Chapter Nineteen - Hours wasted

2.1K 74 23
                                    

A/N: IMPORTANT. Hahaha first of all, bago po tayo magpatuloy i-clear muna natin yung mga confusions :)) Una po sa lahat, iba yung dalawang killers sa white room at yung pumapatay na sa labas. Lahat ng roles nila noon sa puting kwarto ay nawala na dahil sa third game, remember yung challenge kay Alex? At don't worry lahat naman ng roles na nakuha dun sa kwarto eh mare-reveal sa tamang panahon so all of your hunches won't go to waste :)) So okay na ah? Wag na paghinalaan si jason (pero hindi padin natin alam bwahaha) kasi hindi na siya pumapatay, in short lahat sila wala ng alam... and then biglang namatay si Raia, yun yung indication na hindi pa tapos ang lahat, na game master is still after them kahit naka-labas na sila. yun lang  :> salamaaat.

Chapter Nineteen

Alexander’s POV

Pagkatapos na pagkatapos pa lamang ng klase namin ay tumayo agad ako at inayos ang gamit ko, kaso bigla akong pinaiwan ni prof may ipapagawa ata. Ugh, nakita kong nauna na si Dana lumabas, what the heck? Wala man lang paapaalam.

Saan kaya nagpunta ang babaeng yun?

Natatandaan ko yung sinabi ni Lucas na “Later.” sa kanya, hah, daming alam ng gagong yun. Mamaya ano pang gawin niya kay Dana ako mismo ang tatapos  sa buhay niya.

Pagkatapos na pagkatapos naman nung pinagawa sa akin ay naisipan kong dumaan dun sa kwarto kung saan kami nakipag-usap ni Dana kay Game master at tambayan rin pala ni Lucas. Baka lang naman makita ko sila dun.

At tama nga ako, andun sila… at mukhang may pinag-uusapan pa nga. Tungkol kaya ito sa kaninang nalaman namin? Hindi nila ko sinabihan ah.

Pero bakit kasama yung dalawang nagkwento kanina, ano nga ulit pangalan nito… Tan ba tska Abigail? Ah yeah, yun nga.

Tumingin ako sa maliit na bintana sa classroom hoping na marinig yung pinaguusapan nila ang kaso bigla silang nagsitayuan at inayos yung mga silya. Ayos ah bastusan daw ba?

Bago ko pa tuluyang buksan ang pinto ay umalis na yung Abigail tska Tan, kaya hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa, hinarang ko sila at diniretso na.

“Anong pinag-usapan niyo?” seryoso kong tanong sa kanila kaya naman nagka tinginan silang dalawa.

“Ahh, yun ba?Ahmm.” sambit nung lalaki habang hinahawakan ang batok niya at may pilit na ngiti pa. Halata mong nagdadalawang isip siyang sabihin sa akin.

Pinaningkitan ko sila ng mga mata, “Look, I’m not the bad guy here. Hindi niyo kailangan magtago sa akin.”

“Ah eh kuya naman, bakit ka sa amin nagtatanong. Dun nalang sa mga kaibigan mo hehehe.” hindi makatingin ng diretso sa akin yung babae. Tss.

Of False AccusationsWhere stories live. Discover now