C24: A friend and a foe.

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ah, dugo." Ang tangi kong nasabi. Hindi ko rin naman alam kung paano ba ang magiging reaksyon ko. Ngayon ko lang naramdaman ang hapdi ng sugat sa binti ko. Paano ako nagkaroon ng sugat?


Hindi ko na namalayan na hatak hatak na naman ako nung Spade papunta sa clinic. Napakunot ako ng noo. Nagsasayang lang sila ng oras. Hindi ko naman kailangan ng tulong nila. Kaya ko ang sarili ko. Nakakainis.


Ba't ba nila ginagawa ito?


Napilitan akong umupo sa kama ng clinic habang ginagamot ng nurse ang sugat ko. Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa nurse dahil sa mga nalaman ko. Isa siya sa nakaligtas dati. Sa pagkakaalam ko, patay na ang isa. Kailangan ko siyang makausap tungkol sa bagay na iyon. Gusto kong malaman ang buong kwento. At isa pa, alam nung Mr. Laketon na nakaligtas siya, bakit pa niya tinanggap si nurse Tin bilang empleyado niya? Parang nagpapasok siya ng isang kalaban sa sarili niyang teritorya.


Nakakapagtaka ang pag-iisip ng Presidente ng eskwelahan na ito.

 

Ngumiti sa akin yung nurse noong tumayo siya at iniligpit lahat ng ginamit niya habang ako'y nagtataka pa ring nakatingin sa kanya ngunit alam kong hindi niya mababasa ang ekspresyon ko sa mukha. Kahit sino, hindi magagawa iyon.

 

"Paano ka ba napunta doon ha?" biglang tanong nung Spade habang nakaupo sa isang kama na katapat ng kinauupuan ko.


"Paano nyo nalaman na nandoon ako?" imbis na sagutin ang walang kwentang tanong niya ay binalikan ko siya ng isang tanong. Hindi nila maaring malaman ang pag-uusap namin ni Mr. Laketon lalong lalo na yung nalaman ko kay Blake at Hanako.


Hindi ko pa rin siya ganung pinagkakatiwalaan. Si Spade at Sandria, hindi ko sila tinuturing na katiwa-tiwala. Ang tanging dahilan ko lang sa pagsama sa kanila ay upang may mas malaman ngunit sa pagkakataong ito, mas may nalaman ako noong mag-isa ako.


Kailangan ko pa ba sila?

 

"Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko?" naiinis na tanong ulit ni Spade.


"Bakit nyo ko pinuntahan at pinakawalan?" tanong ko na naman ulit. Kung balak niyang makipag-inisan, hindi ako aatras. Dati pa siyang nagpapakulo sa dugo ko.

 

"Bakit? Hindi ba, gawain iyon ng isang kaibigan?"


K-Kaibigan?

 

Lumingon ako sa kanan at tsaka nagsalita, "Hindi ko kayo kaibigan." Saka ako tumingin sa kanya at muling nagtanong. "Paano ka nakapasok sa kwartong iyon?" napatingin ako nang masama sa kanya ng ngumisi siya. Anong ngini-ngisi-ngisi nito?


"Hindi mo naman kami kaibigan diba? Ba't ko sasabihin sa'yo?" sinalo ko gamit ang dalawa kong kamay ang bag ko na biglaan niyang binato sa akin. "Ayan, inabala pa namin si Raphael para kuhanin ang bag mo pero dahil hindi mo nga kami kaibigan, ano nga ba ang pakialam mo dun diba, Tuna? Tss. Tara na nga Sandria." Hinatak niya si Sandria palabas ng clinic. Magsasalita pa sana ako ngunit huli na.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon