng doctor na nakasalubong ko.

“Hindi ko pa alam eh, titingnan ko palang” I ran after that. Dapat makarating na ako kay baby Avie ko.

Maraming security personnel at staff na naka-kumpol sa labas ng ICU when I got there. Kilala ko yung isa sa kanila dahil alam kong head siya ng security ng hospital.

“Kuya anong meron?” I asked him.

“Ma’am transfer lang po” Ahh, normal naman yan, meron kasing cases na gusto nilang ipalipat yung patient depende sa management at sa family ng patient na naka-confine. Pero I’ve never seen this ‘kind’ of security procedure na kahit yung head e nasa area ng transfer. Baka VIP, wow rich hahaha

Umusog si kuyang blocking my view kaya nakita ko yung pag-move ng pasyente. WTF! Si Avie yon!!

I saw Dave observing the transfer procedure kay Avie. I rushed to him. Ako yung doctor saming dalawa pero hindi niya manlang ako tinanong kung ano ba yung magandang gawin sa condition ni Avie. Bakit ganyan? Hindi na ba niya vina-value yung say ako about this matter? Asawa niya ako at mommy ako ni Avie. Anak ko si Avie, matagal nang established yon between us. Ano nanaman bang trip----???

I saw Felicity in a lab coat and I can tell katulad ko naka-scrubs din siya sa loob nun. Kelan pa siya nagging doctor sa Saint Andrews? She’s wearing her mask down habang kausap niya si Dave. Mukhang si Felicity yung nagbantay kay AVie sa ICU habang tulog ako sa room. Ilang oras ba akong nawala? Parang ang daming naganap habang nasa room ako at nagrerecover from fainting.  Seryoso ang mukha ni Dave at nakikinig lang siya kay Felicity, bakit ganun? Kay Felicity nakikinig siya, pero sakin hindi? Wala ba siyang tiwala na kaya kong pagalingin si Avie with my methods? Doesn’t he recognize my credibility? I’m one of the best doctors in the Philippines, hindi pa ba sapat yon?

Nagpa-alam si Felicity at pumasok ulit sa ICU. Saka lumingon si Dave at saka niya ako nakita.

“Beh ok ka na? Dapat hindi ka muna bumangon magpahinga ka kaya muna” hindi ko makuha yung concern na gusting iparamdam ni Dave. Mas malakas kasi yung bugso ng inis ko sa kanya.

“Naka bihis nako babalik pako dun?” pagtataray ko. Nonsense naman kasi yung sinabi niya kaya nonsense din sagot na makukuha niya galing sakin. “Where are they taking Avie?” I asked him. Imbiyerna much.

Hindi pa nakakasagot si Dave, pero sa direction ng staff na nagdadala kay Avie when they began walking they’re taking her to the morgue.

“What the hell?! Saan niyo dadalhin ang anak ko?!” Hindi ko napigil ang pagtaas ng boses ko. Kung joke kasi yun hindi nakakatuwa. Hindi ko kilala yung team na may dala kay Avie.

“Dave what the hell is going on?” I asked Dave. Kung may kung ano mang orders alam kong hindi yon mae-execute kung walang approval ni Dave. Walang emosyon si Dave. But I can see pain in his eyes. Mapula yung mga mata ni Dave parang kakagaling lang sa pagiyak. “Dave they’re taking Avie to the morgue!! Alam mo ba yun? Morgue!!” I wanted to slap Dave para magising siya sa katotohanan. Baka kasi pati siya hindi pa nagigising sa bangungot na ‘to.

 Dave hugged me. My tears began to fall. Hinayaan ako ni Dave na wala sa tabi ni Avie kung kelan niya ako kailangan. Ang unfair niya. Gusto kong magalit at saktan siya ngayon para mailabas ang galit ko. Pero parang wala akong lakas gawin yon.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal ni Dave sa may bench sa labas ng ICU. I couldn’t even bear to look at him sa sobrang galit ko sa kanya.

How could he?

“Beh, baby I’m sorry” he held my hand. Gusto kong bawiin yung kamay ko sa kanya. Pero hindi ako maka-kilos.

“Wala na si Avie, ano pang magagawa ng sorry mo?” I finally gained the strength to stand up and leave him there. Ayaw ko muna siyang Makita.

Bumugso nanaman yung tears ko but I wiped them away. I calmed myself bago ako bumalik ng office ko para magpalit ng matinong damit. Pakiramdam ko kasi mukha akong tanga sa suot ko. Parang nawalan na ng saysay ang lahat.

I was about to come inside my office when a nurse called me. Wala na kasing ibang neuro surgeon present and emergency case daw, ngayon lang nila na-stabilize yung condition para ma-ayos yung damages to the spine ng patient. Nagkataon na nandito ako sa hospital.

I wanted to get my mind out of its misery kaya siguro magandang magwork nalang ako kesa sa loob ako ng office umiyak. Hindi pa naman alam ng management na I might be in emotional distress habang nagco-conduct ako ng operation. Tutal alam ko naman na nasa tamang pag-iisip ako, gagawin ko yung operation.

I followed the nurse sa OR. They gave me the files para malaman ko yung current status ng patient.

Minsan talaga pinaglalaruan ka ng tadhana noh? I read the file and nalaman kong si Yel pala yung ooperahan ko.

Ang galing galing ng tadhana. Clap! clap! clap!

 Would I kill him? Hell no! I want him to live! Gusto kong mabuhay siya para araw araw makita niyang dahil sa kanya kaya wala na ang baby ko ngayon! Gusto kong araw araw alam niyang namatay si Avie dahil wala siyang ingat. I want him to live miserably dahil kasalanan niyang wala na si Avie.

I went in and got through with the operation. And like all of my operations and procedures, I SUCCEEDED.

After a few weeks nakapag-recover si Yel. He fully recovered in six months’ time. Nakakapaglakad na nga siya ng maayos. Hindi na ako nagsampa ng kaso sa kanya, hindi na maibabalik nun si Avie. And nung gabi naman na nagconduct ako ng procedure sa kanya, niraraspa na si Margarette. Pina-DNA test ko yung fetus and it showed that he killed two kids. Kahit sarili niyang anak na hindi pa nabibigyan ng pagkakataong isilang pinatay niya. At nakuha ko naman yung gusto ko dahil halos ikabaliw niya yon.

Kamusta naman ako? After ng procedure kay Yel hindi ko kinayang umuwi sa bahay namin. I couldn’t bear to see the house, see Dave and Jayjay and everything that would remind me of Avie. I live alone now pero hindi narin sa bahay ko. I bought a condo na malapit sa hospital at dun nalang ako tumira.

It’s been months pero hindi ko pa nakakausap si Dave tungkol sa stand namin. Hindi niya rin naman ako kinakausap kaya quits lang kami.

Maybe we’re just not meant to be. Haay…

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now