Chapter Thirty nine - Someone to save you

1.5K 53 23
                                    

A/N: pretty pretty pretty please bago o pagkatapos niyo pong basahin itong chapter na ito kindly listen to the multimedia song above, it's entitled Someone to save you by OneRepublic which where we got our title for this update haha. Try to read the lyrics para po mas madama niyo si Simon.


**

"People fear death even more than pain. It's strange that they fear death, life hurts a lot more than death. At the point of death, the pain is over" -Jim Morrison


Chapter Thirty-nine

Simon's POV


I was there the whole time, watching them. Napanuod ko kung paano mag-away yung tatlo sa kung sino ang tatalon at kung sino ang magsasakripisyo, I was tempted to stop them, really pero hindi ko nagawa dahil baka mag-kagulo lamang lalo.


Nung mga oras na papatalon na si Lucas ay hindi ko inasahan ang biglaang pagdating ni Gabriel, it was like exposing himself to the whole world with big caps lock letters on his forehead saying "I am the Game master". Hindi siya nag-iisip, hindi siya mapakali dahil si Lucas na ang pinaguusapan dito.


Lucas was the one who helped him through his dark times... well bukod saamin ni Krystalle. And though malapit nadin namang mabunyag ang totoo niyang pagkatao ay napabilis pa ito.


Hindi naman maiwasang bumigat ang loob ko ng maalala ko ang nangyari, because damn I really didn't expect that fucktard to fall in his own death


He sacrificed himself para lamang matauhan na ang bestfriend niya, para magising na ito sa mga pinagagawa niya. He made his death worth remembering. Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait, napakatalino mo talaga Lucas, napaka-tapang at napakalawak mag-isip. Walang wala akong maipipintas saiyo.


Kahit pa gustong gusto na kitang patayin noon, bakit? Kasi buhay ka pa. Binuhay ka pa, to be specific. Puta hindi niyo alam kung gaano ako kagalit nang nagawa akong pagtaksalinan ni Gabriel at pinatay si Krystalle.


Ang daya daya. Iyan lamang ang laman ng utak ko ng mga panahong iyon, dahil kahit anong ginagawang pangingialam ni Lucas ay hindi siya ginagalaw ni Gabriel, but when Krystalle –my Krystalle intervened, he immediately let her bled to death.


And so I thought of a plan, a plan that could counterpart Game master's. Nang mamatay si Krystalle ay umarte akong wala lang kapag magkasama kami ni Gabriel, ang alam niya kakampi niya padin ako at handa siyang tulungan bawat oras.


But he was wrong, ever since the day of his betrayal, I was secretly helping Lucas para makapag-hanap ng mga solidong ebidensiya na makakapagturo sa bestfriend niya bilang si Game master. I want him to know it himself at hindi mangagaling saakin o kahit kanino pa man.


Hinding hindi ko talaga maipagkakaila kung gaano siya kagaling, nahanap niya lahat lahat. Mula sa pinakaumpisang pangyayari at lahat ng koneksyon ng mga tao sa bilog na napili sa White Room, but he couldn't accept all of those and so he went to me crying at muntik pa kaming magkasapakan.


I explained to him every detail, every damn thing that he wanted to know that time. Unang beses ko siyang nakitang umiyak at magwala sa harapan ko, he just wouldn't calm down dahil sa lahat ng bagay na nalaman niya. Damn who am I to blame?

Of False AccusationsWhere stories live. Discover now