The Day The Love Died

Magsimula sa umpisa
                                    

I took my phone again and called Yel. Na-interrupt kasi ng pagdating ni Felicity. Ay oo nga pala, I have to tell Dave.

“Yung girlfriend mo nasa sala” Sabi ko kay Dave.

He looked at me na nagtataka. “Girlfriend ko?” He asked. So hindi niya pala alam na nandito yung girlfriend niya.

“Hinahanap ka ni Felicity, yung doctor ni Avie, diba girlfriend mo yon?” Baka dun niya maalala. Funny, may naalala akong may tinawagan siya minsan na Felicito daw na client nila? He was very secretive dun ah Hmmmmm…

“Ah” sabi ni Dave. Ngayon na niya naalala. Ang weird lang, pero feeling ko may tinatago siya tungkol dun kay Felicity. “Hindi ko girlfriend yon beh, may balita ka na ba kung ano yung nangyari kanina?” He changed the topic.

“Nagaway lang sila kanina, kita mo naman sa CCTV bakit tinatanong mo pa ako?” Mga tanong eh

“Beh walang audio remember?” He reminded me.

“Bat ang init ng ulo mo?” I asked him. Irita much?

“Beh Avie’s missing, wag na tayong mag-away please?” Aba’t?! Inano ka ba?

“Who says nakikipag-away ako? Away agad? Hindi ba pwedeng nagtatanong lang?” Binara ko na hindi nako nakatiis.

Napalingon kami sa pinto when someone knocked. I opened the door and well what a surprise, Felicity’s here. Sumunod pala siya sakin. Well actually, kabisado naman pala niya yung bahay dahil nga madalas daw siya dito noong wala pako.

“Ahm guys I hate to intrude kaya lang kasi may emergency sa sala niyo” sabi ni Felicity. Waw ha? Kung may emergency ang kalmado naman niya. Sabagay doctor nga diba?

I moved backwards so she could get inside. “What’s the emergency? What happened?” I asked her. Dave stood up ran palabas. I looked at the monitor kung saan huling tumingin si Dave. Margarette’s on the sofa and she’s holding her tummy. Saka lang nag sink in sakin ang lahat.

Wah! Hala yung baby!!!!

Halos sabay kami ng pacing ng lakad ni Felicity. Mabilis pero kalmado ang dating. Ganun siguro talaga kapag medical professionals. Pero bakit ganun? Ang challenging ng mere presence niya para sakin? Hindi ako mahilig makipag compete sa ibang tao. Naniniwala kasi akong dapat i-improve mo yung sarili mo instead na maging basis ng pagiging-magaling ang iba. Pointless kasi yung ganun. Ma-sstress ka lang dahil kahit ano namang gawin mo, meron paring mas gagaling at gagaling sayo. It’s only a matter of self-contentment and kung papano ka maghandle ng selfworth mo. Like if you think others are better than you, eh malamang kahit anong effort mo mawawalan lang ng saysay dahil simula palang, nag-admit ka nang defeat. Pero if you want to be the best that you can be, waging wagi ka in the end.

“Dianne ang baby ko” Umiiyak na si Margarette while sitting in our sofa. Marami nang blood flowing on her legs.

“Calm down, ok? We’lll take you to the hospital” sabi ko to calm her down. Hindi rin naman kasi nakakatulong ang pagpa-panic and I can’t promise her anything at this point. Dave called the driver.

Ang weird ng pakiramdam ko kay Felicity, bukod sa kaninang negative feeling ko eh she’s just watching me and hindi siya nag-interfere. She’s like a gambler watching me and waiting for bluffs. Tsk! Why am I so affected? Kaloka much ah?

Ano kayang gusto niyang makita? Does she want to see me fail? Does she want to see how good I am bago siya maglabas ng moves niya? Grrr! Ayaw ko ng ganito! Sanay akong ako ang doctor at ako ang nag-oobserba, hindi yung ako ang parang nasa microscope at iniintay ang susunod kong gagawin.

Dave looked at me and waited for instructions. Wala namang mashadong restrictions, I just asked him to carry Margarette as gently as he could. And kahit ganun na nga wala paring input si Felicity. Grrr! This is infuriating!

