+++

Ngayon na ang araw na napagkasunduan naming makipag-usap kay Krystal. Kaming dalawa nalang ni Charlie. May lakad daw si Louie. Baka may date.

Kinakabahan talaga ako. Paano nalang kung hindi parin ako papatawarin ni Krystal? Paano na kami?

Kasalukuyan akong nagtatago sa likod ng puno dito sa park samantalang nakaupo naman si Charlie sa bench habang naghihintay kay Krystal.

Namamawis na ang mga palad ko. Hindi ko alam kung ano ang aasahan. Sana maging maayos ang kahihinatnan ng lahat. Sana maliwanagan si Krystal. Sana...

Ilang minuto pa, dumating na si Krystal. Ang ganda talaga niya.

"Charlie! Bakit mo pala ako pinapunta?" tanong niya kay Charlie.

"Ah-eh kasi may sasabihin ako sana sayo," sagot naman ni Charlie.

"Ano yun?"

"Ano ah, pero pramis mo muna na di ka magagalit ha!"

"Oo naman Charlie, alam mo namang di ko magawang magalit sayo. Pero teka lang may sasabihin muna ako sayo."

"Ano yun?"

"Pwede bang wag ka nang sasama kay Chan-Chan?"

"Ha? Bakit naman? Bespren ko yun." Aww. Thanks Charlie.

"Alam ko bestfriend mo siya. Pero Charlie, manloloko si Chan-Chan! Sinungaling siya!" diin ni Krystal.

Ang sakit! Ang sakit marinig sa kaniya yun. Huhu.

"Alam mo kasi Krystal, ang totoo..." Napakamot ng ulo si Charlie at sumenyas na lumabas na ako.

"Ano to? Bakit ka nagpagamit sa kaniya Charlie?" medyo tumataas na boses na sabi ni Krystal.

"Wag ka kasi munang magalit uy! Magpapaliwanag kami," pakiusap ni Charlie.

"Charlie, wala namang dapat ipaliwanag eh! Alam ko namang pinilit ka lang niya. Kasi manloloko siya! Sinungaling!"

Halos mawalan ako ng lakas. Ganito ba ka-galit si Krystal sakin?

"Eh makinig ka muna kasi," sabi ni Charlie. Kahit siya halos di na rin alam ang gagawin. Kinuha niya ang kamay ni Krystal at kamay ko at pinaghugpong. "Mag-usap muna kayo."

Tumakbo na si Charlie palayo kaya naman naiwan kami ni Krystal.

Agad namang binawi ni Krystal ang kamay niya saka tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo.

Hindi ko dapat hayaang ganito nalang. Tumakbo ako para habulin siya at humarang sa tapat niya.

"Krystal, pakinggan mo naman sana ako oh! Magpapaliwanag ako," pagsusumamo ko.

"Wala akong panahon para makinig sayo! Pati si Charlie dinamay mo pa!" Akma ulit siyang aalis pero hinarangan ko ulit siya.

"Krystal, alam kong napakalaki ng kasalanan ko dahil nagpanggap akong babae. Pero Krystal maniwala ka saking wala akong masamang intensiyon. Hindi ko naman balak na lokohin ka eh"

"Hah!" Pakunway natawa siya. "Walang balak na lokohin ako? Chan-Chan ano bang tawag sa ginawa mo? Diba panloloko? Chan-Chan kinaibigan kita, pinagkatiwalaan! Tapos ito ang igaganti mo sakin? Ano bang tingin mo sakin? Pusa na pwedeng paglaruan?"

"Kaya ko lang naman nagawa yun kasi gusto kita! Gusto kita Krystal matagal na! Pero di mo yun napapansin."

"At sa tingin mo maniniwala pa ako? Pareparehas lang kayong mga lalaki. Mga manloloko. Sasabihin niyong gusto niyo ang isang babae pero pag nagsawa na kayo iiwan niyo din."

"Krystal alam kong iniwan kayo ng tatay mo pero…"

*pak*

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko.

"Huwag mong madamay-damay kung ano man ang nangyari sa pamilya ko," nagpupuyos sa galit na sabi niya. "Wala kang alam!" Tumakbo na siya paalis. Pero nasilayan ko. Tumulo ang luha niya.

Ngayon ko lang napansin, umaagos na din ang mga luha ko.

…pero kaya kong patunayan na hindi lahat ng lalaki iiwanan kayo. Krystal nandito ako, hindi kita iiwan. Sana naman, hayaan mong burahin ko ang mapait na alaala na iniwan sa inyo ng tatay mo.

A Man's LifeWhere stories live. Discover now