Chapter Thirty - Turning tables

1.7K 74 54
                                    

A/N: Euaaaaa salamat po sa paghihintay :> hehe you might want to listen to the song in the multimedia section, it's called I Will Follow You Into The Dark by Death Cab for Cutie and we're sure you'll get a lot of ideas what this chapter is all about ahe :> zzzz


Chapter Thirty


Simon's POV


Kakatapos lang ng party, magti-twelve na rin ng madaling araw dito. Nagsisiuwian na ang lahat, at kumukonti na rin ang mga tao. Ito na ang pinakamasayang araw ng buhay ko, ang saya saya ko. Sobrang saya. Biruin mo yun, sinagot na ko ng nag-iisang babaeng minahal ko ng ganito.


Ang tagal ko rin hinintay ang araw na to, ang tagal tagal. I've waited long enough, nag-effort at kumilos naman ako, ginawa ko ang lahat and everything was worth it.

Krystalle's all mine now, and I will never let anyone get into her.


Parang nananaginip lang ako, hindi matanggal sa labi ko ang ngiti. Ngayon lang ako ngumiti ng ganito, yung hindi napipilitan, kasi totoo ang lahat. I've never been this happy in my life.


I feel like I'm the luckiest and happiest man in the world right now. I feel like a fucking fully grown ass man, ganito pala talaga pag nagmahal ka. Haha puta Simon, kailan ka pa nagsalita ng ganyan? Siguro nga malakas lang ang tama ko kay Krystalle.


Nandito na ko nag-aabang malapit sa may entrance, sino pa nga bang hinihintay ko? Walang iba kung hindi ang girlfriend ko.


Funny, I have the rights and the position now to call her "my girlfriend", at ang saya sa pakiramdam. Hindi na kami MU, kami na. Kami na.


Habang naghihintay ay may biglang tumapik sa balikat ko mula sa likod, nagulat ako nang makitang ito pala si kuya Vincent, na kasama yung mga estudyanteng tinuturuan niya. Haha mukha siyang nagbi-babysit.


"Hanga ako sayo Simon, congrats. Binata ka na." nakangiti niyang sambit sa akin at nakipagkamayan pa. Yung mga kasama niya naman, ay tuwang-tuwa at kinikilig-kilig pa.


"Salamat kuya, wala naman kasing magagawa ang pagiging torpe. Look at me." proud kong giit at itinuro pa ang sarili ko saka ngumisi. Nakakaproud naman kasi talaga.


"Grabe, kuya Simon nakakakilig talaga yung kanina! Ang sweet sweet niyo nakakainggit!" aniya ni Hannah na tumatalon-talon pa. Natawa na lamang ako.


"Ayan oh, sabihan mo si Tan hahaha." biro ko at nakita ko namang nanlaki ang mga mata ni Tan samantalang si Hannah ay napairap na lang at tila nandiri sa sinabi ko.


"Pero seriously kuya, ang swerte niyo sa isa't-isa. Bagay na bagay kayo." dagdag pa ni Abigail dahilan para mas lalong lumawak ang ngiti ko.


"Salamat, ang swerte ko nga. Pinaghirapan ko rin 'to." iyon nalang ang tangi kong nasambit, masyado na kong mararaming natatanggap na mga puri ngayon. Hindi ako sanay.


Ilang sandali pa ay dumating na rin si Krystalle, fuck it para akong tinamaan ng pana ni kupido. Oo na ang korni, pero ganun yung pakiramdam eh.

Of False AccusationsWhere stories live. Discover now