At ayan, Emergency Room po kami after ilang minutes. Natatawa nalang ako dahil nga dapat sanay na ako sa ER, ang weird pala kapag kilala mo yung sinugod. Kahit pa hindi kayo close nakakaramdam ka rin ng kung anong awa. Lalo na ngayon na baka mawala yung baby nila, kahit gaano pa man ka-maldita si Margarette hindi naman dapat madamay yung bata. Naks! Mommy mode! Hahaha

Hindi naman ako OA ka-cruel, pero hindi lang talaga ako pwedeng makialam habang the nurses attend to her. Una dahil hindi ako on duty ngayon, ikalawa, dahil hindi ako scrubbed up at prepared para maghandle sa kanya and lastly, NATATAKOT AKO.

Natatakot ako kasi kung ako yung nasa kalagayan ni Margarette baka hindi ko kayanin. Right now her baby slowly dies inside her habang tumatagal na dinudugo siya. Pwedeng meron nang complications yung bata. Pwedeng magkaroon ng kung anong defect yung fetus dahil nga sa nangyayari. And worse if the baby doesn’t survive, baka ikamatay ko rin kung ako yung nasa stretcher at dinudugo. Blood is just blood. Sanay ako dahil nga matagal narin naman akong surgeon. Pero parang hindi ko matagalan yung ganitong scene and the thought of one of my babies dying para bang------

“Beh are you ok? Gusto mo labas muna tayo?” I felt Dave’s arm on my shoulder. “Halika muna sa labas beh” He guided me palabas. I stopped.

“Beh we can’t just leave her there ng walang kasama” Sabi ko kay Dave. Kahit naman imbiyerna kami sa kanila ni Gabriel mabait naman kami.

“I’ll stay with her” Sabi ni Felicity.

And there she won. Pakiramdam ko ang hina hina ko. Saka ko lang na-absorb na hindi ko kaya yung situation. Dave guided me out of the ER. Nanlambot yung mga tuhod ko when we came out. I sat immediately sa waiting area sa tapat ng front desk sa ER.

“She’ll be ok” Dave hugged me. Saka ko nalang napansin na tulala pala ako. Trauma? Siguro.

“I know” Hay nakakaloka talaga ‘tong kumag na ‘to, alam na alam niya kung papano niya papalakasin ang loob ko. Ayieee hahaha. I felt my phone vibrate. “Wait lang beh” Humiwalay muna ako kay Dave to get my phone.

Wala lang nagsend lang ng notification. Tsk! Kakaasar yung ganyan busy kang mag-moment eh.

Normal na sa ER ang malakas na tunog ng siren ng ambulance kapag nasa may entrance ka. Malamang diba? ER nga eh at maraming nag-aagaw buhay ang naisasalba dito basta maisugod at maagapan.

Ang hindi lang normal sa ER ay ang magbigay buhay sa isa sa mga pinaka-kinatatakutan mo.

“Doc Dianne, excuse lang po” A nurse guided me para tumabi, naga-unload na kasi yung kararating lang na ambulance at nasa daanan ako.

“Anong nangyari?” Dave asked me.

I waited until sabihin kung ano yung cause. Malalaman naman yun dahil magtatanong yung nurses for records and other legalities. I heard them say car crash. Hindi ko alam kung bakit pero parang nanlamig ako. Hindi ko feel ang atmosphere ng ospital ngayon.

I heard a familiar cry.

I looked at the door at saka ko nakita ang isa sa mga hindi ko kakayaning bangungot.

I froze. Gusto kong magsalita pero ayaw makisama ng katawan ko.

“Avie” sabi ng boses ni Dave sa likoran ko. Tulad ko, Dave’s in shock dahil nga sa nakita niya.

Avie’s in the stretcher na ipinapasok. Maraming sugat at bruises. Ang baby ko duguan at hila hila nila papasok ng ER. She was in the car crash.

All I could do is watch while they tear Avie’s uniform. Basang basa ng dugo yung tela. I felt my tear fall pero hindi parin ako maka-alis sa kinatatayuan ko. The doctors cleaned her wounds, ang daming dugo----

“Dianne! Dianne!” Dave calls me and I want to respond but I just felt numb. And everything turned black.

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon