O N E

2.6K 92 19
                                    

O N E




Jimin's POV

*BOOOOOOGSH!*

Rinig ko galing sa labas ng bahay kaya nagmadali akong lumabas at tingnan kung ano ang nangyari.

Laking gulat ko nang may nakita ako na babae naka handusay sa kalsada... May dugo galing sa ulo niya, walang malay.

"Miss?!"

"TULOOOOOOOOONG!!!" Sigaw ko pero dahil madaling araw na ay nakatulog na ang lahat ng tao sa paligid.

Bakit may ganitong babae dito sa labas ng kalsada sa eksaktong 2:00 am ng gabi?! Kinarga ko siya at sinakay sa sasakyan ko, pinaharurot ko kaagad to papunta sa pinaka malapit na hospital. Pati tuloy ang damit ko napahidan na rin ng Dugo galing sa kanya.

Kahit hindi ko kilala tong babae na to nag-aalala din kaya ako, konsensya ko na rin kaya pag hindi ko siya tinulungan, hindi naman din kasi pwede na iwanan ko lang siya doon sa kalsada nakahandusay na nag aagaw buhay.

Pagdating namin sa hospital ay binuhat ko kaagad siya pababa sa sasakyan at dinala sa loob. Natataranta na ako sa babaeng ito!

"Tulong! Tulongan niyo kami!" Sigaw ako nang sigaw dito sa ospital at may mga nurse na lumapit sa akin at kinuha tong babae mula sa aking mga bisig, nilagay nila ito sa stetcher at dumeretso sa ER.

Habang ako ay sumusunod lang sa kanila.

"Miss! Miss! Gising ka naman! Miss!" Sabi ko habang hinahawakan ang gilid ng stretcher kung saan siya nakasakay.

Pinasok na siya sa loob ng emergency room at nandito lang ako nag stay sa labas.

Umupo ako sa upuan dito at nilagay ang siko ko sa tuhod ko, napahilamos naman ako at napa suklay sa buhok ko gamit ang kamay ko.

Sino kaya yung babaeng yun? Nagtataka na ako, may parte sa akin ma gusto ko siyang tulungan at makilala pero konsensya ko nadin siguro kung pabayaan ko lang siya at iwanan, ako ang nakakita sa kanya kaya paninidigan ko yon.

Dito pang ako naghintay sa labas ng Er habang hinihintay ang mga resulta galing sa doktor.

NAMJOONIEE CALLING....

si hyung pala ang tumatawag, sinagot ko kaaga ito at nilapit ang cellphone ko sa tenga ko.

[JIMIN!!!] sigaw niya kaagad sa kabilang linya, hindi na uso ang hello? hi?

[Hello hyung! mabuti pa ako nag he-hello!] sabi ko and dont forget to put sarcasm.

[JIMIN!! s-si kookie!] teka! anong nangyari sa kookie ko?!

[baket nanaman hyung?!]

[Nandito sa dorm! naglalasing!]

[naglalasing? teka?! Kailan pa yan natutong maglasing ah?! ang bata bata pa ah?! ipatigil niyo hyung!] para na akong timang dito na sigaw ng siaw sa ospital at tinitingnan na din ako ng mga nurse at doctors na dumadaan.

[Pinapatigil nga namin eh kaso nanununtok na siya Jimin!]

[ano ba hyung?! bakit nanaman ba daw siya naglalasing?!]

[Hindi rin namin alam Jimin! asan ka ba? ikaw lang kaya wala dito!]

[Nandito ako sa hospital hyung!!]

[Peste naman oh! anong ginagawa mo jan ah?!]

[Hyung! long story! basta mag papaliwanag ako! hindi muna ako makakapunta ngayon sa dorm and please ipatigil niyo si jungkook!]

[ jimin! ayaw niyang tumigil! palagi niyang nababanggit ang pangalan na rose! rose nalang siya nang rose! sino ba tong si rose?!]

[Baka yan yung girlfriend niya hyung!]

[ah, eh girlprend ba? hehe suri, binigyan nga siya ni taehyung ng rose na galing sa altar natin eh, akala kasi namin yun ang rose na gusto niya, kaya pala nasuntok sa taehyung, babae pala yung si rose eh, hehe binigyan din siya nang tinapay ni hoseok na galing sa rose bakeshop, ayun natapon! hingal na hingal kaya si hoseok nun para lang sakanya! sayang ang tinapay!  ] napa facepalm nalang ako sa katangahan nila.

