Chapter 1

8K 121 11
                                    

Sheen's POV

I was walking on my way to school when I saw some street children asking pennies from people who were just passing by.

"Ate, pahingi po ng barya pang kaen lang." Napahinto ako at napatingin sa batang lalake na nakasahod ang mga palad.

Dumukot ako sa bulsa ng jeans ko at ibinigay sa bata ang 10 peso coin.

"Salamat Ate."

"Walang anuman. Mag ingat ka." At saka ko hinawakan ang ulo ng bata at medyo ginulo ang buhok.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang ang bata naman ay tumawid na sa kalsada para humingi ng barya sa mga taong naroon.

Kawawang mga bata. They are too young to experience this kind of life. Dapat sa mga ganyag edad nila nakakapaglaro sila at nag-aaral.

Ramdam ko sila dahil hindi nalalayo ang buhay ko ngayon sa kanila.

Four years ago when my parents died from a car accident.

We were so rich back then. My dad was an owner of a car company and my mom was the one who's managing our other businesses like hotels, restaurants and clothing lines.

I'm an only child. No wonder I'm spoiled. They always gave me everything I want.

But when they passed away, it felt like I'm carrying the whole world on my shoulder.

I promised to myself that I will do everything to finish my studies and get a stable job. Wala rin naman akong ibang aasahan kung hindi ang sarili ko lamang.

I'm a 1st year college now. Buti nalang natanggap ako sa isang exclusive na university. Sikat na sikat ang university na 'to.

Paano ako natanggap? Dahil sa mga matatas na grades ko. Scholar ako dito, kailangan lang mamaintain ko ang mga ito para hindi ako matanggal. Kailangan mag aral ako ng mabuti para matupad ko ang mga pangarap ng mga magulang ko para sa'kin.

Nasa tapat na ako ng gate ng university. Grabe eto na talaga. Nandito na ko sa lugar kung saan ko tutuparin ang lahat ng mga pangarap ko.

Teka! Bakit parang walang guard? Anong oras na ba? Tumingin ako sa relo ko at nakitang 7:30 na.

Hindi kaya maaga akong pumasok o sadyang wala pa pang pasok? Pero ang sabi ngayon daw e.

Ba't ganon?

Pinagmasdan ko ulit ang gate at lalakad na sana papasok nang biglang may nagsalita.

"Ate pahingi ng barya." Isang batang babae naman ngayon ang humihingi ng pera.

Dumukot na naman ako sa jeans ko at akmang iaabot na ang barya sa bata nang makita kong dumarami sila. Nako! Mauubos pa ata pera ko.

"Ate ako din."

"Ate pahingi din."

"Ate barya."

Lahat sila lumalapit ngayon.

Hinihila na nila yung damit ko.

Ano ba to!

"Eto nalang ang pera ko, e." Ska inabot ang sampung piso sa batang babae na unang humingi.

"Ate sige na." halos pagmamakaawa n'ya. Gusto ko man silang bigyan lahat e kaso wala pa akong pera ngayon.

"Pero wala na talaga akong pera, e."

Ngayon mas lalong lumalakas ang paghila nila sa damit ko. Baka mapunit 'tong blouse ko. Pati bag ko ngayon hinihila na nila.

Tatakbuhan ko nalang sila. Oo ganon na nga. Tatakbo nalang ako.

THS: #1My Destiny(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon