Chapter Twenty eight - Protecting her

1.8K 68 40
                                    

A/N: Hello hello! Nakapag-UD ng di oras kasi may nagtatanong daw po kung magu-ud kami ngayon *cough* ate kate *cough* huahuahua. So eto na po! It's been 5 days *u* ang bilis T_T. HELLO ATE KATE.


Chapter Twenty-eight


Gabriel's POV


Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung nangyari sa akin. Akala ko talaga yon na ang katapusan ko, akala ko hindi ko na matutupad ang mga pangarap ko, akala ko hindi ko na sila makakasama... at higit sa lahat, I thought it was the end of everything for me.

All of the opportunities.


I thought I wasn't deserving enough to live, that I needed to die at an early time.


"Anong minumuni-muni mo diyan ha?" naputol ang pag-iisip isip ko nang bigla akong tinabihan ni Dana. Nakangiti siya, as usual, at ang bright ng mood niya ngayon. Nakakatuwa lang, dahil hindi ko naman inaasahan na magiging ganito kami ka-close. Alam kong may kakaiba sa kanya unang beses ko palang siya makita nung nasa White room pa kami.


"Ah, wala wala. Hindi pa rin kasi talaga mag-sink in sa akin na nabuhay pa ako. Alam mo ba nung nakapatiwarik ako, tinanggap ko ng katapusan ko na yon eh." pagkikwento ko sa kanya. I'm glad kasi lagi naman siyang nakikinig sa akin.


"Kalimutan mo na yung nangyari Gabe, magpasalamat nalang tayo ngayon sa Diyos at hindi ka Niya hinayaan. Magpasalamat ka nalang na may kaibigan kang kagaya ni Lucas." malumanay niyang sambit sa akin habang tinutulungan ako sa paggawa ng mga decorations. Tinuloy na namin yung paggawa nga mga ito na nahinto nung nakaraan, bukas na kasi yung event.


Napabuntong-hininga na lamang ako at ngumiti, "Yeah. And I think, this serves as my second life. Maybe, I still have my purpose kaya hindi pa Niya ako kinuha. Baka naman, hindi pa Niya ako kinuha kasi kailangan mo pa ako hahaha." biro ko, but jokes are half meant hehe.


Agad akong nakatanggap ng batok galing sa kanya, "Kailangan pa kita? Hangin mo talaga oy !! Tsk tsk." natatawa niyang pahayag, nakakagaan ng mood yung mga tawa niya sa totoo lang.


"Pero parang na-trauma nga ako sa pangyayari eh," pag-amin ko sa kanya sabay hawak sa gilid ng leeg ko na may bandage, kung saan ako binigyan ng maliit na hiwa ni Game master na kahit maliit ay napakasakit dahil sa mismong vein niya ito hiniwa.

Ngumiti siya ng malungkot na para bang nakiki-simpatya, "Well I can't really blame you on that. I hope you don't mind me asking this but, how was your encounter with the Game master? Kung malinaw pa sayo..." huminto siya sa ginagawa niya na tila ba hinihintay ang isasagot ko.


"No I don't mind, tutal malinaw na malinaw pa sa akin kung paano niya ako kinuha..." huminga ako ng malalim bago nagpatuloy at ikinwento sa kanya lahat ng detalye sa pagkakuha ko.




Third Person's POV



Dumating ang staff para sabihin sa head ang biglaang pag-forfeit ng kampiyon. Ang lahat ng atensyon ay naituon lamang sa kanya, na hindi na namalayan ng mga kasama ni Gabriel na may biglang dumukot sa kanya sa mismong oras din na iyon.

Of False AccusationsWhere stories live. Discover now