[hyung! ano ba naman kayo?! hindi niyo alam na may girlfriend na yang si jungkook?!]

[Paano namin malalaman h hindi nga namin yun kialala--rooooose! sorry na rose! mahal na mahal kitaaa!] rinig kong sabi ni jungkook sa kabilang linya, halatang lasing na lasing na siya

[Sige Jimin magkita nalang tayo bukas, patatahimikin pa namin si jungkook at baka masapak ni suga hyung na natutulog, magpapaliwanag ka pa.]

[sige hyung, kita nalang tayo bukas.] sabi ko at binaba na ang tawag, napa sandal nalang ako sa sandalan ng upuan dito sa ospital habang hinihintay parin ang resulta galing sa doktor.

di nagtagal ay may lumabas na na lalake sa ER na naka mask at uniform na pang doktor, Siya na siguro si dok.

"Kamusta na po siya dok?" tumayo kaagad ako at humarap sa doctor.

"Kaano-ano niyo po ang doktor sir?" tanong sa akin ng doktor habang inaalis ang mask na naka takip sa mukha niya.

"ahm...." ano ba ang isasagot ko? kaibigan? eh hindi ko nga siya kilala eh. kuya? wag na baka tanungin pa ang pangalan sa akin. Boyfriend? nako malabo, tatay? magkaheight lang kami no! at parang magka edad lang din ANO BA TALAGA?!

"ahm sir? kaano ano niyo po siya?" nagising nalang ako sa tanong sa akin ng doktor.

"kaibigan po." yan nalang ang nasabi ko, bahala na si batman

"gaano niyo po siya ka kilala sir?" ano ba tong doktor na to? parang chismoso to ah?! pero gaano ko ba siya kakilala na ngayon ko nga lang yan siya nakita.

"ahm, kilalalang kilala ko po siya dok, kamusta na po siya?" wala eh, sabaw.

"ahm sir, sana magulang niya ho muna ang makaka alam o ang taong mas malapit sa kanya, maghihintay nalang po ako kung wala sila dito, sakanila ko lang po muna isasabi ang karamdaman ng pasiyente." sabi niya at tinalikuran ako akmang aalis na pero hinawakan ko ang braso niya at hinarap sa akin, bakit ba kasi magulang niya muna bago kaibigan? eh ako lang naman ang nandito eh, hindi ko nga alam kung sino ang magulang niya! bakit ang choosy pa nitong doktor na ito?! bahala na nga kung ano ang lalabas sa bibig ko.

"ako po ang boyfriend niya dok." ANO?! ako?! bahala na! basta malaman ko lang ang karamdaman niya.

"ah, sige po sir." sabi niya at ngumiti.

"so kamusta na po ang karamdaman ng.. G-girlfriend ko dok?" nako malilintikan ako nito pag gising niya! eh hini nga kami magka kilala tapos naging girlfriend ko siya? tsk tsk tsk tsk.

"Sa ngayon po sir ay natutulog pa po ang pasiyente at sa obserbasyon po namin ay malakas ang tama sa ulo niya its either may pumalo sa kanya nang pagkalakas lakas o nabangga po siya, at dahil sa malakas na pagka bagok sa ulo niya sir ay pag gising niya maari na  wala na siyang maalala." sabi ng doktor, nabangga siguro siya dahil sa kalsada ko naman siyang nakitang naka handusay eh, pero hindi ko parin gets itong sinasabi ni doktor straight to the point nakang kasi.

"what do you mean doc?" naks napa justin beiber pa ako ah! yah! bakla bakla! sorry sa mga belieber jan!

"nagka amnesia po siya sir, at kung maari po ay sana wag niyo po siyang biglain na ipaalala sa kanya ang lahat dahil sasakit ang ulo niya at baka mawalan ng malay, sige po sir nalipat na po siya ng room pwede niyo na po siyang makita salamat po." ngumiti nalang ako at pumasok na sa kwarto nung babae. ANO BA?! hindi ko alam pangalan niya eh.

Pero ano daw? amnesia? ang hirap naman nito. pero isa lang ang sisiguraduhin ko

I'll help her.

>>

❄️ Amnesia Baby || yoona。[HIATUS]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum