Vol. 3 Code Twenty Nine: "When a Pure Heart Emerges from the Darkness"

Start from the beginning
                                        

"A—anong?"

Palakas ng palakas ang pagyanig, hanggang sa unti-unti ay nagkakaroon ng mahahabang siwang sa sahig. Bumuka ng husto ang mga nalikhang siwang hanggang sa magmistulan nang mga bangin ang mga ito.

"Hindi ito maaari....!" Naalarmang sambit ni Grau. Agad na mabubuo sa kamay niya ang isang gintong sibat at akmang susugurin si Fillan na siyang pinagmumulan ng malakas na lindol.

Kaylangan siyang pigilan!

Ngunit...

"A--anong?!"

Hinarang ni Yahoel si Grau gamit ang isang Barrier.

"Hindi ako papayag na makialam ka pa sa pagkakataong ito Grau!"

At ikinulong ni Yahoel si Grau sa loob ng Barrier na kaniyang nilikha.

"Hindi!"

Sinubukan ni Grau na wasakin ang harang, ngunit walang nangyari sa kaniyang ginawa.

Huwag mong....hayaang mamatay ang bata...Grau!

'Maria...'

Muli na namang naalala ni Grau ang naging pangako niya sa dalagang nagngangalang "Maria". Buo na ang pasya ni Grau ng mga sandaling iyon na itama ang pagkakamaling nagawa niya sa nakaraan. Ngunit sadya paring nahahadlangan siya nang "pangako" na kaniyang binitawan...

'Paano ko pa panghahawakan ang pangako ko sa iyo kung nakikita kong ganito ang nagiging resulta? Sagutin mo ako, Maria!'

"Kung inaakala mo na magagawa mo pang itama ang lahat Grau---nagkakamali ka!" ito ang naging pahayag sa kaniya ng Arkanghel na si Yahoel sa isang galit na tinig, habang hawak nito sa kaniyang kanang kamay ang Pantatak na gagamitin niya upang alipinin si Fillan. "....Imposible nang mapatay ng isang katulad mo ang Decipher lalu na sa ganiyang estado. Labis-labis na ang kapangyarihang taglay niya dahilan upang maging imposible na ang kamatayan para sa kaniya. At sino ba ang responsable sa lahat ng ito? Hindi ba't ikaw?!"

At habang sila ay nagdidiskusyon ay patuloy na lumalakas ang pagyanig sa paligid. Lalung kumakalat ang kadiliman sa paligid, at ang ugong na nagmumula sa pader ay lalung lumalakas.

"Labas ka na sa trabahong ito, Grau! Kaya kung ako sa iyo, huwag ka nalang mangialam kung ayaw mong tuluyan kang maging isang Isinumpa!"

Umunat ang tatlong pares ng pakpak ni Yahoel at lumipad palapit kay Fillan. Agad niyang binalutan ang kaniyang sarili ng banal na baluti upang proteksyunan siya laban sa makapaminsalang awra na inilalabas ni Fillan.

'Hindi pwede...hindi ito pwede!'

Buong lakas na ang ginamit ni Grau upang sirain ang harang na nakapaligid sa kanya. At habang ginagawa niya ito ay napakaraming mga bagay ang siyang lumilito sa kaniyang isipan...

'Kung tutuusin, maaari ko namang hayaan ang Decipher sa Hukbo ng Kalangitan---sa kamay nina Mikael. Pero...pero may kung anong bagay sa loob ko ang nagsasabing "Huwag".'

At sunud-sunod na kataungan ang pumuno sa kaniyang isipan nang mga sandaling iyon...

'Ano nga bang mangyayari kung sakaling napatay ko noon ang Decipher? Ano bang dahilan bakit hindi sya maaaring mamatay gayong nakatadhana siyang magdulot ng "pagkawasak" at "kamatayan" sa buong sangkatauhan? Ano bang magagawa niya para tuldukan ang napakatagal nang sigalot sa pagitan ng mabuti at masama? Nang liwanag at ng kadiliman? Nang langit at ng impyerno?'

At sa gitna ng kaniyang pagpupumilit na makatakas mula sa harang ay isang tinig ang kaniyang narinig...

Grau...

Code ChasersWhere stories live. Discover now