Agad siyang huminto at nakinig...
"M—Maria?"
Hindi siya maaaring magkamali---boses iyon ni Maria, isa tatlong itinalagang maging Tagapag-ingat ng Covenant Code.
Huwag mo siyang hayaang mamatay...ni makuha ng sinuman sa kanila...
"Maria!"
At bigla nalamang nawala ang harang na bumabalot kay Grau. Nagtataka siya kung paano ito nangyari, ngunit isa lamang ang malinaw---at iyon ay ang pagpaparamdam ni Maria.
'Ang Covenant Code...'
Unti-unti nang nagsasama-sama ang mga salita mula sa pader at nagiging dalawang mala-kahong bato. Ang dalawang mala-kahong bato na iyon ang natitirang bahagi na bumubuo sa Covenant Code. Ginamit ang mga ito upang ikulong sa pader ang binasagan nilang Deserter na si Anshel dalawang libong taon na ang nakakaraan.
'Dahil ba sa ugnayan ni Maria at ng Covenant Code kaya ko siya naririnig ngayon?'
At sa gitna ng kaniyang pagkagilalas...
"---Hindi kita hahayaang alipinin si Fillan!"
Nakita niyang pinigilan ni Noah ang Arkanghel na si Yahoel gamit ang kaniyang kadena. Nagawa niya itong igapos sa mga kamay at paa, ngunit hindi ito nagtagal at agad itong pinulbos ng kapangyarihan ni Yahoel. Dahil sa ginawang pangingialam ni Noah kaya nagalit ang Arkanghel at agad siyang pinatalsik gamit ang pwersa na lumabas mula sa mga kamay nito.
"Lapastangan ka!"
--AH!!!
Humampas ang hinang-hina nang katawan ni Noah sa isa sa mga haligi bato na nakatayo sa lugar na iyon. Agad lumura ng dugo ang binata na indikasyon ng malalang pinsala na kaniyang natanggap.
'Ang binatang iyon....'
Agad na lalabas sa likod ni Grau ang pares ng puting pakpak. Isa ay kulay abo, at ang isa naman ay kulay puti. Ang mga pakpak na ito ang tunay na pakpak ng anghel na si Grau, at ngayon pa lamang niya muling nagamit ang mga pakpak na iyon matapos ang dalawang libong taon sapagka't matinding sakit ang idinudulot nito sa kaniya.
'K—kaylangan kong tiisin ang sakit!'
Mabilis na sumugod si Grau kay Yahoel upang pigilan ito sa balak nitong pag-angkin sa Decipher.
"Hyaaaa!!!!"
Inihataw ni Grau ang nabuong gintong sibat sa kaniyang kamay sa Arkanghel na si Yahoel. Hindi naman nagpalamang ang Arkanghel at agad siyang gumanti gamit naman ang kaniyang gintong lagareng kadena. Parehong naglabas ang mga ito ng matinding pwersa na mas lalung nakadagdag sa nangyayaring pagkawasak ng buong lugar.
"May lakas ka pa rin pala para makawala sa Holy Barrier hu?! Pero sapat na ba ang lakas na iyan para kalabanin ang gaya kong Arkanghel?!"
Itinulak ng pwersa ni Yahoel si Grau. Mga ilang metro rin ang pinagbagsakan ni Grau, ngunit bumangon parin siya at inihanda ang panibagong sibat sa kaniyang kamay.
"Maaring hindi na sapat ang kapangyarihang mayroon ako para pigilan ang Decipher, pero kayang-kaya pa kitang pigilan!"
Mabilis na bumulusok pataas si Grau at inatake ang kaniyang kalabang Arkanghel. Dahil sa ipinapakitang pagpupumilit ni Grau kaya lalung nagngitngit sa galit ang Arkanghel at walang alinlangan na sinalubong ang pagsugod ni Grau.
"Inuubos mo talaga ang pasensya ko Grau!!!!"
At habang gitgitan ang labanang nangyayari sa pagitan ng dalawang anghel, si Noah naman...
KAMU SEDANG MEMBACA
Code Chasers
FantasiWalang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilikha ng panibago. Wala siyang alam tungkol sa kaya niyang gawin... Ni wala siyang anumang ala...
Vol. 3 Code Twenty Nine: "When a Pure Heart Emerges from the Darkness"
Mulai dari awal
