Angel in Disguise - Chapter 9 *Painful past*

Magsimula sa umpisa
                                    






Nakita kong nag buntong hininga si Tito Jin at naupo siya sa sofa followed by Tita Chyna. Tinignan ako ni Tito Jin ng seryoso "Jake, yung bahay niyo ay ang dating bahay nila Dionne"





Nagulat naman ako sa sinabi ni Tito Jin "w-wait you mean kanila ang malaking bahay na yun?! Sila ang nakatira doon?!" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya "b-but how come?! Mayaman sila Dionne? Paano siya nauwi sa pagiging P.A ko?"





"Yep, they're rich. Sila din yung may ari ng café na pinapatakbo ng mom mo ngayon. Dionne's dad is a chef, and nung makaipon, nakapagpatayo sila ng sarili  nilang café"






"sa kanila dati yun?! But how come--?!" gulong gulo ang isip ko sa mga pinagsasabi ni Tito Jin. Sa kanila dati ang bahay at negosyo ni mommy? Pero paano napunta sa kanila yun? Naghirap ba sila? Pero bat si Dionne lang ang nagtatrabaho? Nasan ang family niya?





Ang daming tanong sa utak ko at alam kong hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang lahat.





"Tito Jin, please tell me everything about her" I told him seriously. I know Dionne annoys me big time. Ang epal epal niya at napaka nosy, but still hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang pagka curious ko sa katauhan niya.





Tumayo si Tita Chyna at nginitian niya kami "I'll just check on Dionne. Magusap muna kayo diyan" sabi niya then umakyat na siya sa taas leaving me and tito Jin alone.





Pagkaalis na pagkaalis ni Tita, ipinaliwanag saakin ni Tito Jin lahat-lahat.





"Japoy, Dionne's only 9 years old ng pinasok ng mga magnanakaw ang bahay nila. Her mom's in the province while yung kuya naman niya ay nasa camping. It's around midnight ng pasukin sila nung magnanakaw. Limang lalaking pare-parehong may mga baril ang nanloob sa bahay nila. Hindi ko alam yung exact event kung anong nangyari. Ang conclusion ng mga pulis, nakita ng papa ni Dionne ang mga lalaking yun kaya naman dali dali siyang pumasok sa kwarto ni  Dionne at itinago ito sa loob ng cabinet. Pero napatay ang papa ni Dionne, 20 saksak at 10 tama ng bala ang nakita sa katawan nito. Ang pinaka masakit na pangyayari, nasaksihan ni Dionne lahat ng nangyari. She's just 9 years old at that time kaya grabe siyang natrauma nung makita niyang sa harap niya mismo pinaslang ang ama niya. Halos isang taon din siyang hindi nakapag salita dahil sa trauma na nangyari sa kanya. Pero dahil sa pag-aalaga ng kapatid at mama niya, gumaling si Dionne doon sa trauma na yun at naging isang mabuti at masiyahing bata. But another tragedy came into their family. 5 years after ng incident na yun, her mom died because of a certain disease at tuluyan ng naulila si Dionne at si Dylan, ang kuya ni Dionne. Sabi namin ni Chyna, saamin na lang sila tumira but they refused. Masyado na daw maraming naitulong ang pamilya namin sa kanila. Pinilit namin sila pero ayaw talaga nila. Buti na lang at graduating na ng mga panahon na yun si Dylan ng college. Ibinenta nila ang bahay nila at negosyo. Ako ang tumulong sa kanila kaya napasakamay ngayon yun ng mommy mo. Yung pinagbentahan nila, ayun ang pinangbayad nila sa tuition ni Dylan. Huminto muna si Dionne nun sa highschool at hinintay niyang makatapos ang kuya niya. Ng makahanap na ng trabaho bilang chef ang kuya niya, doon na ulit pinagpatuloy ni Dionne ang pag aaral niya. Kaso isang trahedya na naman ang dumating. Kalagitnaan  ng pagiging second year college ni Dionne, na-confine sa ospital ang kuya niya with the same disease as her mom kaya napilitang huminto si Dionne para alagaan ang kuya niya. Dalawang taon din halos nakipagsapalaran ang kuya niya sa sakit na yun" tinitigan ako ni Tito Jin "last month, her brother died"

I am lost in words after hearing all those things. Ngayon alam ko na kung bakit ganito na lang mag-alala si Tito Jin kay Dionne, because she's already an orphan. Hindi ako makapaniwala na ang isang taong may ganitong karanasan sa buhay ay nakukuha pang ngumiti at maging masaya.

"s-so she's already alone?" ayan lang ang tanging bagay na nasabi ko after kong marinig ang mga sinabi ni Tito Jin. Hanggang ngayon, ayaw parin ma-process ng utak ko ang mga sinabi niya

Tito Jin nods "hindi namin alam kung saan ang mga kamag-anak ni Dionne. I know her grandparents from her father's side is living in China, and wala kaming idea kung nasaan ang relatives ng mom niya" biglang inilagay ni Tito Jin ang kamay niya sa balikat ko "Jake, dionne's a very lonely kid. Alam kong may mga times na pinipilit niyang maging masaya pero alam ko din, those memories are always haunting her. please be kind to her" tumayo si Tito Jin "I'll just go and check Dionne" he told me then iniwan na niya ako.

Angel in Disguise By AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon