Chapter Eight - Loathe could kill

2.2K 85 13
                                    

A/N: Please read. Una po sa lahat ang chapter na ito ay maraming curse words dahil kay Jason. Hahaha so pasensiya na po sa mga readers na medyo hindi sanay sa mura o hindi nagmumura. So ayun... :D

Chapter Eight

Jason's POV

Kanina ko pa hinihintay mag salita ulit yung tanginang boses na nag u-utos sa amin sa kwartong ito. Bakit? Dahil kanina pa nanginginig ang buong sistema ko.

Gusto kong magwala! Gusto kong ilabas tong galit na unti unting lumalamon sa pagkatao ko. Wala na kong paki pa kung magkamatayan na, dahil doon din naman ang patutunguhan naming lahat.

Ni hindi ko nga inasahan na buhay pa ko. Dahil sa totoo lang, sa akin mo mararamdaman ang kanaisang pumatay. Gago ako eh, basagulero at kung anu-ano pa.

Pero kahit ganito ako, nakakaramdam ako ng sakit. Pagkamulat ko ng mata ko, halos hilingin ko na sa Diyos na kunin narin ako. Patay na si Nico. Pinatay siya ng putanginang isa sa mga tao sa bilog na ito.

Hindi ako mapakali, hindi ko mapahupa yung galit na nararamdaman ko. Ni minsan sa buhay ko hindi ko alam na hahantong ako sa kalagayang ganito. I've always viewed life just as it comes to me. Easy-going, nag-aangas lang at walang paki sa paligid.

Pero tang ina sinusubukan talaga ko. Hindi nadin ako nabahala na may traydor na isa samin. Edi maganda, sana nga ako unahin niya. Ayoko ng mabuhay pa putangina dahil alam kong baka siya pa ang tumapos ng walang kwentang buhay ko pag nalaman niya ang nangyari.

Nakakatawa, wala ka talagang kwenta Jason putangina mo, napaka wala mong kwenta!

"My players, how are you all, still alive?" Ayan na siya. Sa wakas.

Kanina ko pa pinipigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo, ayoko na. Simulan na natin to para matapos na, at sinusumpa ko, mata lang walang latay kapag nalaman ko kung sino ka. Babalatan kita ng buhay literal kung sino ka mang hayop ka.

"Should we start our second game?" pakanta niyang saad na akala mo'y mga bata kami na hinihintay ang mga surpresa niya. Putangina mo, gustong gusto ko na makita yang pagmumukha mo dahil sinasabi ko sayo, manghihiram ka ng mukha sa aso sa kaya kong gawin sayo.

"Players, close your eyes." Walang paligoy ligoy niyang utos sa amin. Napuno nanaman kami ng katahimikan dahil sa pangalawang pagkakataon, wala nanamang kasiguraduhan ang mga buhay namin.

Hah, kung pwede ko lang patayin sarili ko eh. Kaso hindi eh, hindi pu-pwede dahil base sa mga narinig ko kanina. "You can't kill your self."

"Ohhhh, someone's angry," pang-aasar pa niya at alam na alam ko na ako ang pinaparinggan niya. Ramdam na ramdam mo ba ang galit ko? Good, dahil ipapakita ko sayo ang magagawa ng galit nayan.

"Killer two, open your eyess~." Gamit ang mapanlaro niyang tono ay sinabi niya ang mga salitang iyon.

Ano pa nga ba? Idinilat ko ang mga mata ko. Ang mga mata kong punong puno ng galit.

"Hi killer two, I'm fuck you Hahahaha." Wala akong pinapakitang emosyon kung hindi galit, alam ko kung ano ang ginagawa niya. Ini-inis niya ako. Gusto niya akong bumigay at magsisigaw, pero pasensiyahan tayo dahil hinding hindi ako mahuhulog sa katanginahan mo.

Hindi nila pupwedeng malaman na ako ang killer two, dahil lalabas pa ako dito ng buhay at papatayin kita.

"Who do you want to kill?" Ang mga katagang iyan. Hahahaha putangina, nung narinig ba yan ni killer one, anong reaksyon niya? Anong naging itsura niya AT ANONG PUMASOK SA PUTANG INANG ISIPAN NIYA PARA SI NICO ANG ITURO?

Of False AccusationsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora