Angel in Disguise - Chapter 10 *I miss you*

Start bij het begin
                                    






I guess love can also ruin friendship. Bakit kasi nainlove ako sa best friend ko eh. Sounds cliché right? Pero kahit gaanong ka-cliché ang sitwasyon ko, anak ng tinapa, abot hanggang hell ang sakit na nararamdaman ko hanggang ngayon. Miss na miss ko si Rui. Gusto ko ulit makipagtawanan sa kanya at makipagkulitan. Gusto kong mayakap ulit siya at masabihan ng mga sikreto ko but I don't dare to. Alam ko naman kasi eh, the more I got close to him, the more that I will yearn for his love.





Ilang taon na ang nakakalipas, but still, hindi ko magawang bitawan ang pagmamahal ko sa kanya.





"Maisie"





Nagulat ako bigla ng magsalita si Rui





"b-bakit?"





"naalala mo yung mag concert yung Paramore dito 4 years ago? Same colesium tapos pareho din yung pwesto natin"





Medyo iniwas ko yung tingin ko sa kanya "ah o-oo"


  "magkasama tayong dalawa nun eh tapos habang kumakanta sila nagtayuan lahat ng tao" pagpapatuloy naman ni Rui "eh ikaw sobrang liit mo kaya hindi mo makita kaya nag mukha kang Giraffe dahil nagkakanda-haba ang leeg mo! Hahahahaha naalala ko talaga yun! Tapos yung suot mo pang blouse may print ng giraffe pattern! Hahahahahaha"





Bigla ko namang naalala yung mga panahon na yun at hinampas ko si Rui sa balikat "napaka sama mong lalaki ka para ipaalala mo saakin yun! Eh bakit ba desperada akong makita nun si Hayley eh!"





"oo kaya ang ginawa mo tumungtong ka sa silya"





"pero muntikan na kong mahulog nun!"





"kaya pinasan kita sa balikat ko and after ng concert kinakailangan kong tapalan ng madaming salonpas ang likod ko kasi sobrang sakit! Para kang giraffe na baboy! Hahahaha"





Hinampas ko ulit siya "ang sama sama mo talagang Hapon ka! I hate you!!"





Hayop na to! Sukat ipaalala saakin yung mga nangyari noon!





Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko habang pinapanuod ang katabi ko na walanghumpay sa pagtawa





Binatukan ko nga  "aray ko Maisie-chan! That hurts" T____T






Binelatan ko lang siya. Bwisit eh =___=





"ne Maisie-chan.."





"ano?! Mangaasar ka na naman?!"





"ie.. Yokata" (no, I'm glad)





"huh? Anong sinabi mo?"





"wala"





"eh! wag mo kong hinahapon kung ayaw mong gawin kitang japayuki!" =__=





"eh basta! Wala!"





Tsk nakakayamot talaga siya!!! >___<





Tinignan ko ulit si Rui at nakita kong nakangiti siya habang nakatingin sa stage. Ngayon ko lang napansin, medyo nawala ang pagkailang ko dahil sa pang-aasar niya.





I smile to my self. Well, hindi namang masamang i-enjoy ko ang company niya kahit ngayong gabi lang di ba?





I will let myself fall for him tonight. Kung ano mang consequence ang mangyari, bahala na.





  what a concert!" sabi ni Rui pagkalabas na pagkalabas namin ng colesium habang naka-akkbay pa kami sa isa't isa





"grabe hindi ko expect na mage enjoy ako ng ganito!" sagot ko naman sa kanya





"eh" tinignan niya ako "what do you mean by that? Ibig sabihin expected mo di ka mage enjoy kasama ako?" He asked me while pouting





Pinitik ko naman yung noo niya "oo kasi di ka naman nakaka enjoy kasama! Ang boring mo"





"ah ganun ha?!" tinignan ako ni Ruin g nakakaloko





"o-o-oy w-what are you planning?!"





"asaan nga ba ang weakest point ni Maisie Shaey?" sabi niya saakin habang nakatingin ng nakakaloko





"hoy! Kung ano man yang binabalak mo wag mo ng subukan kung ayaw mong balian kita ng buto!"







"I'm not scared Maisie" sabi niya habang naglalakad siya papalapit saakin





Naku po, alam ko na binabalak ni Rui.





Napalunok ako bigla at nagtatakbo palayo sa kanya pero masyado siyang mabilis kaya naman nahabol niya ako agad





"Gotcha!" sabi niya sabay kiliti sa tagiliran ko





"hoy! Ano ba! Hahahaha bitiwan mo nga akong japayuki ka!  





  Manyak! Hahaha nakikiliti ako!"





