Chapter Thirty four - Nightmares of waking up

1.6K 52 18
                                    


A/N: hello po hahahaaay sa wakas nakapag-UD din :) salamat po sa paghihintay~ We hope you guys are not only reading between the lines, but please READ BEYOND THE LINES.


Chapter Thirty-four

Dana's POV


Pagod na pagod na kami, halos hindi na nga ako makalakad pa dahil sa pagod pero titiisin ko. Seeing Janine like this... sobra sobrang nanghihina ako, umiiyak na nga ako and all but I need to be strong just for her. Hindi makakatulong ang mga pagluha ko para maging okay na siya.


Nang lahat kami ay sumang-ayon na kila Jason kami tutuloy, we started walking down, catching our breaths and securing each other's presence. Janine is unconscious as of the moment, so Jason volunteered to carry her until we reached his home. He was carrying her very carefully as if her body is as fragile as glass, that one wrong move and anytime it could be crushed into pieces, and as if he's scared that one harsh grip and he'll lose her...


Habang naglalakad kami, nanatili lang akong nakatingin sa kanilang dalawa sa hindi malamang dahilan. I don't have the energy anymore to be surprised at how Janine is looking like this, but there's one thing I'm sure of... she was tortured. It's pretty obvious she's been in extreme pain.


Ang laki ng pinagbago niya sa loob ng isang araw.


Putlang putla siya, umikli ang buhok niya, at halata mong hindi marunong gumupit ang gumawa nito sa kanya dahil ang pangit ng naging kinalabasan. Ang dami ring hiwa sa kanyang buong katawan, puro dugo ang kanyang damit, kung may makakakita nga sa amin siguro ang aakalain ay wala na siyang buhay at saamin ibubuntong ang sisi.


Sino pa nga ba ang may gawa nito, of course it's the fucking Game master himself.


How could he physically torture her like this? Ano bang naging mabigat na kasalanan ni Janine? When all of his past victims, ni hindi niya man lang sila ginalaw o sinaktan gaya nito, although they were dead straight to the point, at least Janine is still alive but, barely breathing.


Hindi ko matanggap na kailangan niyang danasin ang ganitong hirap at sakit bago namin siya mailigtas.


After several minutes at narating na namin ang bahay nila Jason. Nakita kong nagsalubong ang kilay at nagtinginan pa ang mga guards na nasa gate nila nang makitang may buhat buhat na duguang babae ang kanilang amo at may mga kasama pang ibang tao.


It must be very strange base sa mga ekspresyon nila, I think this is the first time na nagdala si Jason dito ng mga kasama na ganito karami? Bukod siguro sa akin noon na mag-isa lang naman.


Pinagbuksan na nila kami ng gate at dire-diretso kaming pumasok sa mismong loob. Sobrang tahimik pa rin at ramdam ko pa rin yung kaba na naramdaman ko unang beses ko palang na makapunta dito, ewan ko kung bakit pero kakaiba talaga dito. Everything's still dark and gloomy just like the last time.


Sila Gabe, Lucas at Simon naman ay nililibot ang kanilang tingin sa buong lugar, ganitong ganito rin yung nangyari sa akin noon dito. Lahat naman siguro ng makakapunta dito sa unang pagkakataon ay hindi maiiwasan na mamangha sa kung anong madadatnan mo pagpasok palang.

Of False AccusationsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin