Special Chapter

1.4K 48 17
                                    

A/N Please read Hello! Bago po ang lahat gusto po naming magpasalamat sa mga new readers at doon narin po sa mga dati pa kung nababasa niyo po ito! This serves as our year-ender gift to you guys, aside from the fact na nakaka-miss ding isulat sila Dana hehe. Sana po magustuhan niyo ang special chapter haha, wala pong kinalaman ito sa story ofcourse :) Yun po MARAMING MARAMING SALAMAT, Happy New Year Guys :)

-Uhm dedic din po pala kay ate Erinedipity. Salamat po sa paggawa ng mga stories niyo na nagpapasaya po talaga saamin, thank you po and Godbless!

So Uhm... Eto na po! :)


Special Chapter

Dana's POV


"Alexander teka lang naman!" pagtawag ko sa aking bestfriend na sobrang bilis maglakad, ang tangkad tangkad niya na nga ay nauuna pa siya sakin. Kutusan ko kaya 'to? Madaling madali eh.


"Bilis kasi!" Pagharap niya saakin ng panandalian ngunit patuloy parin sa paglalakad. Shit eh ang sakit na nga ng paa ko, pakiramdam ko napupunit na yung balat ko sa paltos eh.


Sa hindi ko na talaga kinaya ang hapdi ay huminto muna ako sa isang puno at tinanggal ang sandals ko, ang sikip kasi ng straps eh. Hinawakan ko ito at napa-iktad ako ng bahagya sa sakit.


Nakakainis, iniwan talaga ko ni Alex. Bwisit. Bwisit.


Tinitignan ko parin ang paltos ko at hinahawakan ito nang mapansin kong may umupo rin sa harap ko.


"Oh bakit andito ka pa? Nagmamadali ka diba?" Pataray kong sambit sa kaniya dahil nagtatampo talaga ko. He showed off an amused smile and shook his head, tss.


Nandito kami ngayon sa –hindi ko alam kung saan ako dinala ng bestfriend ko dahil may gusto daw siyang puntahan at kasama daw ako.


"Tagal mo kasi eh," he smiled again, "May gusto kasi ako saiyong ipakita, come" tumalikod naman siya saakin habang naka-bend parin ang kaniyang mga tuhod.


"Oh ano yan?" tanong ko naman dahil hindi ko naintindihan ang ginawa niya.


"Sakay na dali, hindi na natin maabutan yun eh," pagmamadali niya nanaman, wala na akong choice pa kung hindi pumasan sa likod niya, medyo nakakahiya nga pero wala akong paki haha. Buti nga kami pasan lang, yung iba diyan –nevermind.


"Huwag kang huminga sa batok ko nakikiliti ako," saad niya kaya naman naka-tanggap siya ng isang malutong na kutos mula saakin.


"Arte mo eh saan mo ko gusto huminga?!" natawa naman siya sa sinabi ko at naramdaman ko ring mas bumilis pa ang kaniyang lakad kaya mas hinigpitan ko ang pag-akap sa leeg niya. Lumalamig narin, hapon na kasi at malapit-lapit nang magdilim.


Maya-maya lang din ay nagco-color orange na ang paligid dahil sa malapit nang lumubog na araw... napatingala ako, ang ganda. Napaka-ganda ng langit ngayon.

Of False AccusationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon