Chapter Thirteen - Going home

2K 66 6
                                    

A/N: Hiiiiii :)) Hmmm dahil naka 2k na tayo at thank you thank you talaga po eh mag d-double update kami. yezz :) Thirteen and Fourteen :) So this one, short chapter lang po ito about sa pag uwi ni Dana sa kanila as the title suggested. So yeah... kita kita tayo sa fourteen >w<

Characters / portrayers po sa multimedia section ^^ 

Chapter Thirteen

Dana’s POV

12: 38 PM

Matapos naming magpahinga sa quadrangle ng ilang oras, sa wakas ay napagdesisyunan na naming umuwi na sa kanya-kanya naming mga pamilya at bahay. Ni hindi ko nga alam kung anong araw na, kung ilang araw na ba ang lumipas simula nung may dumukot sa amin.

Kaya naman heto kaming lahat, gustong-gusto nang makauwi at maramdaman ulit yung seguridad dala ng aming mga magulang at kapatid. Yung kasiguraduhang ligtas ka at walang mananakit sayo kapag kasama mo yung pamilya mo. Gustong-gusto ko na sila makita ulit.

Naglakad lang ako simula sa eskwelahan namin papuntang bahay, kayang-kaya naman kasi ng walking distance. Actually nagba-bike talaga ako papunta at pauwi pero hindi ko na alam kung nasaan na ba yung bike ko. Wala na ko sa wisyo isipin pa kung nasaan na yun kaya diretso ako uwi na naglalakad lang, kahit hinang-hina na ako.

Pinindot ko yung doorbell ng bahay, Diyos ko salamat parang ang tagal-tagal ko ng nawawala. Ilang segundo lamang ay agad na bumulaga sa akin ang mukha ng mama ko, gulat na gulat siya nung makita ako at dali-dali akong niyakap ng napakahigpit.

“Dana anak ko! Diyos ko salamat at umuwi ka na rin!” iyak niya sa balikat ko, hay grabe naaawa ako kay mama, sobrang maalalahanin kasi nito eh.

“Ma ok na ok lang ako wag ka na umiyak diyan hindi bagay sayo.” biro ko na lamang habang hinihimas-himas yung likuran niya.

“Alam ko hindi bagay sa akin ang umiiyak dahil pumapangit ako pero dahil sa ginawa mo ilang gabi kami hindi nakatulog ng papa mo!” paghagulgol niya.

“Sorry na kasi ma.” iyon nalang ang tangi kong nasambit, hindi pa ako handa ikwento yung bangungot na nangyari sa amin.

“Oh siya, magpahinga ka muna. Kumain ka, magpataba ka ang payat-payat mo.” sunod-sunod na paalala niya sabay hila sa akin papasok ng bahay.

Totoo ba to? Hindi niya ako tinanong kung saan ako galing? Wow, gabi nga lang ako makauwi kung anu-ano na sinasabi sa akin pero ngayon? Nakakapanibago. Dulot nga siguro ng to pagkawala ko.

“Dana Elizabeth!!” nabigla ako nang may sumigaw nun, may naaninag akong tumatakbo pababa ng hagdan- si papa lang pala.

Kagaya ni mama ay niyakap niya rin ako ng napakahigpit, “Nak sa wakas umuwi ka na rin! Salamat sa Diyos!” nanginginig ang kanyang boses nang sabihin yun, teka pa wag kang iiyak please.

Of False AccusationsWhere stories live. Discover now