"bahala ka di kita bibitiwan diyan!"





"o-oy japayuki! Hahahaa bitiwan hahaha mo hahahahahaha ako!"





"ayoko nga!"





Halos magpagulong gulong na ako sa kalsada sa kakatawa. Ramdam na ramdam ko narin ang panghihina ko kasi namang itong si Rui, alam na weakest point ko ang tagiliran ko sukat doon ako kinilit





"oy tama na--!" kakawala na sana ako sa kanya kaya lang ayaw niya parin ako bitawan kaya natabing ko bigla yung sombrero niya at nalaglag ito.





Pareho kaming natigilan ni Rui sa paghaharutan at napalunok kami pareho.





"Si Rui Ashiya yun di ba?" dinig kong sabi nung babae na malapit sa kinatatayuan namin





"oo nga siya nga!"





"Rui!"





"uwaaaaaaa ang gwapo niya! Tara pa-picture tayo!"





Uh-oh. I think we're in trouble





"naku po!" kinuha ni Rui yung kamay ko "takbo!!!"





Kumaripas kami ng takbo ni Rui papunta sa parking lot. Buti na lang at malapit na kami doon kundi yari. Nung makasakay kami sa kotse, agad-agad na nagdrive si Rui  













"Whoa  



  "whew that was close!" sabi niya





Napahawak naman ako sa dibdib ko habang hingal na hingal "akala ko katapusan na natin eh" nagkatinginan kaming dalawa then pareho kaming natawa





"hahaha grabe ngayon lang ako nabuko sa pag di-disguise ko!"





"sorry naman! Di ko sinasadya eh but fans can be deadly sometimes"





Nagtawanan ulit kami "well ganun talaga, gwapo eh"



"yabang mo!"





"hahaha to naman! Pero nag enjoy talaga ako ngayon, arigato, maisie-chan"





"thank you din. Nag enjoy din ako"





"hay siguro masaya siguro kung kasama din natin si Dionne no?" bigla naman akong natigilan dahil sa sinabi niya "ano na kaya ginagawa ni Dionne? Baka pinapahirapan siya ni Jake nii-chan! Naku patay talaga saakin yun! Sana naman kumain na yun. Kung kamustahin ko kaya? Pero nahihiya ako eh. ne, Maisie-chan tingin mo bagay kami ni Dionne?"





Iniwas ko yung tingin ko "e-ewan"





"eh basta! Alam ko na bagay kaming dalawa! I really really like Dionne!  


  Pag ako nakakuha ng tyempo liligawan ko na talaga yun. Tulungan mo ko ha, best friend?" hindi ako umimik sa sinabi ni Rui "uh Maisie-chan ok ka lang ba?"





"R-rui, paki hinto yung kotse"





"huh? Pero bakit?"





"basta"





Inihinto naman ni Rui yung kotse sa isang tabi at ng makahinto kami, agad agad akong bumaba.





"o-oy teka bakit?!"





Hindi ko pinansin si Rui at tuloy tuloy akong naglakad palayo.





Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. napaka tanga ko! Dapat talaga di na ko sumama sa kanya! Ang saglit na kasiyahan, pang matagalang sakit na naman ang katumbas.





Napahinga ako ng malalim dahil nararamdaman kong tutulo na naman ang luha sa mata ko. Nakakaasar naman eh, bakit ba naapektuhan parin ako sa kanya hanggang ngayon?!





"Maisie!" naramdaman ko na lang na hinawakan ni Rui yung kamay ko "anong nangyari sayo? Bat ka bumaba?"





Iniwas ko yung tingin ko sa kanya "kailangan ko na umuwi"





"hatid na kita"





"ako na lang"





"Maisie!" he tried to made an eye contact pero iniiwas ko ang tingin ko sa kanya "ano bang problema? I-I thought ok na tayo kanina? Akala ko bumalik na ulit tayo sa dati pero bakit ganyan ka na naman?"





Inalis ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko "hindi na babalik ulit ang dati Rui" tinalikuran ko na siya at naglakad paalis kaya lang nagulat ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod





"Maisie, please naman, let's bring our friendship back. You don't know how much I miss you. Please, bumalik ka na saakin, best friend"





Bigla na lang tumulo ang luha ko ng dahil sa sinabi niya.





"bakit hanggang ngayon hindi mo parin maintindihan Rui?! Hindi na ko pwedeng maging best friend mo!" tinulak ko siya palayo saakin at tumakbo na ako.









'best friend'











Hanggang doon na lang ba talaga ang magiging turing niya saakin? :'(  


Angel in Disguise By AlyloonyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu